Chapter 36

2.1K 105 24
                                    

Tila ba inilipad si Carlos ng pakpak ng kaniyang kaligayahn sa kalangitan nang maglapat na ang mga labi nila ni Christiane. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumabas sa mga labi nitong kaniya nang natitikman ng sandaling iyun.

Kinabig pa niya papalapit ang mukha ni Christiane gamit ang kamay niyang nasa batok nito habang ang isa niyang kamay ay nakaikot sa bewang nito.

Habang ang mga bisig naman ni Christiane ay nakaangkla sa ilalim ng kaniyang mga bisig at nakakapit ang kamay nito sa kaniyang mga balikat.

Sa akin niya lamang gustong magpasakop. Ako lang ang hinihintay ni Christiane! Ang sigaw ng kaniyang isipan at nag-uumapaw ang emosyon ng labis na tuwa ang kaniyang dibdib.

Sandali niyang binawi ang kaniyang mga labi mula sa pagkakapagkit sa mga labi ni Christiane para sandaling sumagap ng hangin bago niya muling siniil ang labi nito ng kaniyang nananabik na mga labi.

Malugod naman na tinanggap ng mga labi ni Christiane ang kaniyang mga labi. at ito na ang nagbuka ng sariling bibig nito para sa kaniya. Tila ba iyun ay pintuan na binuksan sa kaniya para malugod na tanggapin ang kaniyang mapangahas na dila na handang tikman ang kalooban ng bibig nito.

At habang parang ahas na nanghimasok sa isang lungga ang kaniyang dila nang galugarin nito ang kalooban ng bibig ni Christiane.

At isang ungol ang lumabas sa kaniyang lalamunan nang sipsipin ni Christiane ang dila niyang nag-iinit sa labis na pananabik. naglabas-masok iyun sa bibig ni Christaine bago naman ang dila nito ang nanghimasok sa loob ng kaniyang bibig.

At habang nagpabaling-baling ang kanilang mga ulo para bigyan ang kanilang mga labi ng mas magandang anggulo na maiiriin nila ang kanilang mga labing halos magkainan na sa labis na pananabik at gutom sa isa't isa. Nageeskrimahan ang kanilang mga dila at parang mga ahas na naglilingkisan ang mga ito habang nagpapalitan sila ng mga hininga. Tila ba ang kanilang buhay ay nakasalalay sa hiningang ibinubuga ng bawat isa.

At habang abala ang pangungusap ng kanilang mga labi ay ganun na rin ang kanilang mga paa. Marahan na itinutulak ng kaniyang katawan ang katawan ni Christiane habang ang kaniyang mga paa ay pasulong na humahakbang ay paatras naman ang kay Christiane habang ang kanilang mga kamay ay aligaga at hindi magkandamayaw kung aling parte ng kanilang mga katawan ang kanilang hahaplusin na may pananabik.

At nang tumama na ang likod ng mga binti ni Christiane sa paanan ng kama ay doon sila nanatiling nakatayo habang hindi pa rin humuhupa ang pananabik nila sa isa't isa at alam ni Carlos na hindi pa iyun huhupa sa anumang sandali o pagkakataon. Nagsisimula pa lamang sila.

Naramdaman niya ang mga kamay ni ni Christiane na dumulas mula sa kaniyang mga balikat pababa sa kaniyang mga dibdib hanggang sa lumusot ang mga kamay nito sa ilalim ng kaniyang kamiseta at muling gumapang ang mga palad nito paakyat naman sa kaniyang mga dibdib.

"Ugh," ang ungol ng kaniyang lalamunan nang maramdaman niyang umiikot-ikot ang malambot na mga palad ni Christiane sa kaniyang mga dibdib. At ikiniskis pa nito ang malambot na balat sa nanigas na nipples ng kaniyang mga dibdib.

Binawi niya ang kaniyang mga labi sa pagkakapagkit sa mga labi ni Christiane at bumulong siya sa labi ni Christiane habang magkadikit ang kanilang mga noo at tungki ng kanilang mga ilong.

"Ito...ganito...ang naramdaman... ko kagabi," ang kaniyang bulong. At bilang kasagutan ay hinila ni Christiane ang laylayan ng suot niyang kamiseta at puno nang pagkainip nitong hinila ang suot niyang kamiseta para hilahin iyun paitaas at ilusot iyun sa kaniyang mga bisig at ulo para tuluyan itong hubarin sa kaniyang katawan.

At tiningnan niya ang mukha ni Christiane. Ang mga mata nitong nakatuon sa kaniyang mga dibdib at pinagmamasdan ang kaniyang mga dibdib habang hinihimas ng mga palad nito na may panggigigil na tila ba katawan ng isang poon ang hinihimas ng mga palad nito at sinasamba siya ng mga mata at palad ni Christiane.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon