Chapter 5

2.4K 110 31
                                    


"Heto ang kuwarto mo, kapag ikaw may binabalak na masama dito, si sir Carlos na ang bahala sa iyo," ang sabi sa kaniya nang babaeng halos kasing edad lang niya.

"Huwag ang mag-alala wala naman akong balak na magtagal dito," ang kaniyang sagot at isang pilit na matamis na ngiti ang iginawad niya sa babaeng parang tigre sa kaniya.

"Wala na kaming isi-serve na pagkain naitabi na ang lahat,"-

"Hindi na kailangan, hindi naman ako gutom, you may leave me now, kung wala ka nang sasabihin," ang mataray din niyang sagot dito. At napansin niya ang paglaki ng mga butas ng ilong nito senyales na nagpipigil ito ng galit sa kaniya. at mabilis na pumihit ang katawan nito para talikuran siya at halata sa mabibigat na mga paghakbang nito ang inis sa kaniya.

"Ugh," ang kaniyang sambit at saka niya isinara ang pinto ng silid. Tumayo siya sandali sa likod nang nakapinid na pinto at saka niya pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid. It looks like an ordinary guest room, nothing fancy, all white and beige and she loves it.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at inalis niya ang suot niyang Chucks and she let out a sigh of relief nang lumapat na ang kaniyang mga paa sa malamig na sahig.

"Uh," ang kaniyang sambit at napapikit ang talukap ng kaniyang mga mata at makaramdam ng kaginahawaan ang kaniyang mga paa mula sa matagal na pagkakapaloob sa loob ng sapatos.

At nang makaramdam na siya nang paunang kaginhawaan ay humakbang na siya papasok sa loob at palapit sa kama. Inilapag niya roon ang overnight bag na kaniyang dala para sa madalian lamang na stay niya sa Pinas.

After this...malaya na siya, ang sabi niya sa sarili. Habang binubuksan niya ang kaniyang bag at inilalabas niya ang pamalit niyang damit at towel at ang kaniyang maliit na toiletry bag.

Sandali siyang napahinto sa kaniyang ginagawa nang maalala niya ang nangyari kanina sa bar. Hindi lamang ang kaguluhan kundi ang nangyari pagkatapos niyun sa likod ng establishment. And unconsciously her finger touched her lips and the memory of his firm limps will be forever stamped into her lips and in her heart.

"Shit," ang inis niyang sambit at binawi niya ang kaniyang daliri na nakalapat sa kaniyang labi, "hindi ka nagpunta rito sa Pinas, para lumandi sa asawa mong kinalimutan ka at trinato kang hindi nabubuhay," ang bulong niya sa kaniyang sarili.

"Ugh," ang kaniyang sambit at binitbit niya ang kaniyang mga kailangan para magtungo sa banyo nang tumunog ang kaniyang telepono.

Huminto siyang sandali at dinukot niya ang kaniyang phone sa loob ng kaniyang bag at nakita niya na naka-red na ang battery ng kaniyang phone at ang kaniyang caller nang sandali na iyun.

Ang kaniyang ex na si Daniel Bianchi na isang Italian multi-millionaire. She let out an irritated sigh at saka niya pinindot ang kaniyang telepono para sagutin ito.

"Yes?" ang kaniyang sagot.

"Cuero mio," ang malambing na bati nito sa kaniya.

"What do you want Daniel?" ang kaniyang tanong. She was tired and all she wanted is to take a shower to clean herself and and lie her back on the soft mattress of the bed.

"I want to see you, mi amore, please, let us talk, I want you back amore," ang pamimilit nito sa kaniya. At napangiwi na ang kaniyang mga labi.

She broke up with him after a month of relationship. He was getting too serious at ayaw niya iyun. wala pa siyang balak na magseryoso sa lalaki lalo pa at tali pa siya sa isang manloloko. Kaya naman wala pa sa kaniyang vocabulary na magseryoso sa panahon na iyun. Pagkaalis niya sa lugar na iyun ay sisimulan na niya ang bagong chapter sa kaniyang buhay and that is to pursue her dreams and that is to become a chef.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon