Chapter 18

2.1K 101 22
                                    

Nakaramdam ng kaba si Christiane habang nakatayo siya sa may likuran na bahagi ng bahay kung saan nakahanda na ang mahahabang mga lamesa na may mahahabang upuan na gawa sa kahoy. Maayos na ring nakalatag ang mahabang lamesa na nagsilbing buffet table kung saan nakahanda ang mga plato, baso, at kubyertos at ganun na rin ang mga tray nang mainit na ulam at kanin. Ilalatag nila ang mga iyun sa bawat lamesa pagkarating ng mga kakain na trabahador.

Magdadatingan na kasi ang mga trabahador sa rancho at dahil sa gusto niyang tumulong ay lumabas siya at naghintay kahit pa mukhang hindi gusto ng mag-ina ang presensiya niya nang sandali na iyun.

Ang kaba na nasa kaniyang dibdib ay dahil sa unang pagkakataon ay makikita siya ng mga tauhan sa rancho. Hindi niya alam kung ipakikilala ba siya ni Carlos bilang asawa niya o mananatili lang siyang isang babae na may pangalan na naninirahan sa bahay nito at itatago nito ang kaniyang tunay na katayuan sa buhay nito.

Kailangan ba niyang umasa? Kailangan ba niyang igiit kay Carlos na ipakilala siya bilang asawa nito? ang tanong ng kaniyang isipan.

Ngunit hindi na niya nasagot pa ang kaniyang katanungan dahil may kumuha na nang kaniyang atensiyon at iyun ay ang mga boses na nanggagaling sa harapan ng bahay patungo sa bandang likuran kung saan naroon nakahanda ang pananghalian.

At ilang sandali pa ay isa-isa na niyang nakita ang mga lalaking nagtatrabaho sa rancho. Malakas ang mga boses ng mga itong nag-uusap habang papalapit sa lamesa ngunit bahagyang huminto ang pag-uusap nang mapansin na siya nang mga itong nakatayo sa may likod ng buffet table at sa kaniyang tabi ay si Meanne na nagpalit nang damit nito para sa pananghalian, na hindi na niya nagawa pa dahil sa kaniyang paghahanda ng kaniyang sariling inihanda para sa pananghalian na iyun.

Muli lang niyang ipinusod ang kaniyang buhok sa likod ng kaniyang ulo para naman magmukha siyang malinis habang naghahanda siya ng pagkain.

"O? bakit nakamalag kayo riyan?" ang tanong ni Carlos sa mga kasamahan nang sandaling tumahimik ang mga ito at napansin niya ang pag-aalangan ng mga ito na lumapit sa lamesa. Isang malapad na ngiti ang nakakurba sa mga labi ni Carlos habang naglalakad ito papalapit sa mesa at sa kaniyang tabi.

"May artista pala na bisita ang rancho?" ang tanong ng isa sa mga ito at napasulyap ito sa kaniya bago nito itinuon na muli ang atensiyon kay Carlos na malapad pa rin ang pagkakangiti sa mga labi nito.

"Ay walang artista dito sa bahay, mukhang artista lang talaga pero siya ang misis ko na si Christiane Montepiedad San Miguel," ang pagpapakilala ni Carlos sa kaniya sa mga kasamahan nitong mga lalaki. Kitang-kita ang pagkabigla sa mukha ng mga ito at mapapansin din na nagpalitan ng mga tingin ang mga ito na may pagtataka.

Ngunit kung sila ay nagulat siya rin naman ay ganun din ang naging reaksiyon. Hindi niya inaasahan na ipakikilala siya nito bilang asawa sa mga taong kasama nito sa pang araw-araw na buhay sa loob ng rancho. At hindi niya maitatanggi na nakaramdam siya ng kasiyahan sa kaniyang dibdib.

"Good afternoon po," ang nahihiya niyang bati sa mga ito. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng hiya dahil sa hindi talaga inaasahan ng mga ito ang kaniyang relasyon kay Carlos.

"Asawa?" ang narinig niyang sambit ng mga ito na may halong pagtataka sa mga boses nito.

"Mahabang usapan na kailangan na nating ipagpaliban dahil sa gutom na ako at gusto ko nang kumain," ang sagot ni Carlos sa tanong nang isa sa mga ito na ikinatuwa na rin ni Christiane. Mas gusto niya na wala nang makaalam pa ng dahilan kung bakit ikinasal sila ni Carlos.

Hindi na nagsalita pa ang mga ito dahil sa tinalikuran na ni Carlos ang mga ito para humarap sa kaniya at sa buffet table. At agad na nagtama ang kanilang mga mata at awtomatikong nagpalitan sila ng mga ngiti ni Carlos.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon