Chapter 2

14.7K 258 45
                                    

CHAPTER 2

"O-Ouch. . ."

Hindi ko maiwasan ang mapadaing nang gamutin ko ang sugat sa aking daliri. Kanina lamang ay nagising ako nang biglang bumagsak ang kama ko habang natutulog ako. Kaya ngayon ay sinusubukan kong ayusin ito dahil tuluyan na itong bumigay. Habang inaayos ko ang kama ko ay aksidente kong natamaan ng martilyo ang daliri ko kaya agad itong dumugo.

I let out a deep breath, then took the band-aid and stuck it to my finger. A drop of sweat dripping down my forehead as the sun's rays hit my face.

Mahigit isang linggo na rin ang lumipas nang dumalaw ang mga magulang ni Risen. After that incident, I never saw Risen leave his office. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, siguro naging mas busy na siya ngayon dahil sa offer na inalok sa kanya.

I picked up the hammer again and went back to work. Kailangan kong maayos 'to bago dumilim dahil kung hindi, wala akong mahihigaan mamaya. Maaaring sa lapag ako matulog na ayaw ko namang mangyari dahil masyadong malamig para humiga doon.

"Ma'am! Nandito na po ang pagkain niyo!" may halong pananabik ang tinig nito.

Napatigil ako sa ginagawa at binalingan ito ng tingin. I saw Grace holding a tray while walking towards me. She gently placed it on the table and looked at what I was doing.

Kumunot ang noo niya, "Ano pong ginagawa nyo Ma'am?"

"Inaayos 'tong kama ko, bumigay na kasi."

Her eyes widened. "Naku Ma'am, tulungan ko na po kayo diyan!" mabilis nyang inagaw sa kamay ko ang martilyo na hawak ko.

"No Grace, ako ng bahala dito. Give it back." I tried to take the hammer in her hands but she quickly took it away from me.

"Ako na po dito Ma'am, kayang kaya ko po 'to! Umupo na lang po kayo dyan, kumain po kayo at magpahinga. Mukha kasing pagod na po kayo." she smiled sweetly.

Napailing na lang ako at walang nagawa kung 'di ang umupo sa upuan. Tiningnan ko ang pagkain na nakalagay sa tray. It was ham and swiss omelet with mango juice. I couldn't help but to smile because warmth flooded my heart. Grace has never failed to bring me food since the day she told me that she will make sure I could eat three times a day. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin. I had no idea but I'm thankful because if she didn't do this, I wouldn't be able to eat.

I gaze at her. "Thank you, Grace."

Nagtataka siyang napalingon. Nang malaman kung ano ang tinutukoy ko ay nahihiya siyang napayuko habang may ngiti sa labi.

"Wala po 'yon Ma'am, gusto ko lang po talaga kayong tulungan. Para po kasi sa akin, hindi niyo po deserve ang nararanasan nyo ngayon," she uttered. "Huwag niyo po sanang isipin na ginagawa ko po ito dahil sa naaawa ako sa kalagayan nyo, hindi po sa gano'n Maa'm."

I didn't respond.

"Pinalaki po kasi ako ng mga magulang ko na kapag kayang tumulong, huwag magdalawang isip na tumulong. Kahit mahirap ang naging buhay namin nagagawa pa rin naming tumulong. Napakabait po ng mga magulang ko Ma'am!" ngumiti siya ng malawak. "Isusubo na lang po ng mga magulang ko ibibigay pa sa iba."

I had no idea that she had a family who had a pure heart. She was raised by kind parents who were always ready to lend a hand. These people are the ones who don't have anything but still decide to help even in a small way. Ngayon ay hindi na ako nagtataka kung bakit ganito na lamang ang pakikitungo nya sa akin.

"Anong trabaho ng mga magulang mo?" hindi ko naiwasang tanong.

"Magsasaka po Ma'am, kaunti lang ang kinikita ng mga magulang ko pero ng dahil po sa trabaho nila, nakapagtapos po ng college ang ate at kuya ko." I could felt happiness bloomed inside her.

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now