Chapter 48

1.7K 92 29
                                    

Nanlamig ang buong katawan ni Carlos habang nakatayo siya sa harapan ni Christiane na singlamig ng yelo ang mga abo nitong mga mata na nakatitig sa kaniya at hinahamon siyang sagutin niya ang itinanong nito.

"Christiane, mahal,"-

"Sagutin mo ang tanong ko? Huh? Walang lihiman hindi ba? Pero ano ang nalaman ko?" ang sumbat nito sa kaniya at napansin niya ang paninigas ng leeg nito sa bawat pagbanggit nito ng bawat salita nang dahil sa labis na galit.

"And please stop calling me mahal, kung hindi malinaw kung alin ba ang minamahal mo."

"Bakit mo naman naitanong iyan sa akin? At saka...alam mong ikaw ang mahal ko." Ang giit niya.

"Hindi mo mahal ang rancho?" ang hamon nitong tanong sa kaniya at naghalukipkip pa ang mga braso nito sa sarili nitong dibdib.

"Mahal ko ang rancho,"-

"See."

"Pero mas mahal kita!" ang malakas niyang sambit. Ngunit umiling ang ulo ni Christiane na tila ba hindi ito naniniwala sa sinabi niya.

"Hindi ko alam kung kaya kong paniwalaan ang sinabi mo, tinanong kita nang paulit-ulit kung may inililihim ka sa akin," ang sumbat ni Christiane sa kaniya at napansin niya ang pangingilid ng luha sa mga mata nito ngunit hindi dahil sa lungkot kundi nang dahil sa galit.

"Alam natin na...mas una mong minahal ang rancho kaysa sa akin," ang mahina ngunit may riin pang sambit nito sa kaniya at doon na niya nabakas ang sakit sa boses nito.

"Saan ba...nanggagaling ito Christiane?" ang kaniyang tanong. Hindi niya alam kung sino ang nakapagbigay kay Christiane nang ideya na iyun lalo pa at walang sinuman ang nakakaalam nang tungkol sa bagay na iyun kundi siya at ang kanilang mga lolo. Wala nang iba.

At bilang kasagutan sa kaniya ay hindi muna ito nagsalita. Bagkus ang ginawa nito ay ang maglakad palapit sa lamesa na ginamit na nitong office table sa kanilang silid. At doon niya napansin ang mga bulaklak na kulay pulang rosas. At sa tabi nito ay may dinampot si Christiane at saka itinaas ni Christiane ang kulay brown na envelope na pamilyar na pamilyar sa kaniya.

"Paano mo nakuha iyan?" ang bigla niyang tanong. Hindi siya makapaniwala na pinasok ni Christiane ang opisina para lang magmanman at mag-imbestiga.

"Huh, nabuko ka ba?" ang sarkastikong tanong ni Christiane sa kaniya.

"Well to answer your question ay ipinadala sa akin iyan ni Daniel,"-

"Daniel paano?"

"Hindi ko alam at hindi na importante iyun!" ang sigaw ni Christiane sa kaniya habang iwinawasiwas nito ang hawak na envelope na naglalaman nang isa lamang sa mga inililihim niya.

"It doesn't matter! Ang importante ay ang laman nito, ito! nandito ang dahilan kung bakit mo lang ako pinakasalan! Nandito ang kasinungalingan mo!" ang sumbat ni Christiane sa kaniya.

Umiling ang kaniyang ulo at habang hawak niya ang bungkos ng mga bulaklak na binili niya para rito ay humakbang siya papalapit. Ngunit umiling ang ulo ni Christiane at humakbang ito paatras para iwasan siya. At natigilan siya nang makit niya ang pagkamuhi sa mga mata ni Christiane at ang pagtaboy nito sa kaniya. at nakaramdam ng kirot ang kaniyang puso lalo pa at napaka-pamilyar niyun sa kaniya.

"Kaya pala, biglaan ang pagpunta ninto sa US, noong una, ang akala ko kaya biglaan ang pagpunta ninyo at ang ating pagpapakasal ay dahil sa...mahal mo rin ako, pero nalaman ko na lang lolo was terminally ill at bilang na lang ang mga araw nang buhay nito, I thought that was his reason kung bakit ipinakasal niya ako sa iyo, and for me it doesn't matter as along as asawa na kita, pero...iniwan mo akong nag-iisa at nagdurusa...nalilito kung bakit hindi mo tinupad ang ipinangako mo sa akin, iyun pala iba ang dahilan mo kung bakit mo ako pinakasalan," ang sumbat ni Christiane sa kaniya.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon