CHAPTER 1
NGITI NG ESTRANGHERO AT KISLAP NG PAGKABIGHANITERRENCE
APAT NA buwan ang lumipas matapos kong mahanap sa social media iyong gwapong Sacristan sa Simbahan. Sobrang saya ko at wala na yatang mas dadaig pa sa kasiyahan ko dahil doon.
Isipin niyo: wala akong kakilala sa parish community ng Simbahan. At hindi ko rin alam kung sa papaanong paraan magsisimula para makilala ang lalaking iyon ng hindi manlang sinusubukang lumapit sakaniya dahil nga nahihiya ako.
Bisexual man ako, hindi ganoon kalakas ang loob ko para lapitan ang taong nagugustuhan ko. Bukod pa roon, hindi pa alam ng pamilya ko ang sexual orientation ko. Isipin niyo nalang ang magiging reaksiyon nila kung bigla akong mawawala sa paningin ni Mama noong Simbang Gabi at kinakausap 'yung Sacristan—hindi ba nakakaduda?
Nagawa ko siyang makilala dahil nakagawa ako ng paraan. Ang secret ingredient? Kalandian: yung malakas lakas. Simple lang naman ang methodology. Step one: pinuntahan ko 'yung page kung saan sila connected.
Brilliant, diba? May page sa social media ang Simbahan. Tapos tinignan ko 'yung mga picture na pinopost nila at kung sino-sino ang mga naglalike doon. Alam kong nakakapagod 'yun pero kung talagang malandi ka, hindi magiging mahirap 'yon.
Bilang kalandian ang puhunan, we can proceed to Step 3: isa-isa kong ininspect ang mukha ng mga Sacristan na nagla-like. Madaling nalang makita 'yun sa kanilang profile dahil meron silang mga picture na naka-public tapos sila'y naka-unipormeng pang Sacristan. 'Yung mga picture na 'yun ang pinagtuunan ko ng pansin at tinignan ko rin sa mga iyon kung sino 'yung mga naglalike.
Bakit? Kasi syempre, merong tendency ang marami sa'tin na maglike sa post ng isang taong malapit sa atin—a basic human experience. Kahit 'di natin masyadong kilala, basta andyan lang sa tabi at friends natin sa social media, may potensyal na maki-like din. Dun ako kumapit, at voila! Doon ko na nakilala si Demetrius Easton Gozarin. Muntik ko nang nabutas 'yung kisame namin dahil napatalon ako sa double deck sa tuwa kong nahanap ko siya.
Sabi ko talaga sa sarili ko, "ang landi-landi ko talagang lalaki!" pede na ko maging NBI, basta landi lang ang puhunan.
Naka-private ata 'yung ilang mga pictures niya kung kaya't konti lang 'yung na-stalk ko sakaniyang profile, pero meron na siyang mga posts na sine-share. Minsan laughtrip, puro meme. Minsan life quotes din.
Mas lalo tuloy akong na-kuryuso sakaniya.
Sa sobrang saya ko gumawa ako ng liham para sakaniya. Enough na siguro 'yung dosage ng kalandian na nananalaytay sa akin nung mga panahon na 'yon para magkaroon ng lakas ng loob. Pero wag kayo, hindi naman ako totally unhesitant nung pinag-iisipan kong send-an siya ng love letter sa messenger. Inisip ko rin kung pwedeng wag nalang, na manatili nalang siyang "happy crush" ko gaya ng mga nauna kong naging crush dati.
Pero wala eh. Gumana ang kademonyohan ng aking kamay, gumalaw, na-send si message.
Kabadong kabado pa ako nung ginawa ko 'yon. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang pinagsisihan ko agad kung bakit ko pa sinend 'yun, pero nangyari na.
Habang nag-iintay ako ng sagot niya, samu't saring tanong ang pumasok sa isipan ko.
Paano kung mabwisit siya sa'kin? Hindi naman din siguro dahil maayos naman 'yung pagkaka-sulat ko ng love letter. Sinulat ko: "Hindi naman ako kagaya ng maraming mga nagkakagusto sa lalaki diyan na ma-wampipti, gusto lang talaga kita at natutuwa ako sa'yo."
Paano kung i-block niya ako?
Hindi rin naman siguro dahil:
"I am praying for your happiness. Kung ano man 'yong mabuting ginagawa mo, kung may work ka at nagwowork ka para sa pamilya mo, o di kaya'y nagsusumikap ka na para sa pangarap mo, pagpatuloy mo lang 'yun. Mahalin mo 'yong ginagawa mo. Lahat ng hardwork nababayaran ng maganda. Always know and remember that your happiness is a serious business in Heaven. At pinakahuli, ang gwapo mo pa rin. Eheheheeeee."
BINABASA MO ANG
Kumpas ng Panahon (COMPLETED)
RomanceSimbang Gabi noon nung masilayan ni Terrence Nicolas Abellano si Demetrius Easton Gozarin na isang Sacristan. This man was able to capture his heart as he appeared to be the magnificent materialization of every ideal wattpad guy in novels he read! I...