Chapter 24

1.9K 101 17
                                    


Itinaas ni Christiane ang kaniyang mga braso para mag-inat. Inabot din niya ang kaniyang mga balakang at pinihit-pihit niya ang kaniyang bewang pakaliwa at pakanan para mawala ang pagkakangalay. Isang paghikab ang kaniyang ginawa at sinilip niya ang oras mula sa screen ng kaniyang laptop na nasa kaniyang harapan. It was already two in the morning.

She covered her mouth with her palms when again she yawned. At saka niya inabot ang power button ng kaniyang computer para patayin na ito. Inayos niya ang kaniyang gamit at saka siya muling nag-inat. At pagkapihit ng kaniyang katawan para humarap sa kama ay bumati sa kaniya ang natutulog na si Carlos.

Nakataas ang mga braso ni Carlos na nakabaluktot ang mga siko habang nakailalim sa likod ng ulo ang mga kamay nito na tila ba mga unan. Ang kanan nitong binti ay nakadiretso at nakalatag sa kama habang ang kaliwang binti nito ay nakababa at nakalapat ang mga paa nito sa sahig.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka siya naglakad palapit sa kama. At hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na pagmasdan ang natutulog na si Carlos. Mahina itong naghihilik mula sa bahagyang nakabuka na mga mata nito. And her lips formed a half smile curving only on the right corner of her lips.

Binawi niya ang kaniyang mga mata kay Carlos at nilapitan niya ang pintuan para kalabitin ang switch ng ilaw at patayin ang main lights. At muling napuno nang malamlam na liwanag ang loob ng silid mula sa dim lights.

Lumapit siya sa kama and she seated on her side of the bed. And again, she looked at Carlos and she remembered those words that he said to her moments ago.

Totoo nga bang iniisip na nito ang kaniyang nararamdaman? Totoo nga kayang bukal na sa kalooban nito na simulan ang relasyon nilang binuo para sa kanila ng kanilang mga lolo? Ang tanong ng kaniyang isipan.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Gusto niyang maniwala at magtiwala na muli. At gusto niyang umasa. Pero alam niya kung anong nangyari sa kaniya noong umasa siya sa pangako ni Carlos. Alam niya ang sakit na kaniyang naramdaman na hanggang sa sandaling iyun ay nakatatak pa rin sa kaniyang dibdib.

Gusto kong maniwala at umasa, ang sabi ng kaniyang isipan habang nakatitig siya sa mukha ni Carlos. Hahayaan na lang niya ang panahon na magdecide para sa kaniya. Lalo pa at nagsisimula pa lang naman sila ni Carlos.

She let out a sigh at hihiga na sana siya nang mapansin nang ma-realized niya na nakababa pa ang isang pa ani Carlos sa sahig.

Umusog ang kaniyang katawan sa tabi nito at saka niya hinawakan ang kaliwang hita ni Carlos at hinila niya ito pataas sa kama. At nang ginawa niya iyun ay biglang pumihit ang katawan ni Carlos paharap sa kaniyang direksiyon at ang braso ni Carlos. He hooked his left arm on her waist and he pulled her down pinning her with his arm and legs na nakadantay sa kaniyang mga hita. At hinila pa nito ang kaniyang katawan palapit sa katawan nito kaya naman magkadikit ang kaniyang tagiliran sa harapan na katawan nito.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at hinawakan ng kaniyang kamay ang braso ni Carlos na nakakapit sa kaniyang bewang. Ramdam niya ang mabilis na pagtaas-baba ng kaniyang dibdib dahil sa kaniyang mabilis na paghinga.

And she realized on how close their bodies were, dahil sa ramdam niya ang mainit nitong hininga sa kaniyang noo. At hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na hindi ipihit ang kaniyang mukha sa direksiyon ni Carlos.

Her head slowly turned towards Carlos at ang unang bumati sa kaniyang abo na mga mata...ay ang mga labi nito. Bahagyang nakabuka ang mga labi nito at maririnig ang mahina nitong paghilik. At napalunok na lamamng siya dahil sa may humihila sa kaniyang mukha para ilapit niya sa mukha ni Carlos.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon