Chapter 21

2K 109 28
                                    

She's having anaphylaxis, ang sabi ng kaniyang isipan. Nahihirapan na siyang huminga ng sandali na iyun. matagal na panahon na mula nang naranasan niya ang ganung allergic reaction dahil nga sa maingat niya sa kaniyang kinakain. At Hindi na niya alam kung anong nag-trigger ng kaniyang allergy sa sandaling iyun.

Pero sa sandaling iyun ay hindi na iyun importante. Ang importante ay ang makatanggap siya ng kaniyang shot.

Naramdaman na ni Christiane ang paninikip ng kaniyang dibdib and she was started to wheeze when she felt her lungs and throat tightened.

"Hindi...hindi... ako... maka...makahinga," ang mahina at hirap niyang sambit. At dahil sa hilo ay hirap na rin niyang ibuka ang kaniyang mga mata. She's also having difficulty on tilting her head. Dahil sa umiikot na ang kaniyang ulo at ramdam niya na tila hihimatayin na siya. Na kaniyang iniiwasan lalo pa at hindi alam ni Carlos ang gagawin. Kailangan niyang manatiling active ang kaniyang isipan.

At nabanaag ng kaniyang mga nakapikit na mata ang munting liwanag at naisip ni Christiane na binuhay ni Carlos ang ilaw sa loob ng sasakyan.

"Christiane! Anong nangyari?"! ang narinig niyang malakas na tanong ni Carlos at sa tono ng boses nito. She could sense that he was panicking.

"Allergy," ang bulong niya at nahirapan na siyang magsalita.

"Shit! May nakain ka na bawal sa iyo!" ang malakas nitong sambit.

"Anong gagawin...sandali lang, dadalhin kita sa hospital!" ang kinakabahan nitong sambit. Pero pinilit niyang ibuka ang kaniyang mga mata at pinilit niyang umiling.

"N..no, may...gamot ako... sa bahay," ang kaniyang bulong. At nakita niyang sumulyap sa kaniya si Carlos at nabasa niya ang pag-aalala sa mukha nito saka unti-unting pumikit na naman ang kaniyang mga mata. Naghalo na ang epekto ng alak at allergy sa kaniyang katawan.

"Christiane...sandali...huwag kang mag-alala...hindi kita pababayaan," ang narinig niyang sabi ni Carlos sa kaniya.

Hindi pababayaan? Ang tanong ng kaniyang isipan. Ang sarap naman pakinggan ng mga salitang iyun.

At hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. At hindi na niya iyun napigilan at nagpatuloy sa pagdaloy ang luha sa kaniyang mga mata.


Muling sinulyapan ni Carlos si Christiane at napansin niyang nakabuka na ang namamaga na nitong mga labi. At doon na rin niya napansin ang luhang tumutulo mula sa mga nakapikit nitong mata. Habang nakasandal ang ulo nito sa pintuan nang jeep.

Marahil dahil sa nahihirapan na itong huminga dahil sa paninikip ng daluyan ng hangin sa baga nito kaya ito lumuluha, ang sabi niya sa sarili.

At mahahalata sa malalim na pag-akyat-baba ng dibdib nito na nahihirapan itong humagap ng hangin. At muli niyang tiningnan ang balat nito na litaw na litaw sa suot nitong sleeveless na sando at shorts ang mga malalaking pantal sa katawan nito.

Hindi maalis ang kaba sa kaniyang dibdib. Naalala niya noong panahon na kinailangan niyang isugod ang kaniyang lolo sa hospital nang makaramdam ito ng paninikip din ng dibdib at hindi pa siya nakakarecover sa takot na kaniyang naramdaman noon. At sa pagkakataon nga na iyun ay muli niyang naramdaman at para naman kay Christiane.

"Bilis...bilis," ang kaniyang bulong sa kaniyang sarili. Gusto na niyang paliparin ang kaniyang jeep dahil sa kaniyang takot na baka mahuli na sila ng dating sa kanilang bahay at hindi agad makainom ng gamot si Christiane.

Kaya naman nang matanaw na niya ang malaking bahay ay isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan. Pero hindi pa rin nawawala ang kaba sa kaniyang dibdib, bagkus ay mas lalo pang nadagdagan ang malakas at mabilis na pagkabog ng kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon