Prologue

4.4K 140 26
                                    


Seven years ago, Los Angeles California

Pinagmasdan ni Carlos ang mag-lolo na pumasok sa loob ng pintuan nang silid ng judge. Agad na tumayo ang kaniyang lolo Juanito mula sa silyang kinauupuan nito at bukas ang mga bisig nitong sinalubong si Don Pacifico Montepiedad na kaibigan matalik nitong kaibigan.

Nagyakap ang dalawa habang nagpapalitan ang mga ito nang mga masayang pagbati sa isa't isa na akala mo ba ay matagal na hindi na nagkita ang mga ito kahit pa kagabi ay magkasama sila.

At mula kay Don Pacifico ay natunton ng kaniyang mga mata ang dalagang nakatayo sa tabi ng lolo nito na si Don Pacifico. Nakita niyang niyakap din ito nang mahigpit ng kaniyang lolo kasabay ng paghalik nito sa pisngi ng apo ng kaibigan nito.

At napuno nang galit ang kaniyang dibdib nang tingnan niya ang babaeng para sa kaniya ay napakabata pa sa edad nitong diecisiete. At hindi niya napigilan ang kaniyang mga kamay na kumuyom dahil sa labis na galit na kaniyang pinipigilan sa pagkakataon na iyun.

Nanatili siyang nakaupo at ipinakita niya sa mga ito na wala siyang anumang nararamdaman na pananabik o interest sa sandaling iyun. At walang gana niyang sinundan ng kaniyang mga mata ang tatlo habang naglalakad ito palapit sa lamesa ng judge na naghihintay. Tumayo ang judge para salubungin ng pakikipagkamay ang dalawang may edad na lalaki habang nasa likuran ng dalawa ang dalagang apo ni Don pacific na nahihiyang nakayukod ang ulo nito.

Sandaling nagpalitan ng kamustahan ang mga ito habang siya ay tahimik lang na nakaupo sa sulok at pinagmamasdan niya ang apat na nasa kaniyang harapan. Hanggang sa narinig niya ang boses ng judge at nagsabing puwede na silang magsimula at doon ay nakaramdam na siya ng kaba at muli ay nabalot ng galit ang kaniyang dibdib.

At nang hindi pa siya agad na tumayo para lumapit sa lamesa sa harap ng judge ay naglakad papalapit sa kaniya ang kaniyang lolo Juantio. At sinalubong niya ang mata nito pero nanatiling tikom ang kaniyang mga labi.

"Carlos, magsisimula na," ang matipid nitong sabi sa kaniya.

Mula sa mga mata ng kaniyang lolo ay lumipad ang kaniyang mga tingin sa likuran nito at napadpad iyun sa babaeng mabilis na yumuko ang ulo nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya itong tingnan siya.

Huh, dapat lang, ang sabi ng kaniyang isipan.

"Carlos," ang muling pagsambit ng kaniyang lolo ng kaniyang pangalan ngunit mas may diin na ito. at muling bumalik ang kaniyang mga tingin sa kaniyang lolo na sa kabila nang ginawang pagpapasiya balikat ng mga ito sa kaniyang buhay na may kaakibat na responsebilidad at obligasyon sa kaniyang mga balikat ay nanatili pa rin ang kaniyang pagmamahal at respeto dahil ito na ang taong nag-aruga sa kaniya. Pero hindi niya maiaalis na nakaramdam siya galit dahil sa pagpapasyang ginawa ng mga ito.

Tumango siya, "sige para matapos na ito," ang kaniyang sambit. At saka niya itinulak ang kaniyang sarili mula sa upauan upang tumayo at naglakad siya palapit sa mesa ng judge kung saan naroon at kanina pa rin nakatayo ang apo ni Don Pacifico.

At sinimulan ang seremoniya nang kaniyang kasal sa apo ni Don Pacifico na si Christiane Montepiedad.

***

Tiningnan ni Carlos ang oras mula sa suot niyang relo. Ika-siyam na nang gabi at iyun na ang unang gabi niya bilang may asawa. Nilagok ni Carlos ang whiskey na laman ng hawak niyang baso at saka siya bumunot ng pera mula sa kaniyang pitaka at iniwan niya ang pera sa ibabaw ng bar counter katabi ng kaniyang basong wala nang laman.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa barstool at saka siya naglakad palabas ng bar para naman bagtasin ang daan patungo sa hote room na naka-book para sa kanilang honeymoon ni Christiane.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon