Chapter 10

2.4K 105 29
                                    


Hindi na naman siya nakatulog nang maayos. Kahit pa umaasa siya na pagbibigyan na siya ng gabi na makapahinga at makabawi sa mga gabing hindi siya nakatulog. Ngunit bumalik siya sa kaniyang silid kagabi at nahiga sa kaniyang kama na nakadilat ang kaniyang mga mata hanggang sa makita niya ang oras para siya ay bumangon at maghanda sa kaniyang gawain para sa araw na iyun.

At dahil iyun sa muling ginulo ni Christiane ang kaniyang isipan. Hindi niya inaasahan ang kaniyang ginawa kagabi ngunit namayani sa kaniya ang kaniyang kahilingan na muling malasapa ang sarap ng mga labi ni Christiane sa kaniyang mga labi. At naalala niya kung paanong sinagot ni Christiane ang kaniyang mga labi. Kung paanong parang ahas na naglingkis ang kanilang mga dila at tinikman ang isa't isa. At sa tuwing naaalala niya iyun ay parang inaapuyan ang kaniyang dugo. Ngunit ang tanging parang tubig na pumapatay sa init ay ang pagpapaalala sa kaniya ni Christiane na napilitan lang sila o siya na magpakasal dito.

Ngunit kailangan niyang gumawa ng paraan para magtagal pa si Christiane sa bahay. Kailangan niyang gawin ang kaniyang obligasyon bilang asawa nito dahil na rin sa iniwan iyun na obligasyon sa kaniya ni Don Pacifico at ng kaniyang lolo Juanito. Kailangan na maging maayos ang pamamalagi ni Christiane sa kanilang bahay hanggang sa dumating ang pagkakataon na kailangan na nilang palayain ang isa't isa.

At dahil maaga siyang umalis ng bahay at nagbalik na lamang siya para katukin sa silid nito si Christiane at sabayan ito sa mesa para mag-almusal.

Malakas niyang nilinaw ang kaniyang lalamunan at pinagmasdan niya si Christiane na nakaupo sa kaniyang harapan sa kabilang bahagi ng lamesa. Kumakain sila ng almusal na inihanda para sa aknila ni manang Emma at Meanne na sandaling umalis sa kusina para bigyan sila ng privacy sa kanilang agahan habang abala naman ang mga ito sa iba pang gawain.

"Uhm magiging busy pala ang buong rancho nitong mga darating na araw, hindi kita masyadong maaasikaso dito sa bahay," ang sabi ni Carlos kay Christiane.

Sandaling tumingin sa kaniya si Christiane at napansin niyang namula ang mga pisngi nito. Mukhang naalala rin nito kung anong nangyari kagabi, at kung ano na ang muntik na mangyari kung hindi lang siya nito itinulak at pinaalala ang tungkol sa pilit na kasal nilang dalawa.

"Hindi mo naman ako kailangan na asikasuhin," ang sagot nito sa kaniya saka nito binawi ang mga mata para muling tingnan ang platong nasa harapan nito.

"Alam ko, pero madalas akong nasa labas, pero kung may kailangan ka, sabihin mo sa akin para,"-

"Hindi naman na kailangan Carlos, ilang taon akong namuhay na mag-isa," ang putol nito sa kaniya, "kaya kong asikasuhin ang sarili ko."

Sandaling huminto ang kaniyang mga kamay na may hawak ng kutsara at tinidor at tiningnan niya si Christiane na tila ba wala itong interest sa itlog at tapa na tanging laman ng plato nito.

"Hindi na ngayon," ang kaniyang sagot at doon ay huminto rin ang kamay ni Christiane na may hawak nang tinidor sa paglalaro nito ng pagkain sa plato nito. At unti-unting umangat ang mukha nito para salubungin ang kaniyang mga mata.

"Tulad ng sinabi ko sa iyo Christiane, na...babawi ako sa mga pagkakamali at pagkukulang ko, hayaan mo akong makabawi, hayaan mong gampanan ko ang mga panahon na wala ako sa tabi mo bilang asawa," ang kaniyang sambit.

Umiling ang ulo ni Christiane, "I don't know, it is going to be hard for me to trust you," ang sagot nito sa kaniya. Tumangu-tango siya bago siya sumagot.

"Naintindihan ko at hindi kita masisisi, pero katulad ng sinabi ko, kailangan ko lang ng ilang panahon para makabawi sa iyo para man lamang matupad ko ang obligasyon ko sa iyo," ang sagot niya.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon