CHAPTER 9
GALITTERRENCE
"H-Hindi ako nagkamali ng hinala sa'yo. Ikaw nga si Zoren..."
SA PAGKATARANTA ko ay kusang gumalaw ang kamay ko't nasampal ko siya.
"Aray!" Gulat niyang sabi at nilingon ako agad. Napatakip naman ako sa bibig ko't nabigla rin sa ginawa ko. Binigyan ako ni Easton ng inis na tingin. "Bakit mo ko sinampal?"
"Eh kasi... eh kasi ano..." Hindi ko alam kung ano'ng irarason ko. Nananaginip lang ba ako? T-Talaga bang nahuli niya na ako ngayon? Kung nananaginip lang ako pakigising naman ako, oh! Masamang bangungot ito!
"Bakit ayaw mong magpakilala? Kaklase pala talaga kita. Ilang beses kang nag-sinungaling at nagpanggap sa harapan ko." Hinarangan niya ako sa dadaanan ko, dahilan para ako'y mapaatras. "Kaya pala simula palang nung first day ng klase may nararamdaman na akong kakaiba sa'yo. Ikaw pala 'yung may-ari ng dummy account na matagal ko nang nakaka-usap."
"Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi mo—umalis ka nga diyan!" Sinubukan ko siyang itulak—kailangan kong maibalik ang kasungitan ko. I cannot let my guard down. "Ayaw kitang maka-usap—"
"Tatakasan mo ulit ako kagaya nung ginawa mo nun sa library?" Tanong niya sabay harang ulit. "Wala ka nang kawala ngayon dahil huling huli na kita."
Inangat niya pa ang cellphone niya at nagtipa roon. Pagkatapos ay mabilis niyang inagaw sa'kin ang cellphone ko at ipinakita niya 'yun sa'kin habang nag-riring. "Ayan. Eto na ang assurance na ikaw nga talaga si Zoren. At kung itatanggi mo pa 'yan puputi nalang ang uwak hindi pa rin ako maniniwala sa'yo."
Umakyat na ang dugo ko sa aking ulo. Bakit ba kung makapagsalita siya, parang ang big deal big deal nito sakaniya? Wow ha, napaka-unexpected nito considering na ginagamit niya lang naman ako?
Hinablot ko sa kamay niya ang cellphone ko. "Edi congrats, nakilala mo na ako." Ibinalik ko iyon sa aking bulsa. "Okay ka na? Masaya ka na? Pwede na akong dumaan?"
Hinawakan niya ang braso ko para mapigilan nanaman ako ulit sa paglalakad. "Ganun ganun nalang 'yun Zoren—este Terrence? Hindi manlang tayo mag-uusap manlang—nakilala na kita, oh. Paliwanag ka naman—"
"Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo." Galit kong sabi at hinigit ang kamay ko. "Ikaw ang maraming dapat ipaliwanag sa'kin. At tsaka ano pa bang silbe na magpakilala ako sa'yo? Tingin mo may saysay 'yun?"
Napatitig lang siya sa'kin at hindi nakapagsalita.
"Ilang beses mo akong pinikon kahit na ako si Terrence. Ever since ipinaglalaban ko sa isip ko na baka mabuti kang tao at estudyante kahit na ganoon pero nagkamali ako. Pasensya ka na pero na-turn off na ako sa'yo ng sobra-sobra dahil 'yung mga pinaggagawa mo ay 'yung mga tipo mismo na hindi ko magugustuhan sa isang lalaki."
"Pero—"
"At wag mo nang idahilan na porke nakilala mo na ako ngayon eh magiging maayos ka na sa'kin. Dahil kahit sino pang tao hindi mo dapat ipinapahiya at mas lalong hindi pinagtatawanan ang sexuality nila. Well, magiging maayos ka nga ba talaga? At tsaka isa pa," bumawi ako ng paghinga dahil kinapos ako. "wag ka nang magpaka plastik na parang ang laking bagay pa sa'yo na nakilala mo na ako. Hindi ba itatapon mo rin naman ako kapag naka-move on ka na sa ex mo?"
Kumunot ang noo niya at naglakad papalapit sa'kin. "Huh? Anong sabi mo?"
Nangilid ang luha sa aking mga mata. "Tama ako, hindi ba? Narinig ko kayong nag-uusap ng kaibigan mo tungkol sa ex mo. May ex ka—bagay na itinanggi mo noong tinatanong kita gamit si Zoren. Akala ko hindi mo 'yun sinabi dahil ayaw mo na siyang maalala pero 'yun pala tinatago mo siya sa'kin."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...