Chapter 47

1.7K 81 16
                                    

Kagat-labi at tahimik na pumasok si Meanne sa loob ng silid. At hindi na ito nag-aksaya pa ng sandali. Importante sa kaniya ang bawat minuto. Hindi niya hahayaan na amsayang ang ibinigay sa kaniya na pagkakataon nang sandlai na iyun.

Nakapaglinis na siya noon sa loob ng opisina noong nabubuhay pa ang matandang San Miguel na si lolo Juanito. Pero laging nasa loob ito sa tuwing naglilinis si Meanne at hindi siya naiiwan na mag-isa. Ngunit nang mamatay na ito at si Carlos na ang gumagamit ng opisina ay hindi na siya nakapasok pang muli sa loob para maglinis.

Gayunpaman ay alam niya ang pagkakaayos ng mga gamit sa loob ng opisina kaya naman ang una niyang tinunton ay ang kaha de yero na nasa tabi ng malaking painting ng mga kabayo.

Napag-isipan na ni Meanne kung ano ang kaniyang hahanapin. Madalas na nangyayari iyun sa mga pelikula sa telebisyon o kuwento sa libro. Na ipinagkakasundo sa isang kasal ang mga anak para sa kayamanan.

Baka naman ipinagkasundo ng lolo ni Christiane ang apo sa isang kasal ay para mas lalo pang yumaman si Christiane. Sigurado na lahat ng kayamanan ng San Miguel ay napunta kay Carlos nang mamatay si lolo Juanito. At iyun ang kaniyang hahanapin. Baka naman may sikreto ang kasulatan?

Nilapitan ni Meanne ang kaha at tiningnan niya ang bilog na dial na may mga numero.

Paano ko ito mabubuksan? Hindi ko alam ang password? Ang tanong ng kaniyang isipan. Mukhang balewala masasayang ang pagkakaton na iyun sa kaniya at hindi niya mabubuksan ang kaha. Sigurado na kung may mga importanteng bagay at mga papeles ay sa kaha de yero itinatago ang mga iyun.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Meanne habang nakasimangot ang mukha nitong nakatingin sa may dial ng kaha. At isang inis na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at kahit alam niyang hindi niya mabubuksan ay hinawakan niya ang handle lock at pinihit niya iyun.

At nanlaki ang kaniyang mga mata nang bumigay ang lock at bumukas ang maliit na pinto ng kaha.

Naiwan na hindi naka-lock? Ang hindi niya makapaniwalang tanong sa sarili. Kung susuwertihin nga naman talaga!

At sa labis na pananabik ay hinila niya ang pinto ng kaha para tuluyan na nitong buksan ang maliit na taguan. At nanlaki ang kaniyang mga mata at bumuka ang kaniyang mga labi nang makita niya ang loob ng kaha. Wala iyung laman.

At ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi ay agad na nabura at napalitan ng pagngiwi. Kasunod nang pagbagsak ng mga balikat nito.

Walang laman? Nasaan ang laman?! Ang sigaw ng isipan nito. Isinara niyang muli ang pinto para muli niyang buksan. Tila ba kapag binuksan niya iyung muli ay lilitaw ang mga laman ng kaha. Ngunit nakailang ulit nang sara-bukas si Meanne ay wala ni alikabok na laman ang kaha.

"Ugh," ang inis niyang sambit at saka niya isinarang muli ang kaha. Napabuntong-hininga si Meanne at naghalukipkip ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib habang nakatingin siya sa kaha na nasa kaniyang harapan.

Saan pa kaya puwedeng ilagay ang isang importanteng bagay? Ang tanong nito sa sarili. At muli siyang nagbuntong-hininga. O baka naman walang itinatago kaya wala siyang mahahanap?

"Ugh, bwisit!" ang kaniyang bulong. At saka pumihit ang kaniyang katawan para magpalinga-linga sa loob ng silid. Tiningnan niya ang oras, ayaw niyang magtagal sa loob ng sildi na iyun at baka mahuli siya.

Nang maisipan niya na baka sa likod ng mga nakasabit na litrato nakatago ang isnag lihim na taguan. Kaya naman muli siyang kumilos para isa-isang lapitan ang mga nakasabit na naglalakihang painting at maingat niyang sinilip ang likod ng mga ito. Umaasa siya na mayroon siyang makikitang isang lihim na taguan sa likod nang isa sa mga ito.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon