Chapter 31

2 1 0
                                    

CHAPTER 31
MGA BAGONG KAIBIGAN

TERRENCE

DUMATING ANG birthday ni Easton at nagsi-datingan ang mga kaibigan niya sa bahay nila. Buti nalang at saktong day-off niya noong araw na 'yun kaya wala siyang naging problema sa pag-cecelebrate.

On the other hand, may pasok naman ako nung araw na 'yun at sobrang busy. Pero kahti na ganun, hindi ko naman nakalimutang batiin siya ng Happy Birthday maagang maaga pa lang. Bago ako pumunta sa school, kumatok muna ako sakanila at binigyan siya ng kiss. Ayun, natuloy siya sa paghahatid sa'kin.

Oo nga pala, na-stop na rin nga pala si Easton sa pagpapasada ng tricycle dahil wala na siyang oras para roon. Ever since na nagsimula siyang magtrabaho, doon nalang talaga siya na-focus at wala ng iba. Sayang lang talaga at hindi siya nakapasa ng entrance exam sa isang state university. Kung hindi edi sana sabay kami ngayong pumapasok. Kung bakit kasi hindi siya nag-aral noon ng mabuti?

Alam niyo bang nakwento niya sa'kin na gusto niya raw mag-Architect? Lately niya lang 'yan na-realize. Tapos nag-HUMSS siya nitong senior high school. Papaano niya ngayon masusulusyunan 'yung problema niya kung HUMSS ang kinuha niyang strand? Ayun, wala tuloy siyang magawa. Mukhang mababaon nalang sa isipan niya 'yung naging pangarap niya.

Hindi nawala sa isip ko kung ano'ng gusto kong i-regalo sakaniya ngayong birthday niya. Ginamit ko ang matagal ko nang pinag-ipunang pera para ipambili ng relos para sakaniya. Napapansin ko kasing luma na 'yung relo na ginagamit niya. At tsaka isa pa, dati ko pa nakikinita noon 'yung relong ibibigay ko sakaniya na mukhang babagay sakaniya. Dumaan muna ako sa mall bago umuwi.

Gusto pa sana akong sunduin ni Easton, kaso hindi na ako pumayag dahil alam kong may mga bisita siya sa bahay. Hindi niya pwedeng iwan 'yun. Sinabi ko sakaniya na mag-focus nalang muna siya sa mga bisita niya at kaya ko namang umuwi nalang ng mag-isa.

Pagdating ko sa bahay nila ay agad niya akong sinalubong ng nakangiti. "Andito na pala my loves ko..."

Hinawakan niya ako sa baywang at tsaka hinarap sakaniya. Napatingin ako sa mga katrabaho niya na napatingin din sa'min. Nakita nilang hinalikan ako ni Easton sa noo at tsaka ngumiti. "San ka galing? Kanina pa kita iniintay." Tinignan niya 'yung relos niya. "Alas singko ang uwian mo, pero alas sais ka na nakadating. Traffic ba?"

Umiling ako. "Hindi naman." Hinawakan ko ang buhok niya at inayos 'yun. Pagkatapos ay tinignan ko ang mga mata niyang bahagyang mapungay at nakangiti dahil sa saya. Mukhang kanina pa sila nagkakatuwaan ng mga tropa niya. "Bumili lang ako ng regalo para sa'yo."

"Talaga?" Lumayo siya ng bahagya at excited na tinignan ang mga kamay ko. "Asan?"

"Nasa bag ko." Ngumiti ako. "Tara, dun tayo sa kwarto mo."

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papaalis at dumaan sa mga ka-trabaho niya, pati na ang ilang mga naging bagong kaibigan niya nung high school. Napatingin sila sa magkahawak naming kamay.

Alam nila na magkasintahan kami ni Easton. Pero, hindi ko naman sila nakaka-close dahil bihira lang naman kami magka-usap. Tuwing birthday lang ni Easton ko sila nakikita.

Wala naman akong pakialam sakanila. I'm fine na magkakilala lang kami at hindi nagkakapansinan. Ngiti-ngitian lang, ganun.

Pagdating namin ni Easton sa kwarto niya ay hinubad ko ang bag ko, pagkatapos ay kinuha dun 'yung naka-gift wrap na relo. Excited naman na naghintay si Easton sa harap ko.

"Ano ba 'yan?" Inosenteng tanong niya.

"Regalo." Natatawa kong sabi. "Charot lang. Ayan, buksan mo."

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon