Chapter 23

5 1 0
                                    

CHAPTER 23
GAYA NG SABI MO

TERRENCE

ILANG MGA linggo ang lumipas at natapos na ang intrams. Natalo kami sa sports ng chess at basketball, pero panalo naman kami sa badminton. Sa volleyball naman, hindi kami naka-abot ng finals dahil dalawang beses lang na nanalo 'yung team namin. Naka-chamba 'yung Grade 11 nung nag-tie daw sa dulo ng laban.

Nasa mall ako ngayon dahil may ini-utos sa'kin si Ate. Pinabibili niya ako ng libro na matagal niya na raw gustong bilhin pero 'di niya magawa dahil wala na syang time.

Habang namimili ako ay nagustuhan ko naman ang amoy ng mga libro. Parang gusto ko rin tuloy bumili. Kaso wala akong ipon, eh. Tiis tingin nalang siguro muna.

Nang mabili ko na 'yung libro ni Ate Mia, lumabas na ako ng bookstore para maka-uwi na. Pinagmasdan ko 'yung mga taong nakakasalubong ko habang naka-salpak ang earphones sa aking mga tenga. May mga kumakain, mga magjowang magkahawak kamay, at halos lahat ay may sariling mundo. Parang ako lang.

Napahinga ako ng malalim. It's been a while simula nung sinabi ni Kai na lalabas kami, pero up until now hindi pa rin nangyayari. Well, naiintindihan ko naman kung hindi. Hindi ko rin naman 'yun pinipilit na mangyari dahil for sure busy palagi si Kai. Ang dami rin naman ginawa lately magmula nung time na inaya niya ako.

Natigil nalang ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Easton—andito rin siya? Natanggal ko 'yung earphones ko ng magkatinginan kaming dalawa. Parang nagulat din siya ng makita ako.

"Uy, andito ka pala?" Bati ko.

Naka-polo siya habang naka-maong pants. Napatingin ako sa naka-ipit sa braso niya at nakita kong envelope 'yun. Nag-aapply nanaman ba siya ng trabaho?

"Hi." Ngumiti siya. "Ginagawa mo rito?"

Inangat ko 'yung paper bag na dala ko. "May pinabili sa'kin 'yung Ate ko. Ikaw? May envelope kang hawak—ano 'yan, naghahanap ka ng panibagong part time?"

Umiling siya. "May pinaasikaso lang sa'kin si Mama."

Tumango ako. "Ah..."

"Ikaw lang mag-isa?"

"Oo. Pauwi na nga ako, eh."

"Parehas pala tayo. Ba't 'di manlang kita nakasalubong nung papunta tayo rito?" Takang tanong niya. "Gusto mo kumain muna tayo? Sabay na tayo umuwi."

Tumango ako. "Sige, nagugutom na rin naman ako."

Naghanap kami ni Easton ng kalapit na store na pwedeng kainan. Nang makahanap kami, um-order kami roon ng pagkain at tsaka magkaharapang umupo.

"Linggo ngayon, diba?" Tanong niya habang nakain.

Tumango ako. "Oo. Wait, diba parang may part time ka tuwing Linggo?"

Umiling siya. "Nagbago na schedule ko."

"Hala, edi pano 'yan?" Gulat kong sabi. Eh diba, isa sa mga best day para makapag-part time eh Linggo dahil wala nga 'yung pasok?

"Kaya pa rin naman. Na-mamanage ko 'yung time ko ng maayos." Paliwanag niya. "Kung makapag-alala ka naman. OA ng mukha nito."

Natawa ako. "Bakit ba? Eh sa nagulat ako eh. Nag-aaral ka pa rin naman at syempre, magiging stressful din for sure itong last semester natin."

"'Di 'yan, ako pa? Tali-talino ko kaya." Pagkatapos ay ngumisi siya.

"Ay sus..." 'Di ko makapaniwalang sabi. "Sabi mo 'yan, ah."

Tumingin siya sa orasan niya. "Maaga pa naman. Pag-uwi natin mamaya, Simba tayo?"

Tumango ako. "Sige."

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon