Chapter 12

2.1K 103 25
                                    

Tiningnan ni Christiane ang kaniyang repleksiyon sa malaking salamin sa loob ng kaniyang tinutuluyan na silid. ang kaniyang bestidang pinili ni Carlos para sa kaniya na abot hanggang sa sakong ng kaniyang mga paa ngunit nagpapakita naman ng kaniyang mga braso dahil sa manipis na strap na na may paekis na disenyo sa neckline dahil sa hugis triangle na tumatakip sa kaniyang mga dibdib. It shows an ample amount of her chest but it still doesn't show a lot of skin. The deep color made of her dress showed the gray hue of her eyes.

Kumunot ang kaniyang noo, Ang kaniyang tanong sa kaniyang isipan. At mas lalong nagusot ang kaniyang noo nang maalala na naman niya ang nangyari sa mall at mas lalo na sa boutique kung saan niya nabili ang suot niyang damit.

At hindi niya maiwasan na manlaki ang butas ng kaniyang ilong dahil sa naalala na naman niya ang mga sinabi sa kaniya nang babaeng may pangalan na Claudine na mukhang isa sa mga naging babae ng kaniyang magaling na asawa.

She was hurt, yes! she became a notorious slut in the circle of the high society nang mga mayayaman sa Los Angeles at sinadya niya iyun para lang makuha niya ang atensiyon ni Carlos at makitaan man lamang niya ito ng kahit anong emosyon na may pakialam pa rin ito sa kaniyang buhay.

Ngunit, kahit anong kaniyang gawin ay wala siyang anumang reaksiyon na nakuha mula kay Carlos nawalan na siya ng pag-asa na may pakialam pa sa kaniya ang asawang tanging lalaking kaniyang inibig. Ang pag-ibig na pilit niyang binura sa kaniyang puso at pinalitan niya ng galit at hinanakit para sa asawang nang-iwan sa kaniya sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa na may pangakong babalikan siya nito.

"Well, it didn't happen," ang kaniyang sambit sa kaniyang sarili sa salamin at saka niya kinuha ang kaniyang hairbrush at inis niyang sinuklay ang kaniyang buhok. Habang abala pa rin ang kaniyang isipan tungkol sa kanila ni Carlos.

She became a slut to be free and start a new life but him?! ang inis na sigaw ng kaniyang isipan habang galit niyang pinapadaanan ng brush ang kaniyang hanggang bewang na kulay cinnamon na buhok.

"But him? he became a slut for just being he's amn and that was his license!" ang galit at malakas niyang sabi sa kaniyang sarili, "Aw!" ang kaniyang hiyaw nang mahila niya nang husto ang kaniyang buhok.

"Ugh," ang inis niyang sambit at pahagis niyang ibinalik ang kaniyang hairbrush sa ibabaw ng vanity table at kinuha niya ang isang silk scrunchie at hinila ng kaniyang mga palad ang kaniyang buhok paitaas sa kaniyang ulo at itinali niya ang kaniyang buhok na parang buntot ng kabayo.

Muli niyang tiningnan ang kaniyang imahe sa salamin at nang sa tingin niya ay tama na ang kaniyang ayos ay naglagay lamang siya ng kaunting kulay sa kaniyang makakapal na labi na makikita mula sa mga babaeng modelo na cover ng mga glossy magazines.

At kaiba sa mga gabi na kaniyang nakagawian na ayos ng kaniyang mukha? Para sa gabing iyun ay tanging nude lipstick lamang ang inilagay niyang pampakulay sa kaniyang mukha at kaniyang ini-spray ang kaniyang paboritong pabango sa kaniyang mga pulsuhan. At nang matapos na siyang sipatin ang kaniyang hitsura sa salamin ay sakto naman ang pagkatok mula labas ng pintuan ng kaniyang silid.

Mabilis na natuon ang kaniyang mga mata sa likod nang nakapinid na pintuan ng kaniyang silid. At saka niya sandaling ipinikit ang kaniyang mga mata bago siya gumawa ng mga paghakbang para pagbuksan ang kumakatok sa labas ng pintuan.


Alam ni Carlos na back to zero na naman siya pagdating sa panunuyo niya at sa kaniyang pagbabayad utang sa kaniyang nagawang pagkukulang dito. At wala naman siyang kailangan pang sisihin kundi ang kaniyang sarili. Kung noon pa man sana ay ginampanan na lamang niya ang kaniyang tungkulin ay hindi na sana sila umabot sa ganun na sitwasyon, ngunit mas namayani ang pride ng isang bata pa ring Carlos San Miguel at mas pinili niyang iwan na lamang ang asawa at ang obligasyon dito.

CARLOS SAN Miguel (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon