Chapter 51

2.2K 115 31
                                    

"Boy anong ginagawa mo riyan?" Ang narinig ni Carlos na tanong sa kaniya ng lalaking nakatayo sa kaniyang tabi habang nakahiga siya sa gilid ng isang sementadong isang palapag na gusali.

Kinuskos niya ang kaniyang mga mata gamit ang madudumi niyang kamay. Naghalungkat kasi siya kanina sa basurahan nang puwede niyang makain.

"N-natutulog lang po ako," ang kaniyang nautal na sagot sa lalaking may maamong mga mata na nakatuon sa kaniya.

Tumango ang ulo nito at tiningnan nito ang supot na nasa kaniyang tabi. Inumpisahan niyang ayusin ang maliit na plastic bag na laman ang isang pares niyang damit.

Humakbang ito papalapit sa kaniya at bahagya itong lumuhod para magpang-abot ang kanilang mga mata. At diretso niyang tiningnan ang mga mata nitong mababakas ang kabaitan. Hindi iyun katulad ng mga mata ng kaniyang ama na puno ng galit. na palaging namumula nang dahil sa alak. Hindi rin iyun ang mga mata na katulad ng sa kaniyang ina na puno ng kalungkutan at palaging namumula nang dahil sa pagluha. At hindi iyun katulad ng mga mata ng mga kamag-anak niyang sandali lamang siyang kinupkop, dahil sa puno ng pagkainis ang mga mata nitong laging itinutuon sa kaniya.

"Hindi ka taga-rito hindi ba?" ang tanong nito sa kaniya. Nahihiya niyang iniwas ang kaniyang mga mata at saka siya tumango.

"Nasaan ang mga magulang mo?" ang tanong pa nito.

"Iniwan na po nila ako, at tumakas po ako sa tiyahin ko dahil..." at hindi na niya nagawa pang sabihin ang pagmamalupit na kaniyang natamo sa kamay ng mga kamag-anak. kung kani-kaninong kamag-anak siya pinagpasa-pasahan at iisa ang kaniyang natamo sa mga ito. At ginawa na niyang tumakas at nilakad niya ang daan sa kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa. At pagod man at nahirapan ay nakaramdam ng kasiyahan ang mura niyang puso dahil sa ramdam niya ang kalayaan.

At sa pagkakataon na iyun ay handa siyang mabuhay sa mura niyang edad na anim na taon para mamuhay at makaligtas sa hirap na kaniyang nadarama. Sa murang isipan niya ay hinog na sa katandaan ang kaniyang isipan.

"Kumain ka na ba?" ang tanong nito sa kaniya at umiling ang kaniyang ulo bilang sagot.

Ngumiti ito sa kaniya at tumango at saka ito tumayo at inilahad nito ang kamay sa kaniya. Tiningnan niya muna ang malapad nitong palad. Unang beses iyun na nangyari sa kaniya ang may kamay na naglahad sa kaniya para siya tulungan. At sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pagtitiwala sa isang taong hindi niya kakilala.

Inabot niya ang palad nito at mahigpit nitong hinawakan ang kaniyang maliit pang kamay ngunit magasapang na dahil sa paggawa. At saka siya nito hinila para tulungan siyang tumayo.

"Halika, kumain na muna tayo," ang sabi nito sa kaniya.

"Salamat po, pero hindi po gusto ko po sana na pagtrabahuan ko ang kakainin ko," ang sagot niya at nakita niyang nagtaas ang dalawa nitong mga kilay. At isang ngiti ang isinagot nito sa kaniya.

"Masipag po ako at hindi ako mareklamo," ang dugtong pa niya habang yakap niya ang supot na naglalaman ng isa niyang kamiseta at shorts. At sirang hindi magkaterno na tsinelas ang sapin ng kaniyang mga maduduming paa.

"Pag-iisipan ko, sa ngayon kumain muna tayo at hindi pa rin ako kumakain," ang sagot nito sa kaniya. sumunod siya ritong maglak

"Ano nga pala ang pangalan mo?" ang tanong nito sa kaniya habang binubuksan nito ang kandado sa pintuan.

"Carlo po," ang sagot niya.

"Carlo lang? walang apelyido?" ang tanong nito sa kaniya nang lumingon ito para tingnan siya at nakatayo siya sa likuran nito.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon