Chapter 4

17 3 0
                                    

CHAPTER 4
PAANO MO MASASABING "DAPAT MONG IKATUWA"?

TERRENCE

LUBOS AKONG napahiya sa mga tanong ni Easton kanina. Baon-baon ko 'yung kahihiyan hanggang sa makapunta ako sa canteen at samahan si Lucky.

Hindi ako makapag-focus sa pagkain dahil doon. What's worse, parang babangungutin yata ako sa thought ko na baka mai-kwento ni Easton sa mga kaibigan niya 'yung nangyari sa'min. Pasimple ko siyang sinusulyapan o 'di kaya'y pinakikinggan ang pinag-uusapan nilang magkakaibigan para lang maka-siguro na hindi siya nagkekwento tungkol sa'kin. Ang hirap makampante lalo na't ang lakas pa ng tawanan ng mga bad influence niyang kaibigan habang siya ngumingiti ngiti pa.

"Okay ka lang ba, Terrence? Hindi ba masarap 'yung pagkakaluto ng ulam today?" Tanong sa'kin ni Lucky ng mapansin niya ako. "Ngiti-ngiti naman diyan, mahaba pa ang araw, friend."

Ngumiti ako. "Okay lang ako, may iniisip lang."

"Maya mo na 'yan isipin, kumakain tayo." Sabi niya. "Nga pala, nabasa mo na ba 'yung selection na binigay sa'tin ni Sir Mendez?"

Tumango tango ako. "Oo. Kagabi pa." Umayos ako ng upo. "Hindi ba may recitation sakaniya mamaya?"

"Yes. Buti ka pa nabasa mo na kagabi, ako ngayon palang magbabasa." Ngumuso siya.

Umangat ang dalawang kilay ko. "Hala ka." Natawa ako sakaniya. "Yari ka mamaya—ay hindi, kaya mo naman 'yan, matalino ka naman eh."

"Matalino ka diyan."

"Oo, ang talino mo. Sa buong klase ikaw ang laging participative at ang galing mong sumagot. Transferee ka pero halos lahat napahanga mo na first day palang."

"Ano ba Terrence," lumandi ang boses niya at nimwestra ang paglagay kuno ng buhok sa likod ng tenga niya. "wag ka ngang ganyan, kinikilig ako—"

Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa. "Ewan ko sa'yo, parang sira 'to."

Natawa lang siya at nag-focus na ulit sa pagkain. "Pa-help nalang mamaya kapag recitation na, ah? Tatabi ako sa'yo."

"Kailangan mo pa ba ako? Kaya mo na 'yan, sobrang talino mo naman eh."

"Fake news." Kontra niya sa'kin. "Teka nga, nauuhaw ako. Bibili lang muna ako ng soft drinks. Dyan ka lang honeybunch sugarpop ko."

Binigyan ko siya ng nandidiring mukha. Honeybunch sugarpop—siraulong baklang 'to, akala mo naman talaga. Nang makaalis siya ay lumingon ulit ako kina Easton. Nakita kong nag-cecellphone siya habang ang mga kaibigan niya naman ay naka-focus nalang ulit sa pagkain. Huminga ako ng malalim at binalingan muli iyong pagkain ko.

"Sana lang talaga at hindi niya ako ikinwento sa mga kaibigan niya..." bulong ko sa sarili ko, pagkatapos ay napahilamos ako sa mukha. "Hays, kung bakit kasi kailangan ko pa siyang tanungin tungkol doon—bwisit na kuryosidad 'to, oh!"

Pagpasok namin sa room, binasa namin ni Lucky ulit 'yung selection na binigay sa'min ni Sir Mendez para makapag-review kami. Kahit ngayon lang magbasa si Lucky, for sure ang galing niya nanaman sa recitation mamaya.

Siguro all his high school days, hobby niya na talaga ang sumagot lagi ng sumagot sa klase kaya sisiw na sisiw lang sakaniya ang recitation. Kaya 'di na ko nag-eexpect na mapapahiya siya mamaya—baka mapangiti niya nanaman ang professor namin sa subject na 'to. What an inspiration!

Mayroon din naman siyang kasing galing sa recitation, pero mas nakaka-aliw sumagot si Lucky, siguro na rin dahil sa bading siya. Si Kai Ramirez na tahimik lang sa isang tabi ay madalas namang sumasalo mga tanong na hindi kayang sagutin ni Lucky. Pag sinabing differentiate entrepreneurship from being an entrepreneur, if kulang ang sinabi ni Lucky, si Kai ang magpupuno.

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon