CHAPTER 10
GULAMANTERRENCE
INILAG KO raw iyong mukha ko kay Kai at hindi ko sakaniya iyon ipinakita. Hindi ko alam kung bakit at ano ang nangyari, pero sa ganoong paraan nagsimula lahat ng aking mga nakikita.
"Sinong may gawa niyan sa'yo?" Tanong niya habang seryosong tinitignan ako. Hinabol niya pa ng tingin ang mukha ko para makita ito ng mas maayos.
"'Wag na," sagot ko. "marami lang kasi sila kaya nila ako napagkaisahan. Pero kung konti lang 'yung mga 'yun hindi sila uubra sa'kin."
"Sila nanaman 'no?" Nabalot ng galit ang mga mata niya. "Hindi ka ba nila titigilan?"
Papakalmahin ko na sana siya pero hindi ko na siya napigilan. Tinanggal niya ang isang butones sa kaniyang polo para paluwagin iyon, at mabilis akong tinalikuran. Bumilis ang tibok ng puso ko at hinabol siya.
"Kai, wag! Magkakagulo pa!" Pigil ko pero tuloy-tuloy pa rin siya. Hinarangan ko na siya gamit ang braso ko. "Pag na-suspende sila sa klase pati ikaw madadamay."
"Wala akong pake. Tignan mo kung ano'ng ginawa nila sa'yo." Hinarap niya ako't tinuro 'yung mukha ko. "Ako nga hindi ko nagawang gawin 'yan sa'yo kahit nung panahong magulo tayo. Hindi ako papayag na hindi kita maigaganti."
Binalewala niya ang pagharang ko sakaniya at nagtuloy tuloy siya. Sa tangkad niya at bilis niyang maglakad, nahirapan akong abutin siya at harangan ulit.
Hanggang sa napadpad kami sa court ng school at nakita ko na ang bagay na hindi dapat mangyari—sinuntok niya sa mukha ang isa sa mga nanggulpi sa'kin kagabi. Pilit kong inaawat sila pero parang wala lang ako roon dahil hindi nila ako pinapansin.
Namalayan ko nalang na naka-upo na kami ni Kai sa bench at nilalagyan ko ng gamot ang mga sugat at pasa niya. Galit ko siyang sinermonan.
"Ang kulit mo. Sabi ko sa'yo wag mo na silang bawian dahil okay na ako. Tignan mo, parehas tuloy tayo ngayong may bugbog."
Natawa siya sa sinabi ko. Diniinan ko naman ang labi niya na may sugat. "Aray!"
"Tawa pa, tawa pa. Kala mo diyan."
"Ang sakit nun Terrence, loko ka..." reklamo niya habang nasisingkit ang matang iniinda ang sakit. "... okay lang naman ako eh. Ang mahalaga sa'kin naiganti kita."
"Eh hindi mo nga kailangang gawin 'yun."
"Eh nagawa ko na nga, wag ka nang magalit."
"Papaanong 'di magagalit eh hindi mo ko sinunod?"
Hinawakan niya ang kamay ko na may gamot. Ibinaba niya iyon at tsaka itinuro ang mukha niya gamit ang isang kamay. "Itong mga sugat na 'to na nakuha ko dahil sa'yo, akin lang 'to. Ginusto ko 'to, desisyon ko 'to. Matuwa ka nalang diyan dahil nagalit ako't pinagtanggol ka, okay? Managinip ka ng mahimbing mamaya."
Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan. "Ewan ko sa'yo."
Natawa siya ulit at tsaka ngumiti. Inangat niya 'yung kamay niya at hinawakan ang buhok ko. Pagkatapos ay marahan niyang ginulo 'yun. "Ang sarap makitang nag-aalala ka sa'kin—"
Nabura lahat ng mga imaheng iyon sa isip ko nang bigla akong mamulat.
Sa isang iglap, nagbagong muli ang aking mundo. Napatingin ako sa puti naming kisame at naging tahimik ang paligid. Unti-unti, namalayan ko ang ingay ng electric fan namin—nasa bahay na ulit ako.
Hindi pa naaalis sa alaala ko ang mga nasaksihang pangyayari. Bumalik ako sa pagkakapikit. Gusto ko ulit matuloy 'yung panaginip...
Bakit ganun? Parang totoong totoo. At ang... ang sarap lang sa pakiramdam na ganun ang nakita ko. Nangangahulugan iyon na may taong nagmamahal sa'kin ng lubos at handa akong protektahan. Na mahalaga sakaniya ang aking kalagayan at natutuwa siya sa concern ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
Storie d'amoreSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...