Napuno ang paligid ng malakas na tawanan at kuwentuhan at ang simoy ng hangin na may kalamigan ay nahaluan ng masarap na amoy ng inihaw na nakasalang. Sinamahan pa ng inihaw na mais at malamig na beer at nairaos ang roundup sa gabing iyun.
Tinungga ni Carlos ang natitirang laman ng bote ng beer. Habang kalahati lamang ng kaniyang atensiyon ang kaniyang ibinibigay sa mga kasamahan nang sandali na iyun. Ang diwa niya kasi ay nalipad sa kung saan.
Nakauwi na kaya si Christiane? Ang tanong ng kaniyang isipan. Hindi naman niya kailangan na mag-alala hindi ba? Ang sabi naman kasi ni Christiane sa kaniya ay sa bahay nina manang Emma mag-iinuman ang mga ito. Kung sinabi ni Meanne na ang mga kasama nila ay ang mga anak din ng trabahador sa rancho ay alam naman niya na hindi ito mapapahamak. Sigurado naman siya na hindi na pupunta sa kung saan ang mga iyun lalo pa at hindi niya ito pinayagan, ang sabi ni Carlos sa sarili.
Pero bakit parang hinahalukay ang sikmura niya nang sandali na iyun? at hindi iyun dahil sa alak. Para bang ayaw niyang magtiwala na hindi pupunta sa kung saan itong sina Christiane? Ang sabi pa ng kaniyang isipan habang kinukutuban siya. Naalala pa niya ang pakikipagtalo ni Christiane sa kaniya at ipinakita nito sa kaniya na mayroon itong katigasan ng ulo.
Masisisi niya ba ito? eh kung siya mismo ang dahilan kung bakit nagmamatigas si Christiane? Kung bakit nito nagawa ang mga bagay na iyun habang naninirahan sa ibang bansa?
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan habang nakasandal ang kaniyang likod sa silya at nakabuka ang kaniyang mga hita habang pasalampak siyang nakaupo. At sa kaniyang mga kamay ay ang bote ng beer na wala ng laman na kaniya ring tinitingnan.
"Sir Carlos! mukhang ang layo rito nang isipan mo ah?" ang narinig niyang sabi sa kaniya.
Umangat ang kaniyang mga mata at sinalubong niya ang mga mata ng kasama na nakatuon sa kaniya at sa mga labi ng mga ito ay malalapad ang mga ngiti.
"Mukhang ang isip ay nasa bahay,"-
"Malamang nasa kuwarto!"
"Ha ha ha!" ang pambubuska sa kaniya ng mga ito. Napailing na lang ang kaniyang ulo na may kasamang malapad na ngiti.
"Napagod lang," ang kaniyang sagot at inabot niya ang lamesa sa kaniyang harapan para ilapag ang boteng wala nang laman.
"Naks, sa loob ng maraming taon na nag-roundup tayo ay ngayon ka lang narininggan na napagod ka," ang pabirong sagot sa kaniya.
"Paano hindi mapapagod, alam na," ang buska pa ng isa at namayani na naman ang malakas na tawanan at siya ang pinulutan ng mga ito.
"Kung sinu-sinong babae ang pinagbuhusan mo ng oras mo, yun pala may asawa ka na, loko ka talaga, ni hindi man lang namin nalaman na ikinasal ka na pala eh di sana, nagdiwang man lang tayo rito sa rancho," ang sabi pa sa kaniya.
"Mabuti hindi ka hiniwalayan ni ma'am Christiane?" ang narinig niyang tanong at isang matipid na ngiti at pag-iling lang ang kaniyang isinagot. Hindi naman niya maaamin sa mga ito na kaya nagpunta si Christiane sa rancho ay para makipaghiwalay sa kaniya.
"Montepiedad?" ang narinig niyang sambit ng isa sa mga nagtatrabaho sa rancho na may edad na. Si mang Fernan na sa rancho na tumanda at naabutan pa nito ang kaniyang lolo Juanito noong kabataan pa rin nito.
"Iyun ang apelyido ni ma'am Christiane hindi ba'ga?" ang dugtong na tanong nito sa kaniya.
"Uhm, opo," ang kaniyang matipid na sagot at kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba.
"Eh, kaanu-ano niya si Don Pacifico Montepiedad?" ang usisa nito sa kaniya.
"Uhm, apo po siya ni Don Pacifico," ang kaniyang pag-amin. At nakita niya ang panlalaki ng mga mata ng matandang trabahador ng rancho San Miguel.
BINABASA MO ANG
CARLOS SAN Miguel (complete)
RomanceDugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya n...