"Seriously? Anong trabaho mo?" ang tanong ng asawa ni Lucas sa kaniya na si Presley na isang abogado. Habang abala ang mga mister nila, maliban kay Canaan na binata pa, sa pag-iihaw ng beef at pork na sinamahan ng mais habang lumalagok ang mga ito ng beer. At sila naman ay inihahanda na ang mahabang lamesa para sa kanilang dinner under the wide starry sky.
"Oo nga, seryoso," ang natatawa niyang sagot habang inilalagay niya ang mga kutsara at tinidor sa mga paltong inilatag naman ni Emeraude at si Cheyenne naman ang naglalagay ng mga baso habang si Gab ang nag-aayos ng mga ulam sa gitna ng mesa. Hindi lang kasi barbecue ang kanilang dinner, katulad nila ay may isa pang extra na ulam na dala ang bawat magkakapareha.
"Seryoso na ano? Na isa kang accountant?" ang sabat at hindi makapaniwala na tanong ni Gab sa kaniya habang inilalagay nito ang dressing sa bowl ng green salad. At ang mapupungay nitong mga mata ay gulat na nakatuon sa kaniya na tila ba hindi talaga ito makapaniwala.
Isang mahinang tawa ang kaniyang pinakawalan at sandali siyang huminto sa kaniyang ginagawa at tumayo siyang nakapamewang sa harapan ng mesa at sa harapan ng apat na babae na tila ba hindi naiintindihan ng mga ito ang kaniyang sinasabi dahil sa nakakunot ang mga noo nito o di kaya naman ay nakataas ang dalawang kilay sa kaniya.
"Seryoso nga," ang natatawa niyang sagot. Natural ang kasiyahan na kaniyang nadarama nang mga sandaling iyun. Ang una pa nga niyang inakala ay hindi niya makakasundo ang asawa ng mga lalaking kaniyang naging kaibigan at parang naging mga kuya. She was also surprised and thankful at the same time na mukhang walang kaalam-alam ang mga ito sa mga balita tungkol sa kaniya sa ibang bansa.
Katulad na lamang ng mga so-called friends niya sa ibang bansa. Hindi naman talaga niya gusto ang makipagkaibigan sa mga ito katulad nang kaniyang pagkakalat ng kalandian abroad ay kinailangan niyang pumasok sa inner circle ng mga sosyal at party goers nang Beverly Hills. But, deep inside? She just wanted to be alone inside the silence of her own home.
"Hindi ka talaga model?" ang giit pa rin ni Emeraude sa kaniya na naglalatag naman na nang mga baso sa ibabaw ng mesa sa tabi ng bawat platong nakalapag sa mesa.
"Parang hindi naman yata karapat-dapat iyan," ang angal ni Cheyenne na halos magsalubong ang mga kilay sa pag-angal nito.
"Ano naman ang ipinaglalaban natin diyan Cheyenne?" ang natatawang busk ani Gab sa sister-in-law nito.
"Yung, biniyayaan na nga siya nang ganiyan na ganda tapos, matalino pa siya at magaling sa math?" ang angal nito habang napunta ang mga kamay nito sa magkabilang bewang habang nakatayo itong nakaharap sa kanila.
"Bakit matalino naman ako ah! Saka maganda!" ang sabat na angal ni Presley na may ngiti sa mga labi nito.
"Magaling ka rin naman sa math Cheyenne hindi ba? Engineer ka eh," ang giit naman ni Gab.
"Pero siya parehong math and law, puwede na nga niyang ituloy sa law ang course niya eh, nasaan ang hustisya?" ang angl ni Cheyenne.
"Oo nga ano?" ang sabat naman ni Presley na isa pa ring abogada na aktibo pa rin sa karera nito.
"Oh, sige na, ako itong ganda na lang ang puhunan," ang sabat naman ni Emeraude. At isang malakas na tawanan ang narinig sa kanilang lima. Halata na katulad ng mga asawa nito ay sanay na ang mga itong magpalitan din nang pambubuska sa isa' t isa. At sa sandaling iyun ay nakita na ni Christiane ang tunay na circle of friends na maipapakita niya ang kaniyang tunay na sarili.
Napalingon si Carlos sa direksiyon ng mesa kung saan abala ang asawa ng kaniyang mga kaibigan at si Christiane sa paghahanda ng mesa habang sila naman ay abala sa pag-iihaw ng kanilang kakainin.
BINABASA MO ANG
CARLOS SAN Miguel (complete)
Любовные романыDugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya n...