CHAPTER 17
LUNDAG NG PISOTERRENCE
DUMAAN ANG ilang mga araw at wala naman akong nakitang negative reaction o kung ano pa man, simula nung araw na ipinagtapat ko kay Kai 'yung nangyari sa akin.
Noon ko lang din na-realize na hindi ko pala naamin sakaniya na nagugustuhan ko siya. Kailangan pa ba 'yun? Siguro, implicit na rin 'yun dun sa mga nasabi ko sakaniya at sa kagustuhan kong mapalapit sakaniya.
Naikwento ko na rin kay Lucky ang nangyari, at tinanong niya ako kung ano'ng sagot ni Kai. Sinabi ko lang din sakaniya ang totoo: normal lang ang naging reaksiyon nito at hindi naman ako nito pinagbawalan na lapitan siya.
Dahil doon, hindi ko lang din malaman kung ano ngayon ang lugar ko kay Kai. Pwede ko ba siyang lapitan at maging... kaibigan? Bukas siyang magustuhan ko?
Ang hirap malaman. Hindi rin naman pwedeng tanungin ko siya. Nagdadalawang isip ako kung tama ba o nakakabastos sakaniya ang mga ginagawa ko. Na-stuck nalang tuloy ako sa pagtingin ulit sakaniya.
Kahapon, nagkasalubong kami sa hallway. Nagkatitigan kami. Lalampasan na sana namin ang isa't isa, ng bigla niya akong pinigilan. Parang nagsilundagan sa tuwa ang bawat kulisap na nasa loob ng tyan ko sa ginawa niya, na mukhang naging dahilan bakit labis na nayanig din ang aking puso.
"Wait." Sabi niya. "It looks stupid." Bigla niyang inayos ang collar ko na naka-angat pala at hindi maayos.
Pagkatapos noon ay nilagpasan niya na ako at naiwan akong nakatunganga. Para akong sasabog sa kilig.
Ano'ng ibig sabihin nun? Hindi ko alam. Ayaw ko sana'ng mag-assume... pero mukhang senyales 'yun na... okay kami? Hindi siya kagaya ng iba na after malamang napanaginipan kong magkasama kami sa panaginip, nandidiri at gustong lumayo?
Ah, ang hirap! Hindi ko alam ang gagawin ko.
Sumapit nalang ang kaarawan ni Easton at natagpuan ko ang sarili kong pinag-iisipan ulit ng maigi iyong alok niya sa'kin. Malapit ng mag-dilim at kakatapos ko lang mag-Simba. Naka-upo ako sa tapat ng aming bahay at nilalaro ang isang piso sa aking daliri.
Kung pupunta ako sa fast-food restaurant kung saan nagtatrabaho si Easton, ibig sabihin binabati ko siya ng happy birthday. Pinapayagan ko siyang ilibre niya ako. Nangangahulugan ba 'yun na... pinapatawad ko na siya sa mga kasalanan niya sa'kin?
Well, bakit ko siya papatawarin kung hindi naman siya in the first place humihingi ng sorry? Ni isang beses wala akong narinig sakaniya. Wag nalang kaya akong pumunta?
Para kasing ang ibig sabihin eh pinalalagpas ko nalang ang lahat ng nangyari sa'min, bagay na hindi ko kayang gawin dahil hindi pa ko makalimot. Tuwing naaalala ko kung ano 'yung motibo niya sa'kin noon kada gabi na matutulog ako, kung bakit niya ako kinausap at inentertain, parang masasariwa ulit 'yung malalim na sugat dito sa puso ko.
Can you imagine? In-approach mo 'yung isang bagay na 'yun na lubos ang kagandahan... nagliliwanag siya sa paningin mo at nagagawa ka niyang pasayahin ng andyan lang siya, at habang tumatagal ang panahon naging mahalaga siya sa'yo. Natutunan mo siyang mahalin kesa magustuhan lamang. Nang malapitan mo siya, mas lalo kang naging masaya dahil itong bagay na ito ay kumonekta rin sa'yo, umakto na parang siya ang kasagutan sa lahat ng tanong mo, hanggang sa nalaman mong wala naman palang totoo sa mga ipinakita niya sa'yo.
How can I easily recover from that? Kung ano'ng importante sa'kin, 'yun ang mismong sumaksak sa'kin.
Pero paano naman din 'yung kabaitang ipinaabot niya sa'kin ngayon? Sayang naman, mukhang pursigido siyang ilibre talaga ako sa birthday niya kahit wala siyang handa.
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...