CHAPTER 25
HULING HAGISTERRENCE
SA BUONG pagtakbo ko mula roon hanggang hotel, hindi nawala sa isip ko ang mga halik ni Easton. Paulit-ulit sa isip ko ang eksena: ang mga titig niya sa'kin, ang bawat galaw niya, at ang marahang pagdampi ng kaniyang mga labi. Hindi ako nakapag-focus sa paligid ko. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko.
Kinakabahan, naguguluhan, kinikilig ako na hindi ko maintindihan. Everything is just too much to process! Bakit ba hinalikan ako ni Easton? Mas lalo tuloy dumadami 'yung iniisip ko!
Pwede bang isa-isa lang?! Tao lang din ako!
Nag-roller coaster na lahat sa loob-loob ko. Iyong away namin ng pamilya ko sa sexuality, tapos ngayon iyong pagtupad niya ng hindi sinasadya sa mga napanaginipan ko na buong pagkatao ko naapektuhan dahil malaki ang ibig sabihin niyon, tapos ngayon, hinalikan niya pa ako?!
Gusto niya ba ako?
Hindi. Hindi posible 'yun. Natatandaan ko nung kausap niya nun si Marco tungkol sa akin: hinding hindi niya magagawang pumatol sa mga kagaya ko.
Pagdating ko sa venue, sinubukan akong kausapin ng mga magulang ko dahil sa naging pagtatalo. Hindi ko naman sila pinaunlakan dahil hindi ko pa sila kayang pansinin.
Natapos nalang ang birthday ni Tito Lito, iyon lang sa pagitan namin ni Easton ang laman ng isip ko. Mula sa sasakyan hanggang sa pagtulog, siya ang laman ng isip ko.
Paano naman si Kai?
Paano siya?
Napahilamos nalang ako sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano itong isinampal sa'kin ng realidad. Hindi ko alam ang gagawin. I need a time out, kailangan kong magpahinga. Pero mukhang... kahit ano'ng gawin ko, hindi maaalis sa isip ko lahat ng mga nakakalokang nangyari ngayong gabing 'to.
Leche ka, Easton. Kahit kailan, panggulo ka sa isip ko. Pinagtitripan mo nanaman siguro ako! Hindi mo ba alam na first kiss ko 'yung ninakaw mo?! Hayop na 'to!
Kinabukasan, paggising ko papasok sa school, nagmadali ako. Ayaw ko siyang makasabay. As much as possible gusto ko siyang iwasan.
Pero habang naliligo ako pakiramdam ko tinotorture ako. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, postura niya na humahalik sa akin ang pumapasok sa isip ko. Inis ko nalang na ginugulo ang buhok ko para mabawi ang sarili.
Pagbukas ko ng gate, mabilis kong ni-lock 'yun at naglakad. Pero pagharap ko sa kalye, naabutan ko si Easton na naka-bag na at binubutones ang kaniyang polo. Bumilis ang tibok ng puso ko—anak ng tipaklong naman talaga. Umawang ng kaunti ang bibig niya ng magkatinginan kaming dalawa.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nauna nang maglakad sakaniya. Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin.
Hindi siya nagsalita. Hindi siya nagtawag. Huminga ako ng malalim. 'Wag mokong kakausapin, tatampalin kita. Kailangan kong mag-focus, hindi dapat ako maapektuhan.
Nang huminto ako sa sakayan, tumabi siya sa'kin. Pero hindi niya ako tinignan. Hawak hawak niya pala ang cellphone niya at nagtitipa ng kung ano doon. Nang mapansin niyang sinusulyapan ko siya, marahan siyang tumalikod ng konti. Ganun din naman ang ginawa ko. Pakiramdam ko kahit umagang umaga, ang sikip-sikip ng hangin.
May humintong tricycle sa aming harapan—ah, dun ako uupo sa likuran!
Pumasok si Easton sa side car, habang nagmamadali naman akong dumiretso kung san ako uupo. Pero inis akong napakagat sa labi ko ng makita kong puno don. Pakiramdam ko ay nanghina ang tuhod ko sa thought na wala akong choice kundi makatabi siya. Pwedeng sa bubong nalang ako?
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...