"Nandito siya?" ang di makapaniwala na tanong ni Rauke kay Carlos pagkatapos niyang ikuwento ang nagyaring gulo sa inuman ni mang Simon at kung sino ang dahilan niyun, habang umiinom sila ng beer at nasa rancho sila nina Lucas.
Tumangu-tango si Carlos saka niya tinungga ang beer mula sa hawak niyang lata."Sinong nandito?" ang tanong ni Presley sa kanila nang ilapag nito ang tray na naglalaman ng cheese platter. Mabilis na kumilos si Lucas para tulungan ang asawa na dalawang buwan nang nagdadalang-tao para sa pangalawang anak ng dalawa.
"Asawa ni Carlos," ang sabat na sagot ni Lucas sa tanong ng asawa at mabuti na lang at kinuha ni Lucas ang mabigat na tray sa mga kamay ng asawa dahil kung hindi ay nabitawan nito ang tray nang dahil sa pagkagulat.
"Asawa?"! ang gulat at hindi makapaniwala na tanong sa kaniya ni Presley at lumapat ang mga palad nito sa sariling dibdib.
"Hindi lang ikaw ang nagulat Presley, ako rin," ang sabat ni Canaan na bago pa lang nilang naging kaibigan kaya hindi nito alam ang nangyari noong pitong taon na nakalipas.
"Is this true? O lasing na agad kayo at gumagawa na kayo ng kuwento?" ang tanong ni Presley sa kanila.
"Totoo Presley, matagal nang kasal iyang si Carlos sa babaeng nasa America, ngayon nga eh, nagpunta na rito sa Villacenco," ang sagot ni Alaric kay Presley.
Kumunot ang noo ni Presley at ilang beses na nagbukas-sara ang bibig nito habang nakapamewang itong nakatayo sa harapan nila. At saka natuon ang buong atensiyon nito sa kaniya at unti-unting napaatras ang kaniyang mukha at dibdib.
Sa pagkakagusot ng noo nito ay nagbabadyang sumabog ang galit nito sa kaniya.
"Kasal ka na? and still kung kani-kanino kang kuwarto na umaakyat?"! ang galit na tanong ni Presley na may halong panunumbat sa kaniya.
"Nagrebelde kasi siya Presley, forced marriage kasi," ang sabat ni Rauke.
"Shush," ang saway ni Presley sa kaibigan na mabilis din naman na tumikom ang mga labi at napaatras na lang ang ulo ni Rauke.
"Manahimik ka Rauke, dahil isusumbong ko kayo sa mga asawa ninyo, dahil sa alam ninyo na kasal na siya at may asawa pero hinayaan niyo siyang sumama sa mga kalokohan ninyo," ang banta ni Presley sa mga kaibigan.
"Oh hindi ako kasali sa mga kalokohan nila," ang giit ni Alaric.
"But still you knew!" ang sumbat naman ni Presley kay Alaric.
"Ops, malinis konsensiya ko, hindi sa pag-akyat ng kuwarto, wala talaga akong alam na may asawa na si Carlos, kaya hindi ako kasama sa sumbungan," ang sabat naman ni Canaan.
"Uh, wala kang asawa Canaan?" ang paalala ni Carlos sa kaibigan. Na napangiti na lang bilang sagot.
"Babe, inintindi na lang namin si Carlos, saka, napilitan nga lang kasi siya, hindi ba katulad sa nangyari sa atin? Ganun din ang balak mo na gawin noon dahil sa arranged marriage mo kay Haiden?" ang paalala ni Lucas sa asawa.
Tumikom ang bibig ni Presley at isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.
"Then bakit siya nagpunta na rito?" ang tanong ni Presley sa kaniya.
"Gusto na niyang makipag-divorce,"-
"Good, kung hindi mo kayang pangatawanan ang pagiging asawa niya palayain mo siya, or else ako mismo ang hahawak ng kaso niya laban sa iyo para sa mga kalokohan mo rito," ang banta ni Presley sa kaniya.
"Presley naman, babawi na nga ako eh, humingi na ako ng tawad," ang giit niya kay Presley na ilan lang sa mga babaeng kaibigan at kinatatakutan nilang magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
CARLOS SAN Miguel (complete)
RomanceDugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya n...