Walang sikreto, ang sabi ng isipan ni Carlos habang pinagmamasdan niya si Christiane na mahimbing na natutulog sa kama sa kaniyang tabi.
Maaga man siyang gumising para sa araw na iyun ay hindi niya nagawang lumabas ng silid. Mula pa kahapon ay hindi na nawala ang bigat sa kaniyang dibdib na matagal na niyang kinikimkim at matagal nang binubuhat ng kaniyang mga balikat.
Kaya naman sa halip na lumabas at simulan ang kaniyang trabaho sa rancho ay nanatili lamang siyang nakahiga sa kama habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa kisame sa itaas at ang kaniyang mga paa ay hindi niya maihakbang dahil bumigat na ang kaniyang mga binti. At nanatili siya sa ganun na posisyon hanggang sa sikatan na siya ng araw.
"Ugh," ang kaniyang inis na sambit at saka niya itinulak ang kaniyang sarili mula sa kaniyang pagkakahiga at saka niya ibinaba ang kaniyang mga paa sa sahig habang nakaupo siya sa gilid ng kama.
Ipinatong niya ang kaniyang mga siko sa magkabila niyang mga hita at saka niya inis na pinasadahan ng suklay ng kaniyang mga daliri ang kaniyang buhok at mahigpit pa niyang sinabunutan ang sarili niyang buhok sa labis na pagkabalisa ng kaniyang isipan.
Bakit ba lagi na lang may kaakibat na sagabal ang kasiyahan niya sa buhay? Ang mga importanteng bahagi ng kaniyang buhay ay lagi na lang nahahati sa kasiyahan at kagipitan? Bakit hindi na lang diretsong kasiyahan na lang ang mayroon siya sa buhay? Talaga bang isinilang siya na kaakibat ang paghihirap? Ang itakwil ng mga taong minamahal? Ang manatili na mag-isa?
Pero nag-iisa ba siya" ang kaniyang habol na tanong sa sarili at nilingon niya si Christiane na nasa kaniyang likuran at napansin niya na bahagyang nag-iba ito ng puwesto at para na itong isang fetus na nakahiga sa kama.
Hindi na mangyayari iyun hindi ba? Dahil narito na si Christiane...si Christiane na minamahal siya? Hindi sila maaaring maghiwalay. Baka iyun na ang pang-iiwan na hindi niya kakayanin sa kaniyang buhay. Matagal niyang nilabanan at kinalimutan ang nararamdaman niya para kay Christiane ngunit ngayon ay binigyan na siya ng tadhana ng pagkakataon na malayang ipadama at ipakita ang kaniyang tunay na pagmamahal para kay Christiane.
Iniwas niyang muli ang kaniyang mga mata kay Christiane at muli niya itong tinalikuran habang nanatili pa rin itong natutulog nang mahimbing. At muling nagusot ang kaniyang mukha nang dahil sa pait. Nang muling manumbalik ang gumugulo sa kaniyang puso at isipan.
Pero...paano kung malaman nito ang totoo tungkol sa kaniya? Baka...baka nga...iyun ang maging dahilan para iwan siya nito? Baka iyun nga ang maging dahilan para pagdudahan na nito ang kaniyang pagmamahal at ang kaniyang pagkatao? Hanggang sa tuluyan na siya nitong iwan?
At napasabunot ang kaniyang mga kamay sa kaniyang buhok at isang malakas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. At ipinatong niya ang kaniyang baba sa magkadaop niyang mga palad habang nakapatong ang kaniyang mga siko sa ibabaw ng kaniyang mga tuhod.
At saka naagaw ang kaniyang mga mata ng librong nakapatong sa ibabaw ng lamesa na kasama ng mga gamit ni Christiane. At muling umalingawngaw ang mga salitang binanggit ni Christiane kahapon nang basahin nito ang mga salitang nakatala sa unang pahina ng libro.
Sikreto, ang sabi ng kaniyang isipan habang nakatingin ang kaniyang mga mata sa nakalatag na libro sa may mesa. Wala naman na siyang iba pang malalaman sa librong iyun hindi ba? Ang tanong niya sa sarili.
"Baka masaktan siya," ang kaniyang bulong.
"Sinong masasaktan?" ang biglang narinig niya mula sa kaniyang likuran at mabilis na pumihit ang kaniyang katawan patalikod para tingnan si Christiane na kanina ay natutulog ngunit mulat na ang mga kulay abo nitong mga mata na namumungay pa rin sa antok.
BINABASA MO ANG
CARLOS SAN Miguel (complete)
RomansaDugo at pawis ang ipinuhunan ni Carlos San Miguel sa kanilang rancho. Ang Rancho San Miguel. Tinalikuran at niyakap niya ang lahat para lamang sa rancho na kaniyang naging buhay. Napakalaking responsebilidad ang iniwan sa kaniyang mga balikat kaya n...