Chapter 31

8.7K 132 48
                                    

CHAPTER 31

That day was a complete disaster for me. I couldn't sleep since her words kept repeating themselves in my mind.

Isa lang ang ibig niyang sabihin sa akin. At kilala ko kung sino ang tinutukoy niya ngunit hindi ko magawang paniwalaan iyon. Imposible. Nagkakamali siya. Hindi niya iyon magagawa sa akin.

She was there through the highs and the lows of my life. Palagi siyang nasa tabi ko para tulungan ako. Siya ang naging kakampi ko sa mansyon. Ipinagtanggol niya pa nga ako kay Cereinna kaya siya nawalan ng trabaho. That's why even if I forced myself to believe it, I still can't.

Hindi ko kakayanin kapag nalaman kong totoo nga na siya ang tinutukoy ni Autumn na layuan ko.

Ang isa pang gumugulo sa isipan ko ay ang sinasabi niyang lalaking nakatayo noon sa balcony. The man I shot. She says that man has been spying on me for a long time. Ako raw ang anak niya, so it means siya ang tatay ko? Kalokohan.

"Goodmorning, love. . ." Lumapit sa akin si Kael na pupungay pungay pa saka niyakap ako mula sa likod.

Inilagay niya ang kanyang panga sa ibabaw ng balikat ko habang nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko. I smiled as I reached his hair. Bahagya ko iyong ginulo.

"Goodmorning."

"Bakit ang aga mong nagising? May gumugulo ba sa isip mo?" he asked weakly.

I took a deep sigh. "Yes."

"Mind telling me?"

"Si Grace ba nagtatrabaho pa rin sa Vuenoista?"

Umiling siya. "No. Matagal na siyang nag-resign. A year ago she sent me her resignation letter. Didn't she tell you?

"Wala siyang sinasabi."

Napatango tango siya. "Ang sabi niya uuwi na raw siya ng probinsiya nila kaya pumayag ako."

Saglit akong napaisip. Oo nga pala at may pamilya siya sa probinsiya. Mayroon siyang kapatid na nag-aaral doon habang ang dalawang nakakatanda niyang kapatid ay nandito sa Manila at may sari-sariling pamilya na. If I remember correctly, ang sabi niya ay pinabayaan na sila ng mga ito kaya napilitan siya na pumunta rito sa Manila para magtrabaho. Siya na lang ang bumubuhay sa pamilya niya.

"Do you have personal information about her? Resume niya? Na sayo pa ba?" sunod sunod na tanong ko.

Tumango siya. Nakalikha iyon ng labis na tuwa sa kaibuturan ng puso ko. "Can you send it to me?"

He looked at my eyes. "Ngayon na?"

I nodded once again.

"Alright, I'll call my secretary to send her information."

Ngumiti ako.

Humiwalay siya sa akin at nanliit ang mata ko ng biglang ngumuso siya sa harapan ko.

"Where's my kiss?" he puts on a pout.

Tumaas ang kilay ko. "Kiss? Hindi ka pa nga nagmumumog."

Nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at sinubukan niya pang amuyin ang hininga niya.

He looked at me with puppy eyes. "Hindi naman mabaho,"

Natawa ako ng mahina. "Wala akong sinabi na mahabo, Kael. Ang sabi ko, hindi ka pa nagmumumog."

"Yeah, that's why you don't want to kiss me. Iniisip mo na mabaho ang hininga ko dahil hindi pa ako nagmumumog."

Huminga ako. "What do you want me to do? Halikan ka?"

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now