Iminulat ni Carlos ang kaniyang mga mata. Muli siyang ginising ng kaniyang katawan sa nakagawian na niyang oras na paggising kahit pa halos walang tulog silang dalawa ni Christiane.
Iniangat niya ang kaniyang mukha mula sa pagkakasubsob sa ulo ni Christiane na nakasubsob naman sa kaniyang dibdib habang magkalingkis ang kanilang mga braso at binti at ang tanging saplot ng kanilang mga katawan ay ang makapal niyang kumot.
Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Labis ang saya na nadarama ng kaniyang dibdib. Hindi niya inakala na mararating niya ang ganun na estado ng kaniyang buhay na madarama niya ang kung anong nadarama ng kaniyang mga kaibigan. Ang maging masaya at ang magmahal nang walang paglilihim.
Ilang taon nga ba niyang pilit na tinikis ang nadarama niya para kay Christiane? Ang tanong ng kaniyang isipan. Napakatagal na panahon niyang tiniis at nilabanan ang tunay niyang nararamdaman para kay Christiane. Hindi lamang dahil sa napakabata nito para sa kaniya kundi dahil na rin sa...
Napabuntong-hininga siya. Ayaw na niyang isipin pa ang nangyari sa nakaraan katulad nang kaniyang kahilingan kay Christiane kagabi. Iyun na ang importante ang makapag-umpisa silang muli.
Hinawi niya ang mga hibla ng buhok ni Christiane na tumatakip sa mukha nito. Saka niya binawi ang kaniyang mga bisig mula sa pagkakapulupot rito para dahan-dahan siyang bumangon. Alam niyang kulang pa sa tulog si Christiane at kinakailangan pa nitong makabawi.
Mahinang umungol ito nang pag-angal ngunit nanatiling nakatikom ang mga talukap ng mga mata ni Christiane at nagpatuloy ang mahimbing nitong pagtulog. At siya naman ay sandaling tumayo sa tabi ng kama at pinagmasdan niya si Christiane. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa kaniya na si Christiane.
At isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga pisngi na bitbit niya hanggang sa pagpasok niya sa loob ng banyo upan4g maghanda ng kaniyang sarili para sa trabaho sa rancho sa umagang iyun.
Tinutuyo na niya ang kaniyang ulo nang mayroon siyang maalala. Ang kaniyang sinadya sa Maynila kahapon. Hinanap niya ang kaniyang hinubad na pantalon sa basket ng mga maruming damit sa loob ng banyo. Hindi pa naman iyun nalalabhan ni Christiane at kaniyang dinukot ang harapan na bulsa ng kaniyang pantalon at nakangiti niyang tiningnan ang isang maliit na kahon at saka siya humakbang palabas ng banyo.
Nakapagbihis na siya at nakahanda nang umalis para simulan ang kaniyang abla na araw sa rancho pero bago siya umalis ay naupo muna siya sa tabi ng kama sa tabi ng natutulog pang si Christiane.
Nakadapa ito sa kama habang ang kanan nitong pisngi ay nakaunan sa mga bisig nito. at ang kumot na tanging nagtatakip sa hubad nitong katawan ay nakaikot sa bewang ni Christiane kaya naman kitang-kita niya ang likod nitong natatakpan na lang ng mga hibla ng kulay cinnamon nitong buhok.
Bahagya niyang inilapit ang kaniyang katawan para ilapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Christiane at saka siya bumulong sa tenga nito.
"Christiane," ang bulong niya sabay halik niya sa tenga at batok nito. at isang ungol ang lumabas sa lalamunan ni Christiane na nagpatayo ng mga balahibo niya sa katawan at nagpatigas ng kaniyang pagkalalaki. Pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. wala na siyang oras pa kailangan na niyang makapunta sa puso ng rancho para sumama sa mga nagtatrabaho. Ayaw niyang masabihan na tatamad-tamad siya sa kaniyang trabaho.
Ilang taon niyang pilit na pinatunayan na karapat-dapat siya sa rancho at hanggang sa sandlaing iyun ay tila ba gusto pa rin niyang ipakita sa mga ito na karapat-dapat siya.
"Christiane, kailangan ko na umalis," ang kaniyang bulong at marahan niyang hinaplos ang pisngi nito gamit ang likod ng kaniyang mga daliri.
Isang malalim na hininga ang sinagap ni Christiane bago dahan-dahan na dumilat ang mga mata nito. At tiningnan niya ang mga kulay abo nitong mga mata na namumungay pa dahil sa antok.
![](https://img.wattpad.com/cover/255321459-288-k484012.jpg)
BINABASA MO ANG
CARLOS SAN Miguel (complete)
RomansaDugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya n...