Chapter 41

2K 85 15
                                    

It was Sunday at hindi katulad nang weekdays na marami ang trabaho sa rancho. Mas relax ang araw ng Linggo para sa lahat. Walang ibang gawain sa rancho kundi ang magpakain lamang ng mga alagang hayop sa umaga at sa hapon. Kaya naman sa araw na iyun ay nasa bahay lang si Carlos na sa unang pagkakataon at simula sa araw na iyun ay mapipirme na sa bahay sa tuwing araw ng Linggo.

Natapos na silang makapananghalian ni Christiane at iniwan niya ito sa silid dahil sa may kailangan itong tapusin na trabaho para sa kliyente nito. At mamayang gabi naman ay balak nila na kumain na lamang sa labas para sa isang dinner date na hindi pa nila nagagawa.

At siya naman sa sandaling iyun ay binabagtas ang daan patungo sa opisina ng kaniyang lolo Juanito para gawin ang kaniyang kada-buwan na pagsusulat ng libro para sa mga kinita at ginastos ng rancho sa buwan na iyun.

At kung wala nga lang ang mga kailangan niyang gamit sa loob ng dating opisina na iyun ay walang balak si Carlos na magtungo at manatili ng matagal sa loob ng silid. Pero ang paglilipat ng mga gamit mula sa opisina patungo sa itaas ng silid ay magdaragdag lang ng gawain at ayaw na rin niya na magkandahalu-halo pa ang mga papeles na nasa loob ng opisina sa iba pang mga hindi importanteng bagay sa kaniyang silid. At dahil nga sa pahingahan niya ang silid ay gusto niyang iwan niya ang lahat ng trabaho niya sa labas ng kaniyang silid. Lalo pa at kasama na niya si Christiane sa kanilang silid.

Nang mamataan na niya ang pintuan ng opisina ay nagsimulang bumigat ang paghakbang ng kaniyang mga paa at ang pamilyar na pagbigat sa kaniyang dibdib ay muli niyang naramdaman. At parang kinakaladkad na niya ang kaniyang mga paa nang gawin na niya ang ilan pang mga hakbang papalapit.

At isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan nang tumayo na siya sa harapan ng pintuan. Tumikom ang kaniyang mga labi saka niya dinukot ang susi sa loob ng kaniyang unahan na bulsa. At ilulusot na sana niya ang susi sa susian nang mula sa kaniyang tagiliran ay napansin niyang may naglalakad sa kaniya papalapit. At agad niyang binawi ang kaniyang hawak na susi sa susian ng pinto at kaniyang hinarap si Meanne na malapad ang ngiti sa mga labi nito.

"Sir Carlos," ang bati nito sa kaniya at agad naman siyang tumango bilang sagot dito.

"Uhm, wala na po ba kayong ipag-uutos? Uuwi na po kasi kami ni nanay kung wala na po kayong iba pang ipag-uutos," ang tanong nito sa kaniya.

Umiling ang kaniyang ulo at matipid siyang ngumiti para rito.

"Wala na Meanne, salamat, puwede na kayong umuwi ni manang Emma at nang makapagpahinga na rin kayo...at oo nga pala, uhm, sa tuwing araw ng Linggo ay day off na ninyo ni manang Emma, wala naman nang masyadong gawain dito sa bahay kaya puwede na ninyong kunin ang araw ng Linggo para sa pagpapahinga ninyo," ang kaniyang sagot at bilin dito.

Napansin niyang sa halip na ikatuwa nito ang kaniyang sinabi ay dahan-dahan na nabura ang malapad na ngiti na kanina lamang ay nakapagkit sa labi nito nang binati siya nito kanina.

"Uhm g-ganun po ba? Hindi naman po kami nagrereklamo sir Carlos na magtrabaho sa bahay na ito araw-araw, labis na rin po kasing napamahal sa amin ang bahay na ito, lalo na po ako na...dito na rin halos lumaki, kaya katulad po ninyo na dito na ipinanganak at nagkaisip ay, pareho po natin na mahal ang bahay na ito, kaya okey lang naman po sa akin ang araw-araw na mamalagi sa bahay na ito," ang sagot ni Meanne sa kaniya.

Sandaling tumiim ang kaniyang mga labi at panga. At pinag-isipan niya ang mga salitang sinabi ni Meanne sa kaniya at isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.

"Uhm, naintindihan kita Meanne pero, mabuti na iyung mayroon kayong isang araw sa isang linggo para sa inyong pamilya," ang kaniyang mariin na sagot dito. At napansin niya na tumikom na lamang ang mga labi ni Meanne saka nito sinundan ng mabagal na pagtango ng ulo nito.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon