Itinabi ni Carlos ang kaniyang jeep sa tabi ng isa sa mga wooden fence kung saan naroon ang mga baka na inilabas nila kanina sa mga barn nito para makapag-inat ang mga binti nito.
Mayroon siyang sinadya sa Pedrosa nang umagang iyun at agad siyang bumalik para masabayan niya na mag-agahan si Christiane. At bago siya bumaba ay sinulyapan niya ang passenger seat at isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Unang beses niya iyun na gawin para sa isang babae.
Bumaba siya ng kaniyang sasakyan at agad siyang sinalubong ng isa sa mga tauhan sa rancho at iyun ay ang tatay ni Betty. Magiliw siyang binati nito at siya naman ay bumati rin nang magiliw na may kasamang pagtango ng kaniyang ulo.
"Sir Carlos, nailabas na po ang lahat ng mga baka, at napakain na rin po, yung iba ay abala na sa paglilinis ng mga kulungan kami naman rito ay tapos na po," ang balita nito sa kaniya.
Kinamot ng kaniyang daliri ang kaniyang noo at saka siya tumango sa tatay ni Betty.
"Sige po kuya Mel at salamat po," ang kaniyang tugon rito, "puwede na po kayo na magpahinga na muna tapos tuloy na lang po ulit ng gawain mamaya."
Tumango ang ulo nito sa kaniya pero muki itong nagsalita.
"Sige po sir Carlos, uh baka po medyo mahuli ako mamaya, kasi sasamahan ko po si Betty sa may Pedrosa para po magpa-enroll sa Pamantasan na napili niya na mag-aral ng kolehiyo," ang tugon nito sa kaniya.
Nagliwanag ang kaniyang mukha. Masarap pakinggan sa kaniyang pandinig sa tuwing may magandang nangyayari sa buhay ng mga nagtatrabaho sa loob ng rancho.
"Talaga po? Mabuti naman at naisip na ni Betty na ipagpatuloy ang pag-aaral niya," ang kaniyang sagot dito.
Napansin niya ang nahihiyang ngiti na isinagot sa kaniya ni kuya Mel kasabay ng pagtangu-tango ng ulo nito sa kaniya.
"Uhm opo, eh medyo nahuli lang po nang kaunti kasi kinailangan na patapusin pa muna namin ang panganay namin na si Luisito eh, gagraduate na siya ngayong taon sa kurso niyang engineering kaya, puwede nang makapagsimula si Betty," ang sagot nito sa kaniya.
Nakaramdam ng kirot sa kaniyang dibdib si Carlos. Naisip niya na, nakakatulong man sa pang araw-araw na pamumuhay ang kinikita ng mga ito sa rancho ngunit kinukulang pa rin para sa iba pang pangangailangan ng pamilya ng mga ito. At para kay Carlos ay isang kabiguan iyun sa kaniyang parte bilang namumuno sa rancho.
Isang tikom na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi at napakamot siya sa kaniyang batok.
"Pasensiya na po kayo kuya Mel ha, kung...kinukulang ang kinikita ninyo rito sa rancho, uh, huwag po kayo na mag-alala maghahanap pa ako ng paraan para magkaroon ng extrang kita ang rancho para naman mas lumaki pa ang mapagpapartehan ninyo," ang nahihiyang tugon niya.
"Saka...sana huwag niyo na akong tawaging sir," ang nahihiya pa niyang dugtong dito.
Napansin niyang kumunot ang noo ni kuya Mel at napaatras ang ulo nito bago ito umiling sa kaniya.
"Ano bang sinasabi mo sir Carlos?" ang nalilito na tanong nito sa kaniya.
"At saka...tama lang naman na tawagin ka namin na sir bilang paggalang dahil sa...ikaw ang may ari ng rancho," ang dugtong pa nito sa kaniya.
"Uhm, karagdagan na pagkakakitaan ng rancho, katulad nang ginawa sa Highlands at Oasis, gusto ko na mas umangat pa ang antas ng pamumuhay ninyo rito," ang kaniyang tugon.
"Pangako po sa inyo na...gagawin ko ang lahat para magawa ko iyan," ang dugtong pa niyang pangako.
Umiling ang ulo ni kuya Mel at may matipid na ngiti ang mga labi nito.

BINABASA MO ANG
CARLOS SAN Miguel (complete)
RomanceDugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya n...