"Good luck, nag-iinarte lang iyan, kulang sa lambing," ang huling sabi ni Lucas sa kaniya.
"Pero kapag nagmatigas at nasobrahan ng pag-iinarte, tawagan mo lang ako at nakahanda na kaming apat para kaladkarin iyan pauwi, ipapakaladkad natin kay Diablo," ang bilin pa sa kaniya nito at hindi niya napiigilan ang mahinang matawa sa sinabi ni Lucas na naging kuya na niya noon pa man.
"Salamat, sa lamat sa inyo," ang kaniyang tugon. At ilang sandali pa binagtas na niya ang daan patungo sa bar ni Mang Simon.
Laking pasalamat na lang niya na kay mang Simon nito naisipan na dumiretso. Mukhang ang lugar na iyun ay nakatadhana sa kanilang dalawa. Doon sila unang nagkita na muli at doon din sila muling magkikita pagkatapos niyong lumisan.
Masakit para sa kaniyang isipin ang kalungkutan na naranasan ni Carlos. Maybe he was thinking that she will not be able to accept his past, hindi niya maisip ang mga dinanas nitonf rejection sa buhay kaya naman wala itong tiwala sa sarili na mayroon tatanggap dito. Maybe that's why he was working so hard for the ranch, there was still a pert of him, doubting himself na hindi ito tanggap ng mga taga-rancho. Maybe he was feeling alone and unsure of himself kahit pa sa labas ng katauhan nito ay napakasaya nito at may bilib sa sarili.
"You're not alone...you will never be alone again Carlos," ang bulong niya sa kaniyang sarili. At may lukso sa kaniyang dibdib nang unti-unti na niyang nasisilayan ang pamilyar na gusali. At ilang sandlai pa ay itinabi niya ang jeep at dali-dali siyang bumaba nito para pumasok sa loob ng bar na pag-aari ni mang Simon.
Hindi niya nakita sa parking ang motorsiklo ni Carlos. Marahil sa ibang bahagi ng gusali nito ipinarada ang motorsiklo nito para hindi nila iyun madaling makita. She was so thankful to mang Simon na nagawang tawagan agad si Lucas and for stalling Carlos para hindi ito agad makaalis.
She was just hoping na nasa loob pa rin ito ng bat kaya wala ang motorsiklo nito dahil hindi na niya alam kung anong gagawin niya kung hindi niya ito maabutan sa loob at tuluyan na itong nakalayo sa kaniya.
Bumati sa kaniya ang madilim na loob ng bar na naging pamilyar na rin naman sa kaniya dahil sa nakailang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa lugar na iyun. at pagpasok niya ay agad na napadpad ang kaniyang mga mata sa bar counter kung saan naroon nakatayo si mang Simon at mukhang naghihintay na sa kung sinuman ang darating para kay Carlos.
Isang malungkot na ngiti ang ibinati niya kay mang Simon at tikom na ngiti naman ang isinagot nito sa kaniya sabay baling ng mukha nito pakaliwa na tila ba sinasabi nito sa kaniya na naroon sa loob si Carlos.
"Thank you," ang kaniyang mahinang sambit at inabot niya ang balikat nito ng kaniyang bisog para yakapin ito ng mahigpit at muli siyang nagpasalamat dito.
"Hindi siya ang Carlos na nakilala ko," ang bulong nito sa kaniya at parang hiniwa ang kaniyang puso nang sandaling iyun. Binawi niya ang kaniyang sarili at pinigilan niya ang lumuha nang sandlai na iyun. Ayaw niyang kumuha ng atensiyon sa kaniyang sarili kaya naman nilunok na lamang niya ang emosyon.
"He's broken," ang kaniyang bulong at muli siyang lumunok para muling pigilan ang lumuha.
Tumango si mang Simon, "maaayos niyo rin ito," ang mahinang tugon nito sa kaniya na may matipid na pagngiti. At isang buntong-hininga ang pinakawalan nito at pilit itong ngumiti.
"Ano pong order nila?" ang tanong nito sa kaniya sa likod ng malapad na nitong ngiti.
Isang mahinang tawa ang kaniyang pinakawalan dahil sa tila ba nag-role play na sila ni mang Simon.
"Iced tea please," ang kaniyang sagot na may matipid na ngiti sa kaniyang labi at kinuha niya ang bakanteng barstool sa harapan ng bar counter. At pinagmasdan niya si mang Simon na nilamon ng pintuan patungko sa likuran ng bar.
BINABASA MO ANG
CARLOS SAN Miguel (complete)
RomanceDugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya n...