Chapter 15

6 1 0
                                    

CHAPTER 15
NAIS MAPALAPIT

TERRENCE

NANALO KAMI ng second place sa Sabayang Pag-awit. First place naman sa ibang mga patimpalak, kagaya nalang ng slogan making at tsaka sa rampa ng mga bayani. Si Easton naman, naka-kuha lang ng second place sa Isahang Pag-awit. This does not mean na hindi siya magaling kumanta. Magaling talaga siya. Mataas lang talaga 'yung boses nung babae na nakatunggali niya.

Niyabangan naman ako ni Easton noong sabay kaming umuuwi. Nakababa na kami ng tricycle at naglalakad na patungo sa mga bahay namin.

"Galing kong kumanta, 'no?"

"Hindi kaya," pagsisinungaling ko. "kanta ba 'yun? Boses palaka ka."

Siniko niya ko. "Sus, ayaw pa aminin na nagandahan ka sa boses ko. Aminin mo na. Ginalingan ko kaya talaga dahil ang lakas ng cheer mo sa'kin kanina."

Umangat ang dalawang kilay ko. Talaga ba? Niloloko nanaman ako ng kumag na 'to.

"Chineer ba kita kanina? Parang wala akong matandaan."

Ngumuso siya. "Oo, ah."

"Hindi. Mapag-ilusyon ka, 'no?"

"Hoy, narinig ko 'yon. Hindi ako bingi kagaya mo." Maya-maya'y nag-iwas siya ng tingin. "'Wag na nga lang." Dismayado niyang sabi. "Kahit naman 'di mo sabihin alam kong nagustuhan mo kinanta ko."

Natahimik ako pansamantala. Sasabihin ko na ba? Wala naman sigurong mawawala kung sabihin ko, 'di ba? Kung totoo naman talagang magaling siya at nagustuhan ko 'yung pag-awit niya.

"Edi fine, magaling ka na nga kumanta." Limitado kong pag-amin. "Yabang neto. May pakindat kindat ka pa kanina. Tumingin tuloy sa direksyon ko 'yung mga estudyante. Para kanino ba 'yun?"

Nabigla siya saglit at mas dumikit sa'kin. "Hindi mo alam?"

"Oo."

"Bakit hindi mo alam?"

"Sumagot ka nga ng maayos." Seryoso kong sabi.

Napa-irap nalang ako. Ayaw kong aminin na iniisip kong "ako" 'yung kinindatan niya kanina. Gusto kong makasiguro. Malay ko ba kung trip niya lang 'yon? Kahit pa nung lumingon ako sa likod ko sa pagpapanggap at wala akong estudyanteng nakita, ayaw ko pa ring mag-assume.

"Yiee, interesado siyang malaman..." Nilapit niya 'yung mukha niya sa'kin. Pagkatapos ay simple siyang natawa. "Nagseselos ka ba?"

Pakiramdam ko'y nag-init ang magkabilang pisngi ko kasabay ng bilis ng pagtibok ng aking puso. Ano'ng nagseselos? Siraulo ba siya? Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Pwede bang huwag mo akong pagtrip-an sa mga salita mo? Hindi ako natutuwa." Natahimik siya. "Kung balak mong paglaruan ang damdamin ko, tumigil ka, ah? Dahil ayaw ko na ulit magkaroon pa ng feelings sa'yo."

"Oh, chill ka lang..." Sabi niya sabay layo sa'kin. Ngumisi ulit siya. "Parang binibiro ka lang naman, eh. Kailan ka ba mawawalan ng regla? Araw-araw nalang talaga pikon ka."

"Hindi magandang biro 'yun, Easton."

Ngumuso siya. "Ang sensitibo mo naman. Bakit, maibabalik ba nung tanong kong nagseselos ka 'yung feelings mo sa'kin?" Inilagay niya 'yung kaniyang kamay sa bulsa. "Ang sabihin mo, masungit ka lang talaga. Kailan ba birthday mo? Mukhang alam ko na ireregalo ko sa'yo: isang sakong napkin. 'Yung may wings pa para cover lahat—"

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka na nga lang diyan. Wag mo nang sagutin 'yung tanong ko!"

Pagkatapos ay inunahan na siya sa paglalakad. Nakakabwisit. Kung ayaw niya magpatalo, wala akong lakas para makipag-bardagulan nanaman sakaniya. Tsaka bakit ba napunta siya dun sa "nagseselos" kesa dun sa posibilidad na curious lang ako? Hindi ba pwedeng maisip niya naman na kuryuso lang ako dahil ayaw kong mag-assume? Kahit kailan kumag siya.

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon