CHAPTER 26
KAGAYA NG IBATERRENCE
HINDI KO nasagot ang tanong na 'yun ni Easton. Nag-dirediretso nalang kami pauwi. Hindi ko na siya sinagot dahil masyado akong na-shock sa mga sinabi niya sa'kin.
Those were the kind of words that I didn't wish to become true. They are just... to good to be true. S-Sigurado ba si Easton na hindi niya manlang ako niloloko?
Pagdating sa bahay, hindi kumalma ang bilis ng tibok ng aking puso. Mukhang mas lalo kong hindi maintindihan ang sarili ko ngayon, dahil kahit na hindi ako makapaniwala na gusto ako ni Easton, pakiramdam ko ay sobra akong natutuwa. Nagagalak.
Paghiga ko sa kama, pakiramdam ko yakap-yakap niya pa rin ako. Napapikit nalang ako habang inaalala ko kung gaano humigpit 'yun dahil gusto niyang malaman ko kung ano ang totoo sa nararamdaman niya para sa'kin.
Kung noon lang... ganito na ang nangyari, asan na kaya kami ngayon? This is the kind of thing I want to happen between us, dati pa.
"Lord..." nasabi ko sa kalagitnaan ng pagbabalik tanaw ko sa mga bagay-bagay. "... everything is so magical right now..."
Nananaginip lang ba ako?
The person who just confessed to me tonight is the same person I was head over heels several months ago. He is the person who triggered my courage to message a stranger like him. He is the same person whom I trusted before, who broke my heart, at ngayon humalik sa'kin dahil... iyon ang ginustong gawin ng kaniyang sarili. He is the man in my dreams. And finally, my one dream has been fulfilled: ang magustuhan ng isang lalaki.
Ngayong alam ko na na gusto nga ako ni Easton... ano nang gagawin ko ngayon? Anong dapat kong isipin? Anong kailangan kong tignan?
Pagdating sa school kinabukasan, ilang beses kaming nagkatitigan ni Easton. Ewan ko ba, nag-iingat naman ako na hindi kami magkatagpo. Pero lagi nalang na kapag nanakawan ko siya ng tingin, nahuhuli ko siyang nakatingin din sa'kin. His serious eyes is always on me, na para bang gusto niya akong lapitan o ano.
On that same day, ni-message ko siya sa messenger. Interesado lang ako sa kung bakit niya ako nagustuhan, kaya tinanong ko siya. Wala siya sa room ng mga oras na 'yun, pero online naman siya.
Terrence:
Ano bang nagustuhan mo sa'kin?Wala pang ilang minuto, nagreply na siya.
Easton:
Tanong ko rin yan sa sarili koTerrence:
Bakit nga?Easton:
Ang hirap naman sagutin kasi ng tanong na yan
Ang hirap manghuli ng mga tamang salita
Tsaka kailangan ba lagi yun? Di ba pedeng naiintindihan kong gusto lang talaga kita?Napahinga nalang ako ng malalim at dinama ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Maya-maya ay dumating na sina Easton kasama ng mga bago niyang kaibigan sa classroom. Nasa likuran siya—bahagyang siksikan ng magsipasukan sila, kung kaya't marahan silang nakapaglakad, dahilan para magkatitigan kaming dalawa. Nginitian niya ako saglit, na siya namang kina-iwas ko ng tingin.
* * *
MAMAYA AY Simbang Gabi na. Gigising nanaman kami ni Mama ng madaling araw para um-attend. Natulog ako ng maaga para hindi ako talunin ng antok habang nag-hohomily ang pari.
Pagkatapos nung nangyari nong nakaraang birthday ni Tito, hindi na namin napag-usapan pa ng family ko ang issue sa sexuality ko. Mukhang ayaw na rin namang pag-usapan nina Mapa at ginusto nalang na hayaang lumipas. Nagpapansinan na ulit kami sa bahay na para bang hindi kami kamuntikan mag-away ni Papa noon sa birthday ni Tito.
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...