Hindi makapaniwala si Christiane nang makita niya si Daniel. Nakasandal ang likod nito sa pintuan ng driver side habang naghihintay ito sa harapan ng bahay ni Carlos.
At nang lumingon ito sa kanilang direksiyon ay kitang-kita ng kaniyang mga mata kung paanong rumehistro ang labis na tuwa at pananabik sa guwapo nitong mukha.
Binawi ni Daniel ang pagkakasandal ng likod nito sa pintuan ng sasakyan at dali-dali itong naglakad papalapit sa kanila sabay banggit ng kaniyang pangalan.
"Christiane!" ang excited na bati ni Daniel sa kaniya habang naglalakad ito papalapit at ang mga bisig nito ay nakadipa at mukhang sasalubungin siya nang yakap ni Daniel na nakagawian na nito.
"Daniel?" ang patanong niyang bati rito at isang pilit na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. At hindi niya napigilan ang kaniyang mga mata na tingnan si Carlos na nasa kaniyang tabi na katulad niya ay huminto rin sa paglalakad at hinintay na lamang nilang makalapit si Daniel sa kanila.
At napansin niya ang pagtiim ng panga nito at ang maliit na butong kumislot sa gilid ng panga ni Carlos na halatang nanggigil ito.
"Inimbitahan mo ba siya?" ang narinig niyang bulong ni Carlos. Saying those words through his clenched teeth.
"H-hindi," ang kaniyang sagot at nang sandali na iyun ay tila ba gusto niyang maluha sa panlulumo. Napakaganda na kasi nang mga nangyayari sa pagitan nila ni Carlos. At mukhang masisira iyun nang dahil kay Daniel.
At napansin niyang mas tumiim pa ang mga panga ni Carlos at napansin niyang nanlaki ang butas ng mga ilong nito at doon na niya ibinalik ang kaniyang mga mata sa kaniyang harapan ay kahit pa inaasahan na niya ay nagitla pa rin siya nang bigla siyang yakapin nang mahigpit ni Daniel.
"Anak nang," ang narinig niyang mariin na sambit ni Carlos habang siya ay nakapaloob sa mahigpit na yakap ni Daniel at pilit niya itong itinutulak.
"Amore! I miss you!" ang masayang sambit nito.
"Uhm, w-wait Daniel," ang kaniyang sagot dito habang marahan niya itong itinutulak papalayo sa kaniya. At hindi naman nagtagal ang pagkakakulong niya sa mga bisig nito at pinakawalan na siya ni Daniel. Ngunit nanatiling hawak ng mga kamay nito ang magkabila niyang mga braso habang tinitingnan siya ng mga mata nitong puno nang pananabik.
"Oh amore! I miss you so much!" ang sambit nito, "my eyes are feasting right now with the sight of your beautiful face."
"Uhm," ang kaniyang sambit at hindi siya kaagad nakasagot nang marinig niya ang malakas na paglilinaw ni Carlos nang lalamunan nito.
Sandali siyang napasulyap kay Carlos na nakatiim ang mga labi at naniningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kanila. At nang magtama ang kanilang mga mata ni Carlos ay tinaasan siya nito ng isang kilay.
"Uhm Daniel," ang kaniyang sambit. And she shook her shoulders to free herself from Daniel's hands. At nang alisin ni Daniel ang mga kamay nito sa kaniyang mga balikat ay humakbang ang kaniyang paa papunta sa gilid para ilapit niya ang kaniyang sarili kay Carlos.
"Paano mong nalaman kung nasaan ako?" ang kaniyang tanong habang nakakunot ang kaniyang noo rito.
Isang mayabang na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Daniel at nag-krus ang mga bisig nito sa dibdib. He tilted his head to his side while he gave her a smug smile.
"I told you I have ways and I have the resources," ang nakangiting sagot nito sa kaniya.
"And besides," ang dugtong pa nito, "I have someone in this place that I knew."
Kumunot ang kaniyang noo rito, "Who?" ang kaniyang interisado na tanong kay Daniel.
"Attorney Presley Sevilla, which is now Mrs. Malvar, she's a friend mine," ang tugon nito.
BINABASA MO ANG
CARLOS SAN Miguel (complete)
RomanceDugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya n...