Chapter 34

1.8K 76 26
                                    

Nakatikom ang mga pulang labi ng receptionist nang ilapag nito ang receiver ng telepono sa cradle nito. At saka umiling ang ulo nito habang malungkot ang mga mata nitong may kulay itim na guhit sa magkabilang sulok na tila ba isang pusa.

"Wala pong sumasagot sa kuwarto niya sir Carlos, baka po lumabas o baka naman po natutulog pa," ang sagot sa kaniya ng babaeng nasa likod ng front desk na pamilyar ang mukha sa kaniya at mukhang kilala siya nito. Dahil na rin sa hindi man niya ibinigay ang kaniyang pangalan dito ay nasambit na nito ang kaniyang pangalan.

Bumagsak ang kaniyang mga balikat. Kailangan na kasi niyang makausap ang lalaking iyun bago pa ito tuluyan na makaalis ng Pilar at hindi na niya ito matunton para makausap ito ng personal.

"Ganun ba?" ang kaniyang nanghihinayang na patanong na sagot. At kinamot ng kaniyang kanan na kamay ang kaniyang batok sabay buntong-hininga niya.

"Yes po, importante ba? po ba?" ang tanong nito sa kaniya at may lambing ang tono ng salita at boses nito. at nahalata niya na pilit lang nitong nilagyan ng po ang pakikipag-usap nito sa kaniya dahil na rin sa iba pang tao na nasa paligid nang sandali na iyun.

"Uhm, medyo eh," ang kaniyang sagot at bahagyang kumunot ang kaniyang noo at kumuyom ang kaniyang mga labi.

"Puwede naman po kayo na maghintay dito sa lobby, maupo ka muna sa...sofa," ang suhestiyon nito sa kaniya at napansin niya na binigyan diin nito ang pagbanggit sa salitang sofa.

May nangyari ba sa amin nito sa sofa? Ang tanong ng kaniyang isipan. Wala siyang matandaan at hindi siya interisado na matandaan. Hindi na siya ang dating si Carlos.

Hindi...ayaw niyang maghintay sa sofa. Baka kasi iwasan na lang siya ni Daniel at hindi siya kausapin. Gusto niyang puntahan na ito sa tinutuluyan nitong silid. At mukhang magagamit niya ang dati niyang karisma sa babaeng halata naman ang pagkakagusto sa kaniya.

Sinipat ng kaniyang mga mata ang maliit na plate sa kaliwa nitong dibdib. At doon ay nakaukit sa kulay gitong mga letra ang pangalan nito...Zamantha.

"Uhm, Zam? Puwede ba kitang tawagin na Zam?" ang kaniyang tanong na paghingi ng pahintulot dito. At ngumiti ng malapad ang mga kulay pula nitong mga labi at kumurap nang isang beses ang talukap ng mga mata nito.

"Oo naman, kahit ano puwede," ang mahinang sagot nito sa kaniya na sinamahan nito ng matamis na ngiti.

Tiningnan niya ang maganda nitong mukha. Kung sasabihin niya siguro rito na lumuhod ito sa kaniyang harapan sa sandaling iyun ay gagawin nito, ang sabi ng kaniyang isipan. Hindi na importante sa ngayon kung saan niya ito nakilala o naakyat ang importante ay sa pagkakataon na iyun ay magagamit niya iyun sa babaeng kaharap na may pangalan na Zamantha.

"Uhm, Zam, puwede ba akong makaakyat sa tinutuluyan na kuwarto ni Daniel? uh...Bi...bi something?" ang kaniyang tanong at hindi niya masabi ang apelyido nitong hindi niya matandaan.

"Bianchi," ang sagot nito at isang kindat ang isinagot niya sa babaeng receptionist. Alam niyang mailalagay niya ito sa alanganin pero hindi naman niya kayang hindi subukan alang-alang sa ikatatahimik nila ni Christiane. Lalo na ng ikatatahimik ng kaniyang kalooban.

Nanulis ang kulay pula nitong mga labi at kumunot ang makinis nitong noo. Halata na nag-aalangan itong payagan siya lalo pa at walang pahintulot ng guest ng hotel.

"Gusto ko sana kaso...bawal eh, baka matanggal ako sa trabaho kapag nagreklamo yung guest namin," ang mahinang sagot nito sa kaniya. At napansin niyang sumulyap ito sa iba pang kasama nitong receptionist na nasa front desk. At napansin niya na may isa pa sa mga babaeng naroon na sumulyap din sa kaniya at malapad siyang nginitian.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon