Chapter 19

1.9K 91 41
                                    

Pinupunasan ni Christiane ang mga platong bagong hugas. Natapos na ang pananghalian para sa araw na iyun at iyun na rin ang huling araw ng roundup. Nakaalis na ang mga trabahador kasama si Carlos na muli niyang sinabayan sa pananghalian pagkatapos niyang tumulong na maghain ng pagkain.

At hindi naman niya maitatanggi na, natutuwa siya sa pagpapakita ni Carlos nang pagpapahalaga nito sa kaniya. At hindi naman niya maitatanggi pa na muling nabuhay ang itinatago niyang pagmamahal para rito.

Pero, kailangan ko bang magtiwala na agad? Na talagang magwo-work na ang kanilang relasyon? Pero...paano kung mas gusto pa rin ni Carlos ang buhay binata nito? Yung naglalaro lang at hindi nagseseryoso? Saan na naman pupulutin ang kaniyang luhaan at duguan na puso? ang tanong ng kaniyang isipan.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan, "nagsisimula pa lang kami," ang bulong niya sa kaniyang sarili at inilatag niya sa counter top ang tinuyo niyang plato.

"Ma'am Christiane?" ang narinig niyang boses mula sa kaniyang likuran na kaniyang ikinagitla. Mahigpit niyang hinawakan ang babasaging pinggan na muntik na niyang mabitiwan dahil sa pagkabigla niya nang marinig niya ang boses ni Meanne sa kaniyang likuran.

Pumihit ang kaniyang katawan para harapin si Meanne at kung nagulat siya kanina nang magsalita ito sa kaniyang likuran. Mas ikinagulat niya nang makita niya ang malapad na ngiti sa mga labi nito.

Nakangiti ito sa kaniya? Ang takang tanong ng kaniyang isipan.

"Uh, may kausap po kayo?" ang tanong nito sa kaniya habang naglalakad ito papalapit sa kaniya nang pumasok ito mula sa pintuan nang kusina.

Narinig nito ang pagkausap niya sa kaniyang sarili, ang sabi ng kaniyang isipan.

Mabilis na umiling ang kaniyang ulo at inilapag niya ang platong kaniyang pinupunasan sa ibabaw ng kitchen counter.

"Uhm, wala," ang kaniyang sagot dito, "may...kailangan ka ba?" ang kaniyang dugtong na tanong kay Meanne na nakalapit na sa kaniya.

"Uh, kasi...tapos na po ang pagluluto at pagiging abala sa bahay, tapos na rin po ang roundup at nakagawian na rito sa rancho na uminom ng kaunti pagkatapos na magtrabaho sa hapon," ang tugon ni Meanne sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo kahit na hindi pa rin niya alam kung bakit nito sinasabi sa kaniya ang mga bagay na iyun.

"Okey, uhm kailangan ba natin na maghanda nang kakainin nila habang umiinom?" ang tanong niya kay Meanne na nanatili pa ring nakangiti sa kaniya.

Mukhang maganda yata ang gising nito at nakuha na nitong ngitian siya? Ang tanong niya sa sarili.

Umiling ang ulo ni Meanne at tumayo itong nakaharap sa kaniya habang ang mga kamay nito ay magkadaop sa harapan nito.

"Uhm...hindi po," ang sagot nito sa kaniya, "gusto ko po sana na...imbitahan kayo na uminom din," ang dugtong nito.

"Umiinom ba kayo ng alak?" ang tanong nito sa kaniya na bahagya pang tumaas ang mga kilay nito sa kaniya.

"Uh, oo naman," ang kaniyang sagot at isinandal niya ang likod ng kaniyang balakang sa gilid ng countertop.

Tumango ang ulo ni Meanne at napansin niyang mas lumapad ang ngiti nito sa labi.

"Kung ganun, puwedeng imbitahan ka namin na uminom?" ang tanong ni Meanne sa kaniya na sa pagkakataon na iyun ay dalawang mga kilay nito ang nakataas sa kaniya at nagtatanong.

"Uhm sino ang kasama?" ang kaniyang tanong kay Meanne. Nagulat man siya sa pag-imbita nito sa kaniya at talaga namang ikinagulat niya ang pagkausap pa lang nito sa kaniya nang walang halong kagaspangan. Ang simpleng pagngiti pa nga lang nito sa kaniya ay labis na niyang ikinagulat.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon