Chapter 1

3K 114 50
                                    


Pinisil ni Carlos ang buto ng kaniyang ilong sa pagitan ng kaniyang mga mata. Ramdam na niya ang pagod na noon naman ay hindi niya nararamdaman.

Inakyat niya ang hagdan na gawa sa bato paakyat sa front porch ng bahay at saka niya itinulak ang main door at bumati sa kaniya ang malamig na temperatura ng loob ng bahay na sinamahan nang malamlam na liwanag ng ilaw. Malaking pagkakaiba ang temepratura sa labas na may alinsangan dahil na rin sa nagbabadyang pagbuhos ng ulan.

Inalis niya ang suot niyang Stetson at hinubad din niya ang suot na working boots. Isinabit niya ang sumbrero sa sabitan na nasa tabi ng pintuan at ang working boots niya ay sa tabi ng pinto.

At inihagis niya ang susi sa basket na nakapatong sa buffet table sa may entryway ng bahay. At nakayapak siyang naglakad sa loob ng bahay na may marmol na sahig. At ninamnam niya ang masarap na lamig na nanunuot sa kaniyang talampakan na isang kaginhawaan para sa maghapon niyang pagtatrabaho sa rancho.

Ngunit kung noon ay hindi siya nakadarama ng pagod, dahil na rin siguro sa mahal niya ang kaniyang trabaho. Pero sa pagkakataon na iyun nitong mga nakalipas na araw ay nakaramdam na siya ng pagod dahil sa kaniyang pag-aaalala. Bumabangon pa rin kasi ang rancho mula nang haguputin sila ng bagyo at isa ang rancho San Miguel sa mga naapektuahn nang malaki. Hindi na siya nag-alala pa para sa kaniyang sarili kundi sa mga umaasa sa rancho nang mga ikabubuhay at iyun ang mga tauhang nagtatrabaho at nakatira na rin sa loob ng rancho.

Ngunit hindi lamang ang rancho ang isa sa mga nakapataw sa kaniyang balikat. Nitong mga nakaraan na buwan ay unti-unting nanghihina na ang kaniyang lolo at naging madalas na ang pagdalaw nila sa hospital. At nito lamang ay kinailangan na ngang ma-confine ang kaniyang lolo Juanito sa hospital dahil sa panghihina ng katawan nito at kakarecover lang nito sa sakit na pneumonia.

Mas maaga niyang tinapos ang kaniyang trabaho sa kaniyang nakagawian. Hindi na siya ang nagbabalik ng mga baka sa loob ng kuwadra at iniiwan na niya iyun sa mga tauhan sa rancho. Kailangan na niyang maghanda para naman tumungo siya sa Pedrosa kung saan naroon nga ang kaniyang lolo Juanito na naka-confine sa isang pribadong silid.

Naglakad siya patungo sa kusina para i-tsek si Manang Emma kung nakahanda na ang kaniyang maagang hapunan at pagkain na dadalhin niya sa hospital.

At habang naglalakad papalapit ay nahuli nang kaniyang pang-amoy ang mabangong amoy nang nilulutong ulam ni manang Emma. Na halos sing-sarap din nang mga luto ni Nanay Lucing na lol ani Lucas.

"Manang Emma," ang kaniyang bati mula sa bukana ng kusina at naabutan nga niya itong nakaharap sa kalan nang malawak na kitchen counter.

"Ay Carlos," ang sambit nito at bahagya itong lumingon sa kaniya, "may sinaing na at may luto nang ulam, pinalalamig ko na rin ang pagkain ni sir Juanito, nasa baunan na at tatakpan na lang, nagdagdag ako ng isa pang ulam para sa iyo," ang sabi nito.

"Salamat po, uh maglilinis lang po ako," ang kaniyang sabi kay manang Emma na muling lumingon sa kaniya at malapad na ngumit. Maglalakad na sana siya papalayo nang tawagin ni manang Emma ang kaniyang pangalan.

"Uh, Carlos!" ang sambit nito kaya naman huminto siya sa kaniyang paglalakad at pumihit ang kaniyang katawan para harapin ito.

"Ano po iyun?" ang kaniyang tanong at hinintay niya itong makalapit sa kaniya. Nang patayin na nito ang apoy sa kalan at naglakad ito papalapit habang pinupunasan nito ng bimpo ang mga kamay nito.

"May dumating ka ulit na parcel inilagay na ni Me Anne sa opisina mo, tulad ng bilin mo kapag may mga darating ka na sulat at package," ang saad nito. Tumango siya at nagpasalamat at maglalakad na sana siya ulit pero muling nagsalita si manang Emma.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon