Chapter 49

1.9K 106 40
                                    

Seven years ago...

"Makikita ba natin sina Don Pacifico at si Christiane?" ang tanong ni Carlos habang sakay sila ni lolo Juanito ng isang taxi. Nagpalinga-linga ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana habang nakasakay sila sa backseat.

Isang ngiti na may pagkunot ng noo ang iginawad sa kaniya ni lolo Juanito habang naniningkit ang mga mata nito sa kaniya.

"Bakit parang excited ka?" ang natatawang tanong nito sa kaniya habang hindi siya mapakali sa loob ng sasakyan.

Nilingon niya si lolo Juanito at isang nahihiyang ngiti ang isinagot niya sa ngiti nito.

"Uhm, excited kasi...ngayon lang ako nakarating sa ibang bansa...at saka, hindi ba kaya tayo narito ay para bilhin na ang lupang kinatitirikan ng rancho kay Don Pacifico?" ang kaniyang sagot.

Nanabik siyang tuluyan nang mapasailalim sa pangalan ni lolo Juanito ang lupang kaniyang binuhusan ng kaniyang dugo, pawis, at panahon.

Napansin niyang umiwas ang mga mata ni lolo Juanito sa kaniya at ibinaling nito ang tingin sa labas ng bintana sa katabi nitong pinto.

"Uh-huh, iyun ang sabi ni Pacifico na pag-uusapan na namin ang tungkol sa rancho kaya tayo pinapunta niya rito," sagot nito sa kaniya habang ang mga mata nito ay nakatanaw sa labas ng bintana.

Tumangu-tango siya habang pinagmamasdan niya ang nakaiwas nitong mukha at saka niya muling ibinaling ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana.

Hindi lang ang tungkol sa rancho ang kaniyang pinananabikan. Kundi ang makita na muli ang noong batang si Christiane na nagbakasyon sa Villacenco nang halos kalahating taon.

Nanabik na siyang makita ang hitsura nito ngayon, at alam niya na magiging isang magandang babae si Christiane pagnagdalaga na ito. Maganda kasi itong ngumiti kaya alam niya na ngiti pa lang ni Christiane ay nag-uumapaw na sa ganda. Gusto niya ring malaman kung ano na ang nangyari sa buhay nito? kung nakapagtapos na ba ito ng pag-aaral o kung anong antas na ito nang pag-aaral. Marami man ang kaniyang katanungan ngunit iisa lang ang kaniyang nararamdaman at iyun ay ang kasiyahan na makitang muli si Christiane.

***

"Bakit niyo po ako gustong makausap na mag-isa?" ang kaniya agad na tanong nang matapos ang hapunan sa bahay ng mga Montepiedad ay inanyayahan siya ng dalawang matanda na magtungo sa opisina ni Don Pacifico para makapag-usap.

"May pag-uupan lang tayo tungkol sa rancho at...tungkol kay Christiane," ang agad na sagot sa kaniya ni Don Pacifico na naupo sa tabi ng kaniyang lolo Juanito.

Tungkol kay Christiane? Nahalata ba nito na hindi na niya maalis ang kaniyang mga mata sa apo nito kanina habang kumakain sila nang hapunan? Mukhang iyun naman na ang tamang pagkakataon para mahingi na niya ang pahintulot ng nakatatandang Montepiedad.

"Uhm, patungkol po doon uh...uh Don Pacifico hindi po sa nangangahas ako pero, mabuti na rin po na makausap ko kayo ng personal habang narito ako at may pagkakataon, alam ko po na nag-aaral pa si Christiane at napakabata pa niya, pero...hindi ko na po maitatanggi pa ang matagal ko nang inililihim na pagtingin sa inyong apo, kaya...hihingi po sana ako ng pahintulot na...payagan niyo po ako na ligawan ang po ninyong si Christiane?" ang magalang niyang paghingi ng pahintulot sa lolo nang babaeng si Christiane na nanahan na sa kaniyang puso mula pa noong nagbakasyon ang mga ito sa kanilang rancho. Pinigilan man niya ang kaniyang sarili dahil sa napakabata pa nito para sa kaniya pero...hindi na niya kaya pang palagpasin ang pagkakataon na iyun.

Napansin niyang nagpalitan ng mga tingin sina Don Pacifico at kaniyang lolo Juanito na nakaupong magkatabi sa isang sofa. At hindi lingid sa kaniyang kaalaman kung gaano kalalim ang relasyon ng magkaibigan.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon