Tiningnan ni Carlos ang kabayong dala ng isa niyang kakilalang trader at nagbi-breed din ng mga kabayo at nagmamay-ari ng isang rancho sa isang malapit na probinsiya.
Bilang isang ranchero ay interisado siya na makita ang mga breed ng kabayong inalagaan nito. Pagkatapos niyang makita ang dala nitong mga kabayong ibebenta ay nagpaalam na siya sa kausap at naglakad na siya pabalik kung saan sila nakapuwesto kanina.
Malaki-laki na rin ang halagang kinita nila at nabawi na rin niya ang kaniyang naipuhunan. At ang pinakaimportante ay may mapaghahatiang pera ang mga trabahador sa rancho. Kailangan na lang nilang maibenta ang natitira pang mga baka at dalawang batang kabayo. Pero sigurado naman siya na hindi magtatagal ay maibebenta na nila ang lahat ng kanilang dinala sa livestock market bago pa magtanghali.
Mukhang makakabawi na rin sila mula sa pagkalugi noong tinamaan ang Villacenco ng malakas na bagyo at isa rin ang kaniyang rancho sa nasalanta.
Naglalakad na siya pabalik nang makita niya ang isang lalaking nakatayo sa harapan ni Christiane. Hindi man niya marinig nag usapan ngunit napansin naman niya agad na nagsasalita ito. Ngunit, mas nakuha ang kaniyang atensiyon ng reaksiyon sa mukha ni Christiane. Mahahalata na naaalibadbaran ito sa kausap. Mababasa sa mukha ni Christiane na hindi nito gusto ang lalaking kaharap.
At doon na niya nakitang nagsalita si Christiane at akmang aalis na ito para iwasan ang lalaking kaharap nang hawakan ng lalaki ang pulsuhan ni Christiane para pigilan ito na umalis. At alam niyang magtatanghali na sa oras na iyun at alam niyang mainit at maliwanag ang araw. Ngunit ang kaniyang paligid ay agad na nabalutan ng dilim nang dahil sa kaniyang nakita.
Naging malalaki ang kaniyang mga paghakabang habang nanlalaki ang mga butas ng kaniyang ilong sa labis na galit habang naniningkit ang kaniyang mga mata. At dahil nakapako ang kaniyang mga mata sa dalawa ay nakita niyang natigila si Christiane habang pumipiglas ang braso nito nang makita siyang galit na lumalapit.
Hindi pa man siya nakakalapit ay nakita na niya si mang Fernan na lumapit at hinawakan sa dibdib para marahan itong ilayo kay Christiane. Nakita naman niyang binitiwan na ng lalaki ang pulsuhan ni Christiane pero nanatili pa rin itong nakikipag-usap habang nakatayo si Christiane na nakatingin sa kaniya at nabasa niya ang takot sa mukha nito.
At nang makalapit na siya ay binawi na niya ang kaniyang mga mata kay Christiane at itinuon na niya sa lalakign kahit pa binitiwan na nito ang bisig ni Christiane ay nanggagalaiti at umuusuok pa rin siya sa galit.
"Carlos," ang sambit ni Christiane at lalapitan sana siya nito para pigilan siya pero mas nauna niyang hawakan sa batok ang lalaki at saka niya iyun pinisil. At mula sa batok ay hinila niya ito papalayo kina Christiane at mang Fernan at gamit ang kinuyom niyang palad ay ibinati niya iyun sa panga ng lalaking malakas ang loob na hawakan sa bisig si Christiane.
"Carlos!" ang narinig niyang sigaw ni Christiane nang kaniyang pangalan at naramdaman niya sa kaniyang kamao ang buto ng panga ng lalaki na dahil sa hindi nito inaasahan ang kaniyang pagsuntok ay napaatras ang mga paa nito at napaupo ito sa lupa na puno na ng dumi at ihi ng mga baka.
"G-ago ka! Tarantado ka binastos mo asawa ko!" ang kaniya pa ring sigaw sa lalaking nakasalampak sa maduming lupa. At hindi na kamao ang kaniyang ginamit kundi ang kaniyang pang nakapaloob sa balat na cowboyboots na kumunekta sa binti nito at isang hiyaw ang pinakawalan ng bibig nito.
"Stop Carlos," ang narinig niyang boses ni Christiane at naramdaman na lang niya ang mga bisig nitong mahigpit na nakaikot sa kaniyang bewang. At nang yumuko siya ay nakita niya si Christiane na nasa kaniyang harapan habang mahigpit siyang niyayakap nito.
"Lumayo ka rito sinasabi ko sa iyo hindi lang iyan ang makukuha mo sa akin, g*go ka!" ang kaniya pang sigaw rito at itinuro pa niya ang kaniyang kanan na hintuturo bilang babala rito. Habang ang isa naman niyang kamay ay nakaikot sa likuran ni Christiane habang magkadikit ang kanilang harapang bahagi ng kanilang mga katawan.
BINABASA MO ANG
CARLOS SAN Miguel (complete)
Любовные романыDugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya n...