Chapter 27

7 1 0
                                    

CHAPTER 27
NAPAKA SELOSO

TERRENCE

PAGKATAPOS NG Christmas party ay nagbakasyon na. Natapos na rin namin ni Mama at Easton ang pag-attend ng Simbang Gabi, at ngayon ay Noche Buena na.

Kumpara sa Simbang Gabi, mas madaming um-attend ngayon sa Simbahan. Hanggang Patio ay punong-puno ng mga tao. Mas maraming Sacristan ang nag-martsa patungo sa Altar, at buhay na buhay ang gabi dahil talagang pinaghandaan ng lahat ang gabing ito. Hindi kasi ito basta simpleng gabi na dadaan lang. Isa ito sa mga gabi na dapat patuloy na inaalala ng bawat tao.

Tinignan ko si Easton sa tabi ko na tahimik pinanonood ang mga naghahandang Sacristan.

"Na-miss mo?" Tanong ko sakaniya.

Lumingon siya sa'kin at ngumiti.

"Ba't 'di ka bumalik?"

Ngumuso siya. "Pwede naman. Kaso... deserve ko ba?"

Naalala ko ang mga pinaggagawa niya dati. Kung sabagay, mayroong punto 'yung tanong niya. Mahirap nga namang sumali sa ganyan kung mismong namumuhay siya ng hindi ayon sa kung ano ang dapat niyang ika-buhay. Mayroong mas deserving sa posisyon niya, kung ganoon.

"Eh kung... nagsisi ka naman na sa mga nagawa mo noon, eh?"

Umiling siya. "Nahihiya na ako kay Lord. Tsaka tingin ko okay na ako na hindi na kasali sa Kasamahan. Marami na rin namang nakapasok simula nung nag-pull out ako." Tumingin siya sa itaas at pinagmasdan ang mga imahen doon. "Masaya ako na nakasali riyan, pero hindi ko siya deserve."

Tinignan ko siya ng maigi pagkatapos niyang sabihin 'yun, sabay napahingang malalim. Biglang sumagi sa isip ko 'yung mga sinabi ko sakaniya noon tungkol diyan. Hindi kaya naka-impluwensiya rin ako kahit papaano sa naging desisyon niya noon?

Nagsimula na ang Misa. Pumasok ang mga Sacristan at ang Pari, samantalang dala-dala ang Niño Hesus. Napangiti ako at nagalak ng magpatuloy na ang daloy ng Misa patungo sa pag-awit ng Papuri sa Diyos. Hanggang sa nagsimula ng mag-Homily ang Pari. Everyone listened to him, dahil mukhang makapagbibigay nanaman siya ng sermon na talagang tatagos sa kaibuturan ng bawat isa.

"Mga kapatid ko kay Kristo," matamis siyang ngumiti sa'min. "ngayong gabi ating ginugunita at sine-celebrate, ang kapanganakan ng ating Panginoon na si Hesu-Kristo. Ako'y natutuwa, dahil lahat kayo ay andidito at inaalala ang pinaka-mahalagang kaganapan na naganap sa buong mundo. Pero mayroong mahalagang katanungan na aking ibibigay sainyo: talaga bang bukal sa inyong mga puso ang pagpunta rito, o dahil tingin niyo ay kailangan lang?"

Nakuha niya kaagad ang atensyon ko. Pakiramdam ko ay ganoon din ang mga taong nasa paligid ko—naging bukas ang tenga ng kusa dahil sa mga salitang binitawan niya.

"Naiintindihan ko na may pangangailangan ang pag-Sisimba sa gabing ito, pero 'yung pangangailangan na 'yun ay hindi dapat nagmumula lamang sa kung ano ang sinabi ng inyong isipan, kundi kung ano ang sinisigaw ng inyong puso. Andidito kayo, dahil nakatanim sa inyong mga pusong gusto ninyo talagang andidito kayo."

"Alam ninyo, akong si Fr. Raegan ninyo, hindi ko naman talaga pinlano—ni sumagi sa aking isip, na maging isang Pari." Ngumiti siya sa'min. "Isa akong mapagdudang tao. Hindi ko ito pinaniniwalaan noon. Mataas ang pride ko na matalino ako't kumbinsido na imposible lahat ng ito. Hanggang sa dumating nalang ang panahong may nagtanong sa'kin sa likod lang ng aking isipan na siyang nagpabago ng takbo ng aking buhay. Dati'y mahilig akong salungatin ang Bibliya na nagsasabing 'Ako'y inyong hanapin, at Ako'y inyong matatagpuan.' Sa huling pagkakataon na binalak kong salungatin iyon, bumalik sa akin ang tanong: 'Talaga nga bang naghanap ka?' Raegan, talaga bang sinubukan mong maghanap?"

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon