Chapter 4

2.4K 101 43
                                    

Binawi ni Carlos ang kaniyang mga mata mula sa babaeng natabingan na nang lalaking may kalakihan ang katawan. Hindi pamilyar sa kaniya ang pigura nito pati na rin ang isa pang naupo sa kabilang side ng barstool at napagitnaan na ng dalawa ang babaeng may magandang boses.

Huh, baka magkakasama ang tatlo, ang sabi ng kaniyang isipan. Mga turista siguro? Wala na siyang pakialam.

Nagpatuloy ang kaniyang pagtungga ng alak sa kaniyang hawak na bote. At nagpatuloy naman ang panggagambala ng mga nagpatong-patong na niyang isipin.

Nang may kumuha na naman ng kaniyang atensiyon. Narinig niyang tinatanong ng lalaki ang pangaln ng babaeng napagitnaan ng dalawa. At mukhang hindi interisado ang babaeng ibigay ang pangalan nito ni ang makipag-usap dahil sa nanatiling tahimik lang ang babae. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo nang marinig niya ang tawa ng dalawa at hindi niya napansin na mahigpit niyang hinawakan ang bote nasa kaniyang kamay.

At nang marinig niya na nagsalita si Mang Simon para pakiusapan ang dalawa na tantanan na ang babaeng mukhang dayo rin sa kanilang lugar ay nagpantig ang kaniyang mga tenga.

"Huwag kang mangialam dito tanda, atupagin mo yang trabaho mo," ang kaniyang narinig na sagot ng isa sa dalawang lalaki na nagpapantig ng kaniyang tenga at nagpakunot ng kaniyang noo.

Hindi na niya narinig na sumagot si Mang Simon dahil agad na sumabat ang isa pang lalaki at nakatuon na naman iyun sa babaeng mukhang natipuhan ng dalawa.

"Ano ba miss? Di ka ba magsasalita?" ang inis nang tanong nang kasama nito at doon na niya inubos ang laman ng boteng kaniyang iniinom.

"Don't touch me," ang narinig niyang sambit ng babaeng nakasando na paekis ang likuran at doon niya napansin ang mahabang buhok nitong aabot hanggang sa bewang nito. Ngunit mas nakuha ang kaniyang atensiyon ang kamay ng lalaking nakahawak sa kulay rosas nitong kanan na braso.

At naningkit na ang kaniyang mga mata at saka siya humakbang palapit lalo pa at nakita niyang pilit na hinihila ng babaen ang braso nito para makawala.

"Bitiwan mo siya," ang malumanay niyang sambit. Habang nakatayo na siya sa likuran ng babae at sa harapan naman ng dalawang lalaking nasa magkabilang tabi nito.

Mabilis na pumihit ang mukha ng dalawang lalaki na galit na tiningnan siya ng mga mata nito. Ngunit ganun din ang ginawa ng mukha nang babae ngunit dahil sa ang atensiyon ni Carlos ay nasa dalawang lalaki ay hindi nito napansin ang gulat na rumehistro sa mukha ng babae.

Oh God, ang sambit ng isipan ni Christiane at mabilis na tumibok ang kaniyang puso. naisip niyang tawagan na lamang ito kanina para sana magpasundo ngunit hindi na niya nagawa pang gumawa ng tawag dito dahil na rin sa dalawang lalaking nasa kaniyang magkabilang tabi. Ngunit hindi niya inaaasahan na makikita niya ang lalaking matagal na niyang nais na masilayan. At kahit pa matagal na panahon ang lumipas, hindi pa rin nagbago ang dulot nitong kaba sa kaniyang puso sa tuwing makikita niya ang guwapo nitong mukha.

At kahit pa medyo nag-mature na ang mukha nito ay mas lalo lang nadagdagan ang kakisigan ni Carlos San Miguel.

Ugh! Ano bang iniisip mo! Binalewala ka niya! ang galit na sabi ng kaniyang isipan at kumurapkurap ang kaniyang mga mata para alisin ang pagkakatitig niya sa mukha nitong mas pinaganda ng panahon.

"Huwag kang makialam dito, magsama kayo ni tanda,"-

"Ha!" ang kaniyang hiyaw nang kumunekta ang kamao ni Carlos sa panga ng lalaki kaya naman hindi na nito natapos pa ang sasabihin.

Agad siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan nang mabitiwan ng lalaki ang kaniyang braso dahil sa naapatras ito nang suntukin ni Carlos ang panga nito.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon