Chapter 27

2K 96 34
                                    

"Nagulat akong malaman na may asawa na pala si Carlos, at ikaw ang asawa niya," ang sabi ni mang Simon kay Christiane nang gabing iyun.

Isinama siya ni Carlos na makipagkita sa mga kaibigan nitong uminom na sandali. Hindi naman siya na-out of place sa mga ito kahit pa siya lang ang nag-iisang babae sa kanilang lamesa. Masyadong abala kasi ang asawa ng mga ito at naintindihan naman iyun ni Christiane dahil sa may mga anak na ang mga ito.

Nag-i-enjoy man siya sa company ng mga kaibigan na lalaki na naging kuya na niya noon pa man ay hindi naman niya pinalagpas na makausap ang matandang may-ari ng bar na si mang Simon para kunin na rin ang pagkakataon na iyun na pormal siyang makahingi ng paumanhin sa nangyari na gulo sa bar nito.

"Uhm, isinikreto po kasi namin," ang kaniyang sagot at isang tikom na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga pisngi. Saka niya dinampot ang lata ng beer na nasa kaniyang harapan para humigop ng malamig na gintong likido habang nakahiwalay siya sa grupo nina Carlos at naupo muna siya sa may barstool sa harapan ng bar counter para makipagkuwentuhan kay mang Simon.

"Ganun ba?" ang kunot noo na tanong ni mang Simon at napansin niyang sumulyap ito sa direksiyon sa kaniyang likuran kung saan naroon hindi kalayuan ang lamesa nina Carlos at mga kaibigan nito.

Napansin niyang umiling ang ulo ni mang Simon bago nito itinuloy ang sandaling inihinto nitong pagpupunas ng bar counter.

"Iyun naman ang hindi ko maintindihan," ang sagot nito habang umiiling pa rin ulo nito.

"Bakit ka naman niya itatago sa ibang bansa?" ang kunot noo na tanong ni mang Simon sa kaniya na may labis na pagtataka. Alam niyang personal na ang tanong nito ngunit, hindi naman iyun minasama ni Christiane lalo pa at alam niyang katakataka sa mga ito ang biglaan niyang pagsulpot sa rancho bilang asawa ni Carlos.

"Pasensiya ka na kung...masyado akong mausisa," ang sbai nito sa kaniya habang inaalis naman nito ang mga gamit na basong naiwan sa ibabaw ng counter.

She shook her head and folded her elbows and placed her arms on top of the counter and she gave mang Simon a shy smile.

"Okey lang po iyun mang Simon," ang kaniyang sagot.

"Napag-usapan po kasi namin ni Carlos na mag-stay muna ako sa US para tapusin ko ang pag-aaral ko then hindi ako agad na nakasunod dito sa Pilipinas dahil sa...kailangan ko pong alagaan ang lolo ko na may sakit," ang kaniyang sagot. Iyun ang malapit sa katotohanan na maaari niyang sabihin. Kahit papaano ay pinagtakpan niya si Carlos sa pagkukulang nito sa kaniya.

"Ganun ba? Kamusta naman ang lolo mo kung gayun?" ang tanong ni mang Simon sa kaniya habang binibigyan naman nito ng beer ang isa sa mga customer na naupo sa barstool.

Sandali siyang uminom ng beer. Isang lata pa rin ang kaniyang naiinom dahil sa...iyun lang din ang sinabi sa kaniya ni Carlos. Kaya naman tinitipid na rin niya ang pag-inom para naman magtagal ang kaniyang inumin habang nag-uusap sila ni mang Simon.

"Uhm, patay na po si lolo Pacifico, cancer po ang sakit niya," ang kaniyang malumanay na sagot.

Huminto sandali si mang Simon at sandali nitong kinausap ang kasama nito sa likod ng barstool na mag-asikaso sa ibang parokyano at saka siya hinarap nito.

Ipinatong din ni mang Simon ang mga siko nito sa ibabaw ng counter at napansin niya ang kunot sa gusot na nitong noo habang nakatingin ang mga mata nitong may gusot na rin sa gilid nito.

"Pacifico?" ang kunot noo na tanong nito sa kaniya at tumangu-tango siya bilang sagot.

"Anong apleyido ng lolo mo Christiane?" ang interisadong tanong nito sa kaniya, "uhm gusto mo pa ba ng isa pang lata?" ang dugtong na tanong nito sa kaniya nang mapansin nito na kanina pa ang beer sa kaniyang harapan.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon