Chapter 8

11 2 0
                                    

CHAPTER 8
HINDI NAGKAMALI

TERRENCE

DAMA KO ang pagod nang magising ako. Halos batuhin pa ako ni Mama ng sandok dahil ilang beses niya na akong niyuyugyog sa kama, hindi ko magawang bumangon.

Nakakatamad. Wala akong ganang kumain. Hindi nalang ako nagtaka kung hindi ko manlang naubos 'yung niluto ni Mama. Parang gusto ko lang humilata buong araw. Naghanda ako sa pagpasok sa school ngayon ng walang ka-gana gana—kaya ko ba today?

Kaya ko bang maglakad papasok sa school ng hindi ko manlang siya kahit isang beses masusulyapan? Maririnig? Ayokong makita ang pagmumukha niya ngayon dahil pakiramdam ko mas lalong lalalim ang hiwa na ginawa niya sa aking puso.

I just realized that he's the two kind of persons I totally hate: insensitive sa nararamdaman naming mga kaiba ang sexual orientation, at walang habas manakit ng damdamin para lang sa ikasasaya niya. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang makaharap siya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't masuntok ko siya sa mukha—malaman niya kung sino ako talaga. Adik na adik ako sakaniya samantalang nasa sakaniya pala naiipon 'yung mga katangian ng lalaki na hindi ko gugustuhin. Akala ko dati anghel, salbahe pala.

Papasok palang ako sa CR ng makita kong umilaw 'yung cellphone ko. Nag notify nanaman 'yung messenger tungkol sa message na kahapon ko pang hindi tinitignan. Nilapitan ko iyon at kinuha, sabay log-in sa account ni Zoren, at bumungad sa'kin ang message niya.

Easton:
Zoren pakinggan mo kaya ko na

Demetrius Easton sent a voice message.

Naalala ko 'yung sinasabi niya sa'king kanta na pinag-aaralan niyang gawan ng instrumental cover—talaga? Kaya niya na? Wala sa sarili kong pinindot 'yung voice message.

I felt the excitement when I heard him plucking the strings. He has done it beautifully. Pero hindi nagtagal 'yung excitement ko. Unti-unti rin 'yung nawala at napaltan ng lungkot ng maalala ko bakit niya nga ba 'to ginagawa. There is nothing real with what he's doing—lahat ng 'to pakitang tao lang. Gusto niyang makalimot kaya ginagawa niya 'to, and I hate that I am just being used as a means na para bang hindi manlang ako masasaktan sa oras na malaman ko ang mga kasinungalingan niya sa lahat ng ito.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa galit. Mabilis kong pinindot ang tatlong dot sa gilid at tangkang pipindutin ang "delete conversation," pero hindi ko agad nagawa.

Mayroong parte sa'kin na naghehesitate. Pinipigilan ako nito't sinasabing "huwag muna, baka pwede pa nating bigyan ng chance."

Pero hindi ba't ilang beses ko na itong inisip, at sa loob lang ng isang buwan nitong pasukan mas marami pa kong nakitang pagkakataon na dapat ko siyang kalimutan kaysa bigyan ng pagkakataon? Sa ngayon, napaka labo para sa'kin iyong makita ang hinaharap na ipapakilala ko pa ang sarili ko sakaniya. Tsaka para saan pa?

"Terrence tanghali na!" Rinig kong sigaw ng Mama ko. Hindi ko na natuloy 'yung gagawin ko at mabilis na pinatay nalang ang aking cellphone.

May flag ceremony pa pala—hindi ako pwedeng ma-late dahil baka mas lalong magalit si Mama.

* * *

"Tara praktisin na natin 'yung first two songs dahil kabisado naman na natin. Let's go sa baba!"

NAGSITAYUAN kaming lahat sa ayang iyon ni Lucky. Dahil nalalapit na talaga ang Nutrition Month celebration, hinayaan kami ng current professor namin ngayon na mag-practice. Bababa kami ngayon ng building para sa labas makapag-memorize ng dance steps na kagagawa lang nina vakla.

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon