Chapter 28

1.9K 94 26
                                    

Ligawan si Christiane, ang sabi ng kaniyang isipan habang nagmamaneho sila pabalik ng bahay at nilisan nila ang inuman ni mang Simon.

Iyun ang isang bagay na hindi alam gawin ni Carlos. Paano nga ba ang manligaw? Ang tanong ng kaniyang isipan. Ni minsan ay hindi niya iyun nagawa. Magkatinginan lang naman kasi sila ng babae at magkapalitan ng pangalan ay agad na niyang maaakyat ang kuwarto nito para sa wala pang trienta minutos na gulungan sa kama.

Sinulyapan niya si Christiane na nakatanaw sa labas ng bintana. Mukha ito man ay may malalim na inisiip. Hindi mo naman kakikitaan ng kaguluhan ang isipan nito tila ba lumilipad lang ang isipan nito sa kung saan.

Paano ba ligawan ang isang babae? Paano ba ligawan ang isang Christiane Montepiedad? Alam niyang lahat ng material na bagay ay kaya na nitong bilhin dahil sa yaman nito. Paano niya ito susuyuin?

"Putcha," ang kaniyang bulong.

"What is it?" ang biglang tanong ni Christiane sa kaniya na mukhang bahagya pa ring narinig ang mahina niyang sambit.

Sumulyap siya kay Christiane at sandaling nagtama ang kanilang mga mata at nabasa niya ang pagtatanong sa mga mata nito.

"Uh wala, uhm, kamusta naman ang pag-uusap ninyo ni mang Simon? Anong alamat na naman ang itsinismis niya sa iyo?" ang kaniyang tanong para mawala sa kaniya ang atensiyon nito.

Isang buntong-hininga ang narinig niyang pinakawalan nito at napansin niya mula sa gilid ng kaniyang paningin na nag-krus ang mga bisig nito sa harapan ng sariling dibdib.

"This night was very informative actually," ang paunang sambit nito, "tungkol sa family ko, tungkol sa pag-aari ng aming pamilya ang halos kalahati ng Villacenco? At hindi lang iyun, ibinigay ni lolo ang halos kalahati ng lupang pag-aari niya at nag-migrate ang aming pamilya abroad."

Parang nanigas ang kaniyang mga kamay sa hawak niyang manibela at nilukuban ng kaba ang kaniyang dibdib. Saka siya muling sumulyap kay Christiane na ang mga mata ay nasa harapan na ng windshield sa kalsadang kanilang binabagtas.

Nagbukas-sara ang kaniyang mga daliri sa manibela para mawala ang paninigas ng mga ito at saka niya mahinang nilinaw ang kaniyang lalamunan para muling magsalita.

"Uhm, sa pagkakaaalm ko ganun din ang nangyari, biglaan na umalis ang pamilya ninyo at namuhay sa ibang bansa, ang iab ninyong lupain ay ipinamigay habang ang iba naman ay ibinenta," ang kaniyang sagot kay Christiane.

"I can't recall anything about it," ang mahinang sambit nito, "well dahil siguro sa hindi pa ako ipinanganak nang mangyari iyun."

Tumangu-tango ang kaniyang ulo at hindi na siya nagsalita pa. Hindi nagtagal ay pumasok na sila sa loob ng arkong may pangalan ng San Miguel.

Rancho San Miguel, ang pagbasa ng kaniyang mga mata at kaniyang isipan. Ang ranchong ito ang aking naging buhay. Sa rancho umiikot ang aking buhay. Katawan at emosyona ang ipinuhunan ko sa lupaing ito.

"Nasaan ang mga magulang mo?" ang narinig niyang tanong sa kaniya ni Christiane na pumunit sa kaniyang pagmumuni-muni. Sumulyap siyang muli kay Christiane para sagutin ang tanong nito sa kaniya.

"Uh, hindi ba...nabanggit ni mang Simon sa iyo?" ang kaniyang tanong na sagot. At muling bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi kailanman siya nakaramdam ng kaba, maliban na lang noong isinugod niya sa hospital noon ang kaniyang lolo Juanito at noong nakita niya ang allergic reaction ni Christiane. Ngunit napapadals na ang kaba sa kaniyang dibdib at dahil iyun sa mga salitang lumalabas sa mga labi nito.

Umiling ang ulo ni Christiane at nagkibit ang mga balikat nito. At isang mahinang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka siya tumango.

"Patay na sila," ang kaniyang sagot dito. At napansin niya na bahagya itong gumalaw para bahagyang pumihit ang katawan nito para tingnan siya.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon