EPILOGUE
BINARYONG BITUINWhen you see a system of two stars that are gravitationally bound to and in orbit around each other, it is a binary star.
TERRENCE
WALA NA akong naging balita pa kay Easton magmula ng magpaalam kami sa isa't isa. Nag-eexpect ako na pagpunta niya sa ibang bansa, lilitaw sa cellphone ko ang mensahe niya na andudun na siya. Inaasahan ko na magtutuloy ang relasyon namin sa isa't isa kahit pa magkalayo kami, pero hindi iyon ang nangyari.
Siguro'y sobrang busy niya kaya ganoon. O talagang... simpleng wala na kami. Nalaman ko kay Tita na nanaynanayan ni Easton na babalik din talaga si Easton rito sa Pilipinas para ayusin ang mga papeles at ilipat ang parental rights sa tunay niyang magulang. Hindi pa naman namin nalalaman kung dito ba siya mananatili sa Pilipinas pag nangyari 'yon o magiging citizen siya sa ibang bansa—depende sa kung ano'ng gustong mangyari ni Tita Tanya.
Sa bawat araw na lumipas, labis akong naninibago dahil wala na siya. Hindi ako sanay na walang Eastonng bumabati sa'kin kada umaga. Easton na sumusundo sa'kin kapag tapos ng klase. Easton na kakulitan ko at lagi akong pinapangiti sa lahat ng pagkakataon. Easton na pinangarap kong makikita ako sa stage na naka-graduate at magiging kasama ko sa buhay.
Habang tumatagal ang panahon, mas lalo lamang akong naghahangad ng presensya niya. Pero kailangan kong tiisin ito... dahil ito ang ginusto ko para sakaniya...
Pero isang araw, matapos ang ilang taon na buhay na buhay ako'ng nangangarap na magka-usap ulit kami ni Easton ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
A message from Tita Tanya notified in my messenger. Mabilis akong kinabahan.
Tanya:
Terrence, how are you?Ni-replyan ko siya agad at sinabing okay lang ako.
Tanya:
Pwede ba kitang tawagan ngayon?Mabilis akong um-oo sa sinabi niya. Na-excite ako dahil alam kong kasama niya si Easton—pwede ko siyang maka-usap! Pwede kaming magkamustahan mula sa dalawang taon na nakalipas!
"Hello, Tita?" Excited akong umupo sa aking kama.
"Hi, Terrence..." Maayos niyang sabi sa'kin. I felt highly intimidated by the way she speaks, kahit wala namang bahid ng kung ano roon. "It is about my son the reason why I called you."
"O-Opo... bakit po?"
"I know na parehas kayong importante sa isa't isa dahil magkasintahan kayo..."
Ngumiti ako. "Kumusta na po siya? Kasama niyo po ba siya? Gusto ko po siyang maka-usap."
Narinig kong napahinga ng malalim si Tita. "Terrence, isang linggo mula ng makarating kami ni Easton rito... naaksidente siya."
Naglaho ang ngiti ko. N-Naaksidente?
"I was on emergency meeting that time, at wala ako sa bahay. Kasama niya ang driver ko ng pauwi siya pagkatapos dumaan sa isang opisina." Marahang napahikbi si Tita sa telepono. "Nabangga sila ng driver niya and he was in a critical condition. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makapag-update sainyo."
B-Bakit hindi ko manlang ito nalaman kina Tita na nasa kabilang bahay? Napatakip ako sa bibig ko at tumulo na ang mga luha ko. Sabay kaming lumuha ni Tita Tanya sa cellphone.
"H-Hindi ito alam ni Tita Lalaine mo dahil makasasama sa heart condition niya at ng kaniyang asawa. All this time, ang sinasabi ko lang sakanila kapag nagtatanong sila ay nasa maayos na kalagayan si Easton, but in fact he's in a coma..."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...