Chapter 12

14 2 0
                                    

CHAPTER 12
KASAGUTAN

TERRENCE

"Sino ba kasi 'yung mga 'yon?"

PAUWI NA kami ngayon ni Easton pero huminto muna kami sa tindahan na nakasara para magpahinga. Grabe, ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko! Hindi ko sukat akalaing mapapa-away ako ngayon dahil sa kumag na 'to. 'Yung kamao ko, nananakit pa rin at ang bigat-bigat ng mga braso ko dahil sa rambulan.

"Basta." Sagot sa'kin ni Easton habang pinapalis ang ilang dugo sa kaniyang labi.

"Sagutin mo tanong ko. Alam mo kung hindi tayo nakita ng mga tao ron baka ngayon patay na tayo pareho, eh." Hinihingal kong sabi.

Natawa siya at tumingin sa'kin. "Alam mo na palang nakakamatay dun eh, bakit ka pa sumugod?" Inilapit niya ang mukha niya sa'kin. "Love mo pa rin ako, no?"

"Sira! Alangan namang pabayaan kita ron eh kasama kitang umuwi? Hindi naman ako salbahe kagaya mo para iwan ka." Tinulak ko siya. "Pagagalitan ako ng Mama ko nito, eh. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Tiyak na hindi niya na rin ako pasasabayin sa'yo sa pag-uwi dahil malalaman niyang may kaaway ka once na sabihin kong tinulungan kita."

"Edi sabihin mo na para wala ka ng kasabay sa pag-uwi. 'Yun naman 'yung gusto mo dati pa." Tinanggal niya 'yung butones ng polo niya at naiwan ang suot niyang puting t-shirt sa loob. Pawis na pawis siya. "Hindi mo lang siguro magawa gawa kasi may nararamdaman ka pa sa'kin, eh."

"Wow! Wow!" Natawa ako sa tonong naaasar. "Sige, aaminin ko nang may nararamdaman pa rin ako sa'yo pero hindi ko na 'yun gusto, 'no. Malapit na akong makalimutan ka kaya mag-intay ka lang. At para na rin malaman mo ang totoo, ilang beses ko nang sinabi kay Mama na sabihin sa'yong okay lang umuwi akong mag-isa pero hindi siya pumapayag. Napaka-asumera mo, sa gwapo mong 'yan hindi bagay sa'yo."

Bwisit na 'to, binalak pang puntiryahin 'yung damdamin ko sakaniyang matagal ko naman nang nilulusaw.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Oh, chill ka lang! Parang kakainin mo na ako, eh. Ang dami-dami mo nanamang sinasabi eh binibiro ka lang naman." Ginalaw niya 'yung bag ko. "Painom nalang ako ng tubig. May tubig ka ba diyan?"

Inis kong binuksan 'yung bag ko at ini-abot sakaniya 'yung tubig. Pinagmasdan ko siyang uminom doon.

"Alam mo hindi ko ine-expect talaga na ganito kang klaseng tao." Tinitigan ko siya ng mariin. "Ang inaakala ko sa'yo nun mabait ka, masipag mag-aral, at hindi mo kayang maranasan 'yung ganito. 'Yung maging bagsakan ng gulo? Sobra akong na-disappoint sa'yo."

"Sino ba kasing may sabing mag-expect ka?" Nag-iwas siya ng tingin at ini-abot sa'kin muli ang tubig. "Kaya lang naman ako napa-away kase 'yung mga 'yon, tropa 'yun ng boyfriend ng ex kong si Elaine. Inaakusahan nila ako na hindi ko pa rin daw nilalayuan 'yung ex ko eh ang tagal tagal naman na naming hindi nag-uusap. Kaya binugbog ko siya kasama sina Marco. Namemeste, eh."

Sumagi sa isip ko 'yung eksena na natagpuan ko nun sa eskinita. Ibig sabihin, andun nga siya at siya 'yung sinigawan ng lalaki noon tungkol sa pagiging Sacristan niya? At 'yung lalaking 'yun, iyon 'yung boyfriend ng ex niya?

"Ngayon nakisali ka pa." Lumingon siya sa'kin. "Baka galawin ka nung mga 'yon sa susunod na umuwi ka. Sana kasi hinayaan mo nalang ako dun eh. Di bale, sabay na lang talaga tayong uuwi para makasigurado akong safe ka."

"'Di kita kailangan. Kung uuwi ako, mag-tatricycle nalang ako hanggang bahay." Sagot ko. "Ayus-ayusin mo nga 'yang buhay mo, Easton."

Napa-angat 'yung dalawang kilay niya.

"Hindi ka na nga nag-aaral ng mabuti, may mga kaaway ka pa." Sinukbit ko na 'yung bag ko. "Hindi ka ba nahihiya? Nag-seserve ka sa Simbahan bilang Sacristan, naka-ganito 'yung mga kamay mo—" ginawa ko 'yung hand sign ng pagdadasal "—tapos nasa tabi mo 'yung imahen ni Hesu-Kristo, eh ganyan ka mamuhay paglabas? Kala mo kung sino kang banal? Paka-ingatan mo, baka sa susunod na serve mo pagtungtong mo ng Altar umusok ka bigla."

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon