CHAPTER 32
NAGBAGOTERRENCE
LUMIPAS ANG mga araw at hindi ako pinapatulog ng mga naiisip ko patungkol kina Kristen at Easton. Humahalo pa 'yung kwento ni Limuel kahapon—aish, nagkakaroon na tuloy ako ng mga pagkakataon na bigla nalang akong kinakabahan or na-stress sa kalagitnaan ng klase dahil naiisip ko 'yung mga pwedeng mangyari sa pinagtatrabahuhan ni Easton.
Hindi naman sa gusto kong maparanoid or anuhin 'yung sarili ko. I know and I understand... that what's important is the now. But I cannot just silence my mind that is concerned of future possibilities. Lalong lalo pa noong nakaraang araw na nakita ko si Easton na masayang nakikipag-usap kay Kristen?
Hindi ba't ganoon din siya dati sa'kin bago siya umaming gusto niya ako?
Lubos-lubos ang effort ko na patahimikin at kalmahin ang sarili sa mga pagdududang naiisip ko. Minsan, kalagitnaan ng klase, tinatanong ko nalang si Easton kung kumusta siya at anong ginagawa niya, para lang mapanatag ako. Nagagawa niya naman akong pakalmahin dahil agad siyang nakaka-reply.
Ngayon, day off ni Easton. Lumabas muna kami pansamantala at kahit papaano'y na-alwasan ang iniisip ko dahil kitang kita ko sakaniya na nag-eenjoy siyang kasama niya ako ngayon. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa ilalim ng mga bituin, habang binabaybay ang makulay na paligid ng Plaza.
Just like every Christmas day, maliwanag na maliwanag ang bawat puno dahil sa mga ilaw na nakakabit sakanila. Malinis na malinis ang paligid sa Plaza—para kang nasa ibang bansa. May kaniya-kaniya ring bench. Minsan nga iniisip ko kung Plaza pa ba talaga ito o magarbong park?
"Hindi nakakasawa puntahan 'tong lugar na 'to. Ramdam mo 'yung hangin?" Lumingon ako kay Easton. "Ang lamig, no? Parang Pasko."
"Medyo nasasawa rin naman ako." Pag-amin niya sa'kin. "Pero kapag nakikita ko 'yung mga ilaw sa puno sobra akong nalilibang."
"Ayun, may upuan dun." Bigla kong sabi ng may makitang bakanteng bench. "Tara, upo muna tayo dun."
Naglakad kami dun ni Easton at tsaka naupo. Ipinatong niya ang braso niya sa sandalan at tsaka dumekwatro. Dumikit naman ako sakaniya.
"My loves, naisip ko lang..." tumingin siya sa'kin. "... kailan kaya ako makakapag-aral ng Architecture?"
Huminga ako ng malalim. "Hindi ko lang alam. Ikaw, depende sa'yo."
"Depende kung hanggang kailan ako susustento sa pamilya ko?" Tanong niya. "'Di ba, pwede namang pagsabayin 'yung trabaho at school?"
"Oo, pwede 'yun. Kaso nga lang... kaya mo ba?" Umangat ang dalawang kilay ko. "Mahirap 'yun. Kung gugustuhin mong mag-aral ngayon malamang mag-papart time ka."
Napayuko siya at nag-isip. Marahan niya pang binasa 'yung ibabang labi niya habang nilalaliman ang iniisip. "Kung sabagay... baka hindi ko nga rin magawa mag-aral sa ngayon. Baka matalo ako ng pagod ko sa trabaho."
"Architecture talaga ang pangarap mo, ano?"
Ngumiti siya. "Oo."
"Bakit ngayon mo lang na-realize?"
"Ngayon ko lang nakilala kung ano talagang gusto ko, eh." Inabot niya 'yung kamay ko at hinawakan 'yun, nilaro-laro. "Bata pa ko na-aamaze na ako sa mga magagandang building, kung paano sila ginagawa ng nasa blueprint palang, dinodrawing... akala ko wala lang 'yun. Nang malaman kong may paglalagyan pala yung mga pakiramdam kong ganun, dun ko lang naisip na pag-Aarkitekto ang gusto ko. Sana maabot ko 'yung pangarap ko na 'yun, no?"
Tumingin ako sa kalangitan. "Maabot mo 'yun, in Jesus' Name." Nakangiti kong sabi sakaniya. "Though hindi man sa ngayon, hindi next year, or hindi man next next year, ang importante umaasa kang sa pagsusumikap mo, gigising ka nalang bigla ng ang dami mo na palang kliyente. Ikaw na si Architect Easton Gozarin..."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomantizmSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...