Chapter 2

2.6K 111 36
                                    

Inilagay ni Carlos ang huling damit ng kaniyang lolo Juanito sa loob ng isang kahon. Malakas pa noon ang kaniyang lolo ay nagbilin na siya kung paano ang gagawin sa kaniyang libing at ang gagawin sa kaniyang mga gamit.

Gusto nitong mai-cremate pagkatapos lamang ng isang gabi at isang araw na burol at pagkatapos ay inilibing ang urn na naglalaman ng abo nito museleo ng pamilya San Miguel sa lumang sementeryo ng Villacenco. Ang mga gamit naman nito ay ipapamigay na lahat at idodonate rin sa charity o sa bahay kalinga nang mga matatanda. Ang ibang mga importanteng bagay naman na pag-aari nito ay iniwan nitong lahat sa kaniya bilang tagapagmana nito.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at kaniyang isinara ang takip ng huling kahon na naglalaman nang mga gamit ng kaniyang lolo. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang iwan siya ng kaniyang lolo at nang mailibing nila ito.

Laking pasalamat na lang niya dahil nasa kaniyang tabi ang kaniyang mga kaibigan na hindi siya iniwan mula noong gabing nilisan siya ni lolo Juanito hanggang sa sandaling iyun.

Masakit pa rin sa kaniya ang paglisan ni lolo Juanito. Ito ang kaniyang naging ama at lolo at kaniyang guro sa pamamahala ng rancho. Hindi ito nagkulang sa kaniya sa pagbibigay ng kaniyang mga pangangailangan kahit pa mga mga material na bagay at lalo na ang pagtulak nito sa kaniya na makapagtapos ng pag-aaral.

Sa kanilang magkakaibigan siya lang ang nagtapos ng kolehiyo dahil na rin sa pag-engganiyo sa kaniya ng kaniyang lolo kahit pa ang tanging gusto niyang gawin ay ang literal na magbanat ng buto at laman sa trabaho sa rancho. Pero, hindi niya maitatanggi na nagamit din naman niya ang kaniyang pag-aaral sa agrikultura at animal industry.

Pumihit ang kaniyang katawan at hinarap niya ang built-in closet na malinis at wala nang ni isang damit na naiwan. Umikot ang kaniyang katawan at pinasadahan niya ng tingin ang hungkag na silid na noon ay puno ng buhay dahil sa kaniyang lolo Juanito na sadyang masayahin na tao. Walang araw o sandali na makikita itong malungkot at palagi itong nagbibiro at humahalakhak. At hindi lamang ang silid nito ang puno ng buhay kundi ang buong kabahayan.

Ngunit sa sandaling iyun ay nakabibingi ang katahimikan. Kaya naman napakalakas sa kaniyang pandinig ang marahan na katok na mula sa labas ng pintuan.

"Tuloy," ang kaniyang sambit. At walang isang segundo pa ay bumukas ang pinto at humakbang papasok si Meanne.

"Sir Carlos? May kailangan pa po kayo?" ang tanong nito sa kaniya na makapasok na ito at makalapit sa kaniya.

Tumango siya ng mabilis, "uhm, pakilinis na lang ulit dito, yung kurtina pakiaalis na rin hayaan na nating makapasok nang husto ang liwanag mula sa labas, alam kong gusto niya iyun," ang kaniyang bilin kay Meanne na mabilis na tumango at matipid na ngumiti.

"Ang mga libro po? Ano pong gagawin?" ang tanong ni Meanne sa kaniya at sinundan niya ng tingin ang mga mata ni Meanna at napadpad iyun sa bookshelf na nasa loob ng silid nito. May bookshelf din sa may second floor landing na puno rin ng mga libro.

"Hayaan niyo lang ang mga libro, itatabi ko ang mga iyan, iyan ang ilan sa paborito niyang bagay at gawin ang magbasa," ang kaniyang sagot at naalala niya ang kaniyang lolo Juanito na kayang tapusin sa isang upuan lamang ang isang makapal na libro sa buong araw.

"Opo sir Carlos," ang sagot ni Meanne sa kaniya na may matipid na ngiti sa labi nito.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at pinilit niyang sagutin ang ngiti nito pero masakit sa kaniyang pisngi ang pagbanat ng kaniyang mga labi. Kaya naman tikom at matipid na ngiti na lamang ang iginawad niya kay Meanne.

"Sige mauna na ako," ang kaniyang sambit at dinampot niya ang isa sa mga kahong nakalatag sa ibabaw ng kama na isa sa mga naiwan pang muebles sa loob ng silid kasama ng bookshelf at ang paborito nitong upuan.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon