Chapter 43

1.7K 76 11
                                    


"Maganda iyan, maganda iyang mga plano po para sa rancho Carlos," ang sabi ni mang Fernan sa kaniya habang nagpapahinga sila sandali at nakasandal ang kanilang mga likuran sa kahoy na bakuran habang pinagmamasdan nila ang mga baka na malapit na naman nilang ibenta para sa susunod na buwan.

"Salamat po mang Fernan," ang kaniyang sinserong pasasalamat kay mang Fernan na sa rancho na rin tumanda kaya naman kilalang-kilala na rin siya nito. At dahil nga sa matagal na itong nanilbihan sa rancho ay importante sa kaniya na marinig ang opinion nito at lalo na ang pag-apruba nito.

Kaya naman dito niya agad sinabi ang kaniyang plano para sa rancho para marinig niya ang pagsang-ayon at pag-apruba nito. Dahil importante sa kaniya na marinig ang pagtanggap ng mga ito.

"Natutuwa po ako na, marinig na sang-ayon po kayo sa mga balak ko," ang kaniyang dugtong, "gusto ko po talaga na...makatulong nang malaki sa rancho."

Napansin niya ang pagkunot nang natural nang gusot nitong noo nang dahil na rin sa katandaan. At saka natuon ang mga mata nitong ginusot na rin ng panahon ngunit mas pinatalino pa rin ng panahon. Umiling ang ulo ni mang Fernan kasunod ng pagbuntong-hininga nito.

"Carlos, malaki na ang naitulong mo sa rancho mula pa noon, mula pa noong binatilyo ka pa lang, nasaksihan ko...namin, kung paanong magbanat ka ng buto na mas higit pa sa lahat, kaya hindi mo na kailangan pang sabihin na gusto mo na makatulong nang malaki sa rancho...dahil noon pa man ay nagawa mo na ito para sa amin."

Hindi siya agad sumagot at kinamot ng kaniyang kanan na kamay ang kaniyang batok at isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at kaniyang pinagmasdan ang mga baka na nasa kanilang harapan. Ang mga baka at kabayo ng rancho ang puso ng rancho na bumubuhay sa kanilang lahat. At matagal na niyang minahal ang lugar na naging malaking parte ng kaniyang buhay dahil sa tinanggap siya nito nang buong-buo.

"Ayoko lang na...mabigo ko kayo," ang kaniyang mahinang sambit ngunit narinig pa rin iyun ni mang Fernan at naramdaman nito ang kaniya ring nararamdaman at nabasa nito ang laman ng kaniyang isipan.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan nito at marahan nitong tinapik ang kaniyang likod.

"Carlos...wala ka nang dapat pang patunayan sa rancho, nagawa mo na ang lahat bilang tagapagmana ng rancho, at...hindi mo na sana kinukuwestiyun pa ang katapatan namin dahil alam ko na iyun ang gumagambala sa iyo noon pa man, kaya nga daig mo pa ang kalabaw sa pagtatrabaho rito sa rancho kahit pa itago mo sa kalokohan mo ang lahat alam namin na...napakaseryoso mo sa buhay lalo na sa rancho San Miguel," ang giit nito sa kaniya.

Hindi siya nakasagot at isang masidhing emosyon ang namuo sa kaniyang lalamunan na ikinasikip din ng kaniyang dibdib. At saka mabagal na tumango ang kaniyang ulo habang pilit niyang nilunok ang emsoyon na nasa kaniyang lalamunan.

"Mahal na mahal ko po ang rancho na ito, dahil sa ito lamang ang nagmahal sa akin," ang kaniyang tugon.

Tumango nang sandali ang ulo ni mang Fernan saka para bawiin lang ng mabilis na pag-iling ng ulo nito.

"Carlos, alam natin na mahal na mahal mo ang rancho, matagal mo nang ipinakita at ipinadama iyan, pero...hindi na lang ang rancho ang nagmamahal sa iyo," ang giit ni mang Fernan sa kaniya, "nariyan na ang iyong asawa at siya na dapat ang pinagbubuhusan mo ng iyong oras at pagmamahal at simulan mo nang bumuo nang pamilya, nang malaking pamilya na magiging susunod na tagapamahala ng rancho San Miguel."

Pumasok sa kaniyang isipan si Christiane. At muling nanumbalik sa kaniyang isipan ang paulit-ulit na pagniniig ng kanilang katawan hanggang sa kanina lamang sa sasakyan na nirentahan nito.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon