Chapter 33

7 1 0
                                    

CHAPTER 33
TULUYANG SINUSUBOK

TERRENCE

PARANG MAS pinalala lang ni Easton 'yung galit ko sakaniya noong gabing 'yon.

Bakit ganun siya? Bakit parang wala manlang siyang pakialam sa nararamdaman ko? Ipinagtanggol niya pa si Kristen, kaysa piliing alalahanin ako.

Wala nalang ba sakaniya 'yung naghintay ako sa wala? Wala nalang sakaniya 'yung pinag-alala niya ako? At kahit pa lumuha ako dahil sa pag-aalala at sa kasalanan niya, mas pinili niya pang magpahinga?

Pagod siya? Bakit ako, hindi ba? Hindi lang ako pagod physically, kundi emotionally rin! Sabihin niya nalang kung hindi niya na ako mahal, para matapos na. Kung gusto niya na sa iba at nauubos na siya sa'kin, palalayain ko siya! Hindi niya pwedeng sabihin sa'kin na kaya ako nagkakaganito ay dahil wala akong tiwala sa kaniya. Nagkakaganito ako dahil simula't sapul, siya 'yung gumagawa ng kasalanan.

I don't want to let him go. Ayokong mawala siya sa'kin. Pero paano kung ganito na ang nangyayari sa'min parehas? Dapat ko na bang ihanda ang sarili ko?

Hindi ko na alam kung nagagawa ko pa ba ng tama 'yung mga pinapagawa sa school dahil ilang beses na pumapasok sa isip ko ang mga nangyayari sa'min ni Easton. Ni kausapin ako o humingi ng tawad, hindi niya manlang ginagawa. Madalas nalang ako nahuhuli ng mga kaibigan ko na tulala. At kung minsan, pinipigilang maluha.

Sometimes I want to remind myself na tama si Lucky, nasusubok lang kami parehas ni Easton. Pero tama pa ba 'yung ganito? Pagsubok pa ba ito? O preparasyon?

"Terrence, bakit hindi ka pa uuwi?" Tanong sa'kin ng mga kaibigan ko.

Umiling ako sakanila. "M-May dadaanan lang ako saglit sa library."

"Kung ganoon, mauuna na kami."

Tumango ako. "Ingat kayo..."

Sinusunod ko 'yung schedule ko na mayroon akong hihiraming libro sa library ngayong uwian. This is just to make a review sa susunod na lesson na pag-aaralin namin. As of now, sinusubukan ko talagang ma-regain 'yung focus ko dahil hindi ko pwedeng makaligtaan 'yung mga priorities ko. My emotional self may be in bad condition right now, but my responsibilities in life are on-going. I have to keep myself on track as much as possible...

Habang nasa loob ako ng library, isa-isa kong chinecheck 'yung mga libro na tingin ko pwede ko ring basahin. Nang mahanap ko 'yung mga libro na tingin kong makakatulong, agad na akong naki-usap sa librarian at sinabing hihiramin ko ang mga 'yun saglit.

Naglalakad na ako palabas ng library at kasalukuyan kong inilalagay sa bag ang dalawang manipis na libro. Ngunit sa kalagitnaan ng ginagawa kong 'yun ay biglang nag-ring 'yung cellphone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at inisip kong baka si Easton 'yun—oras ng uwian namin ngayon. Hindi kaya sinusundo niya ako sa labas ng university?

Pero nagkamali ako. Pag tingin ko ng cellphone ko, si Dan lang pala 'yun na nag-chat. May sinend siya sa'king photo.

Dan:
Terrence si Easton 'to 'di ba?
Dan Lopez sent a photo.
Mukhang tama 'yung hinala natin sakaniya na may babae siya :O

Parang tumigil ang mundo ko ng mapindot ko sa pagkataranta 'yung picture na sinend niya. Si Easton nga 'yon, kumakain sa restaurant kasama ang isang babae. They look happy—damn happy, samantalang ako rito halos patayin na ng isip dahil sa nanlalamig naming relasyon. Paano niya nagagawang makipagtawanan kay Kristen ng ganyan samantalang ako, parang araw-araw na hinihiwa ang puso sa sakit?

Bumilis ang tibok ng puso ko't napalunok. Huminga ako ng malalim, habang naghahalo-halo na yata ang emosyon na aking nararamdaman—galit, lungkot, selos, hindi ko na alam! Tinanong ko si Dan kung saang restaurant sila kumakain, at sinabi niya sa'kin 'yung lugar.

Kumpas ng Panahon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon