Chapter 39

1.9K 97 26
                                    

"Good morning!" ang masayang bati ni Christiane sa mag-inang manang Emma at Meanne na naabutan niyang mahinang nag-uusap ang dalawa habang nakaharap ang mga ito sa mahabang kitchen counter.

Mabilis na huminto ang mga ito para lumingon sa kaniya at isang ngiti ang gumuhit sa pisngi ni Meanne habang si manang Emma ay sandali lamang siyang tiningnan bago ito muling humarap sa kitchen counter at naiwan na si Meanne na lang ang nakaharap sa kaniya.

"Good morning, ma'am Christiane," ang muling pagbati nito sa kaniya kahit pa kanina ay nagpang-abot na siya sa may second floor landing ng bahay.

At napansin ni Christiane na bumalik na muli ang pagtawag nito sa kaniya nang ma'am mula noong nangyaring pag-suspende rito ni Carlos sa trabaho. At ayaw man niyang tawagin siya nang ganun ni Meanne dahil sa gusto niyang ituring siya nito nakaibigan ay hindi na niya iginiit pa ito kay Meanne.

Somehow, she felt that something was off when she came back to the house para magtrabaho. Tila ba malayo na ang loob nito sa kaniyang muli katulad noong unang pagdating niya sa rancho.

"Maaga po bang babalik si sir Carlos? para mag-almusal?" ang tanong nito sa kaniya. at para kay Christiane ay marahil naitanong iyun ni Meanne ay dahil sa mas maaga siya sa nakagawian na nilang oras na mag-almusal ni Carlos.

"Uh hindi...uhm, gusto ko sanang ipaghanda ng almusal si Carlos, oh!" ang kaniyang sagot at sa huli ay hindi niya napigilan na magulat nang malakas na bumagsak ang kaserolang hawak ni manang Emma sa loob ng lababo.

Mukhang nabitiwan nito ang malaking kaserola, ang sabi ng kaniyang isipan habang nakalapat ang kaniyang mga palad sa kaniyang dibdib.

"Eh, ma'am Christiane, nakapaghanda na po kami ng aalumusalin ninyo, ngayon nga po ay para naman sa pananghalian ang ihahanda namin, siyempre iyung pagkain na...hindi bawal sa iyo ang ihahanda namin," ang paliwanag sa kaniya ni Christiane at kung bakit may bahid nang pangungonsensiya sa tono ng pananalita nito.

"Sabihin na lang nila kung itatapon ko na lang itong kaluluto kong almusal nila," ang sabat ni manang Emma habang nanatiling nakatalikod ito sa kanila at maingay nitong nililinisan ang kaninang naibagsak nitong kaserola.

Kinagat niya ang kaniyang dila. Alam niya na itinuring ni manang Emma na kaharian nito ang kusina at alam niya na ayaw nitong may mangingialam dito sa paano nito pangangasiwaan ang menu sa bahay katulad nang kanilang kusinera noon sa bahay na kinailangan na rin niyang bitiwan dahil sa halos sa hospital na sila tumira ng kaniyang lolo.

But their cook was never rude to both her and her lolo Pacifico. But maybe, iba-iba ang karakter ng mga tao, ang sabi ng kaniyang isipan.

Hindi sumagot si Meanne. Ni walang anuman na salita ang lumabas sa bibig nito.

Ano bang inaasahan niyang sasabihin ni Meanne? Sorry sa pagdadabog ng kaniyang nanay? Sorry sa sinabi nito? Ang tanong pa niya sa sarili.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at pinagdaop niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang tiyan at saka umiling ang kaniyang ulo. Hindi na niya gagawing big deal ang bagay na iyun.

"No, it's not necessary," ang kaniyang mahinang sambit kay Meanne. At napansin niyang napunta ang mga mata nito sa kaniyang mga magkadaop na kamay na nasa kaniyang tiyan. At doon niya napansin na tumaas ang dalawang mga kilay nito.

"May singsing ka na?" ang tanong nito sa kaniya ngunit ang mga mata nito ay nasa kaniyang kamay sa kaniyang tiyan.

"Uh, oo," ang kaniyang matipid na sagot kay Meanne, "uh sige lalabas na lang muna ako at pakakainin ko si Diablo," ang kaniyang pagpapaalam kay Meanne at mabilis niya itong tinalikuran. Hindi na niya ipaliliwanag pa kung paanong nagkaroon silang muli ni Carlos ng singsing.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon