Chapter 33

1.8K 85 25
                                    

Ilang beses na kumurap-kurap ang talukap ng mga mata ni Carlos. Aninag na ng kaniyang mga mata ang liwanag na nagpagising ng kaniyang natutulog na diwa at katawan.

At nang itulak na ng kaniyang mga mata ang mga nakatakip na talukap ay ang bumati sa kaniya ay kulay puti na kisame ng kaniyang silid.

Kumunot ang kaniyang noo nang maramdaman niya ang bigat ng kaniyang ulo at katawan. Pakiramdam niya ay pinasakay siya kay Diablo at inihagis siya nito.

"Ugh," ang kaniyang sambit at sinapo ng kaniyang kamay ang kaniyang noo. At nang mapagtanto niya kung nasaan siya ay mabilis siyang napabalikwas at napaupo siya sa kama.

Paano ako nakauwi? Nagdrive ba ako? Ang tanong ng kaniyang isipan nang wala na siyang matandaan.

Ano nga ba ang nangyari? ang kaniyang tanong at pilit niyang inalala ang nangyari kahapon.


Nasa loob siya ng kaniyang jeep at nagmamaneho siya sakay niya sa kaniyang sasakyan si Meanne na nasa passenger side.

Tinanong niya si Meanne kung may mairerekomenda ba ito sa kaniya na pupuntahan para makapaglibang siya. At isang malanding ngiti ang isinagot sa kaniya ni Meanne.

"Sama ka na lang sa pupuntahan ko," ang sagot nito sa kaniya at pinag-ekis nito ang mga hita at mas lalong lumitaw sa kaniyang mga mata ang mga hita at binti nito.

At mula sa mga hita nito ay sinalubong niya ang mga mata ni Meanne. At isang ngiti rin ang isinagot niya rito saka siya umiling. At ibinalik niya ang kaniyang mga mata sa harapan ng windshield.

Hindi...hindi na siya ang dating si Carlos na nakilala sa pagpapalit-palit ng mga babaeng inaakyat ng silid gabi-gabi. Hindi na siya ang Carlos na ang habol lang sa babae ay ang mailabas ang init ng kaniyang katawan. Hindi na siya ang Carlos na gagamit ng katawan ng babae at walang emosyon siyang nararamdaman para rito. Hindi na siya si Carlos na ang tanging misyon lang ay ang mailabas ang sama ng kaniyang loob at ang maghiganti.

Nagbago na siya, dahil siya na si Carlos na humingi ng pangalawang pagkakataon na makabawi sa mga pagkukulang sa kaniyang asawa na si Christiane. Si Christiane na tanging hinahangad ng kaniyang katawan na makaniig at maging kaisa.

"Hindi na, salamat na lang," ang kaniyang pagtanggi kay Meanne at katulad nang napag-usapan ay inihatid niya ito hanggang sa bukana ng rancho kung saan may mga pampasahero nang sasakyan na dumaraan dito.

At dahil nga sa gusto niyang magpalipas ng bigat ng kaniyang kalooban ay sa inuman ni mang Simon siya nagtungo. Naalala niya ang iba't ibang inumin na kaniyang ininom at iyun na lang ang kaniyang natataandaan.


Kinamot ng kaniyang kamay ang kaniyang noo. Sinong sumundo sa kaniya? ang tanong ng kaniyang isipan.

At saka niya napagtanto na wala na ang suot niyang kamiseta. Tiningnan niya ang kaniyang sarili at napansin nga niya na tanging gym shorts lang ang suot niyang saplot ng kaniyang katawan. At doon na niya nilingon ang kaniyang tabi at bumati sa kaniya ang natutulog na si Christiane.

Nakaharap ito sa kaniya habang patagilid itong naututlog. Katulad nang nakagawian nito ay nakaunan ang pisngi nito sa sarili nitong kamay. At ang mahaba at kulay cinnamon nitong buhok ay nakasabog na parang nagsanga-sanga na ilog sa unan.

At mula sa mukha nito ay naglakbay ang kaniyang mga mata pababa sa dibdib nitong nakabakat dahil sa pagkakahikit ng suot nitong kamiseta. At kayang mabakas ng kaniyang mga mata ang korona nang mga dibdib nito.

Si Christiane kaya ang nag-uwi sa akin? Ang tanong niya sa kaniyang sarili. At kumunot ang kaniyang noo nang pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari kagabi sabay sulyap niya sa kaniyang sarili.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon